Kabanata 55

8.4K 122 17
                                    

Kabanata 55

Iana's

Isang buwan ang lumipas magmula nang dalhin ako ni Dale sa Tagaytay para makita si Grace. Simula ng araw na 'yon ay halos araw-araw na kaming nagko-communicate ng pinsan ko. Sobrang dami ko talaga na-miss kaya halos hindi maubos ang mga kwento niya.

"Oh, tumawag na ba sa 'yo?" Lunch time at kakatapos ko lang kumain saktong pagtawag ni Grace.

"Hindi naman na tumawag, Grace. 'Di ba nasabi ko naman sa 'yo na 'yong una at huling usap namin sa phone, naunahan ako ng kaba ko kaya medyo awkward 'yong naging pag-uusap namin. Kaya lagi lang kaming nagti-text."

"O, ayon naman pala. So, nagtext na ba siya?"

"Wala e, matagal na rin ang huling text niya. Nag-try naman ako magtanong pero parang na-seen lang 'yong message ko."

Ang ewan lang kasi parang nagsusumbong na ako ngayon kay Grace. Wala naman kasi akong mapagsabihan at alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin ngayon.

"Ha? Ganun ba? Hay nako, kung kelan handa ka nang aminin sa kanya ang lahat saka pa siya nowhere to be found." Parang sabay pa kaming namomoblema ni Grace ngayon. Nakaka-guilty naman at dinadamay ko pa siya.

Si Grace talaga ang super na nakapag-convince sa akin na iwan na ang katauhan ni Elaine Manahan at mamamuhay muli bilang Iana Rodriguez. Sabayan pa ni mama na lagi namang bukambibig kapag nakakausap ko. Halos magmakaawa na nga sa akin na bumalik na ako sa kanya. Sa sobrang takot ko ay alam ko nasasaktan ko na ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin.

"'Yon nga Grace e, sa tingin ko nga parang hindi naman pinag-aadya ng panahon na malaman ni Dale ang totoo. Alam mo 'yon, nangako na ako sa inyo ni mama at sa sarili ko na once na bumalik si Dale ay sasabihin ko na sa kanya ang lahat-lahat tapos ganito pa ang nangyari. Bigla na lang na hindi siya nagparamdam."

"Huwag ka ngang nega diyan. Tigilan mo na ang pag-ooverthink. Walang idudulot na maganda 'yan. Hayaan mo ita-try kong kamustahin. Balitaan na lang kita, Iana."

Napangiti ako ng tinawag niya ako sa totoong pangalan ko. Matagal ko nang hindi 'yan naririnig. Pagkatapos nun ay nagpaalam na rin ako kay Grace.

Inubos ko ang oras ko sa pagbabasa ng past convo namin ni Dale bago siya tumigil sa pagpaparamdam.

Dale:

Sige na, Elaine. Let me buy toys for Din-Din. How about you? Do you want anything? Wait, nag-dinner ka na ba? Text you later? Kumain ka muna.

Napapangiti ako sa simpleng message niya na ito. Sa maiksing relasyon kasi namin noon, hindi naman kami madalas nagti-text kasi araw-araw naman kaming nagkikita. Kaya medyo naninibago talaga ako na mahilig palang mag-text si Dale.

Dale:

Kumusta si Din-Din? Anong ginagawa niya? I really miss her :'(

Parang hindi rin bagay sa kanya ang maglagay ng emoticon sa message. Siguro noong dati pwede pa. Ngayon kasi parang may nagbago sa ugali ni Dale. Parang ang hirap na niyang biruin ngayon. Lagi na siyang seryoso. Maybe maturity hits him hard.

Kapag ganitong nagtatanong siya kay Din-Din, nagse-send pa ako ng mga videos ng ginagawa nito. Ngayong alam kong alam ni Dale na anak niya si Din-Din. Mas lalo akong nagi-guilty kapag nagtatanong siya ng tungkol sa bata. Alam kong naging unfair ako sa anak ko at sa kanya.

Dale:

Can't wait to see you both. Uwi na
ako bukas. See you! :))

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن