Kay sayang balikan
mga alaala ng nakaraan
mga kasiyahang nadama
ngunit lahat ay alaala na langAlaalang mahirap limutin
mahirap pakawalan
sa isipang ikaw at ako lamang
pero lahat ay nagbagoNagbago na kasama ang pagsasamang matagal nang nagawa
Pagsasamang saya ang dulot
Kalungkutang ikaw ang nagbura
Pinalitan ng kaligayahang mga alaalaAlaalang masaya pa tayong dalawa
Tayong dalawang nagtatawanan
Magkaramay sa lungkot na nadama
Mga luhang ikaw ang nagpapahidMga luhang naging ikaw ang dulot
Pero paano ba yan?
Lahat yan ay alaala na lang
Alaalang lilimutin naMga kaligayahang hatid ng alaala
Ikaw at ako kailangang limutin ang tayo
Salamat sa nagawang nakaraan
Nakaraang alaala na lang-------------------------------------------
Vote ⭐
Ig: mrellmbnmgpntay
Correct me na lang po if I'm wrong
YOU ARE READING
Her Last Words
Poetry~Heartbreaks, broken trusts, relationships💔~ Story cover by: Breathlexxx