Chapter 11: Explosions

48 6 1
                                    

Third person's POV

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Dalistro at Aurrous. Makikita ang kulay pulang enerhiya na lumalabas mula sa Stone of Endless Energy na nasa loob ng chest chamber ng suot niyang pulang metal armor at ang berdeng enerhiyang lumalabas sa mga kamay ni Aurrous.

"Yah!" sigaw ni Dalistro.

"Ibigay mo na ang bato Martian!" sigaw ni Aurrous habang patuloy lang na nagpapalabas ng kulay berdeng enerhiya sa kanyang mga kamay.

"Hindi ako papayag!" sigaw ni Dalistro habang patuloy ding nagpapalabas ng kulay pulang enerhiya sa kanyang chest chamber.

"Kung ayaw mo, kukunin ko na lang ito ng sapilitan!" sigaw ni Aurrous at bigla siyang gumawa ng mga galaw sa kamay at biglang lumitaw ang mga magic circle na nagiilaw ng kulay berde.

Bigla namang nawalan ng kontrol sa suot niyang robotic metal armor si Dalistro at bigla na lang siyang nabalutan ng kulay berdeng enerhiya. Kahit na walang lumalabas na apoy sa suot niyang suit ay nananatili pa rin siyang nakalutang sa hangin at dahil ito sa enerhiyang nakapalibot sa kanya.

"Sinabi ko na sa iyo... Ibigay mo na lang ang jewelsphere nang mahinahon, pero lumaban ka pa rin martian..." sabi niya

Bigla namang bumukas ang suot na helmet ni Dalistro o ang ulo ng robotic suit niya kahit hindi naman ito binuksan nang kusa ni A.N.N.I.E. o ang A.I. assistant ni Dalistro. Dahil pala sa pagkontrol ni Aurrous dito, kaya ito kusang bumukas.

Sa pagkumpas ng kamay ni Aurrous ay mabilis na nakalapit sa harap niya si Dalistro na kasalukuyang walang kontrol sa kanyang suit at nababalutan ng kulay berdeng magic energy.

"Ang suot mong armor ay sobrang kahanga-hanga... Dahil kaya nitong kontrolin o manipulahin ang bato. Isang makapangyarihang bato na nasa maling kamay!" sabi ni Aurrous at bigla niyang kinuha ang Stone of Endless Energy sa bukas na chest chamber ni Dalistro gamit ang kamay niyang may tatlong daliri.

Dahan-dahan niya itong kinukuha na para bang may binubunot.

Maririnig naman ang mga maliliit na pagsabog dahil sa kuryenteng napuputol.

"Ang batong ito ay hindi nararapat sa iyo!" sigaw ni Aurrous at tuluyan niyang binunot ang bato sa chest chamber sa suot na suit ni Dalistro. "Ang ganda niya! Talagang kahanga-hanga!" sigaw ni Aurrous habang tinitingnan ang kulay pulang bato o kristal na lumulutang sa kanyang palad habang nagliliwanag.

Bigla namang umatake si Fortchtwig at sinugod niya si Aurrous gamit ang mga ugat na lumalabas sa kanyang kamay.

Malapit na sanang matamaan si Aurrous pero biglang pumagitna si Asteroid, ang nilalang na gawa sa bato.

At naglaban silang dalawa ni Fortchtwig. Makikita ang palitan nila ng mga pag-atake at malalakas na opinsiba.

Samantala...

Habang naglalaban pala kanina sina Dalistro at Aurrous ay nakahanap ng pagkakataon sina Zack at Vianus para hanapin ang tungkod niya sa loob ng spaceship na kinalalagyan nila.

At hanggang sa nakapasok sila sa isang silid. Nahati sa dalawa ang bakal na pintuang ito at mabilis silang pumasok.

"Ang aking tungkod!" sabi ni Zack habang nakatingin sa kanyang tungkod na nasa loob ng isang pahabang glass container na may nakakonektang napakaraming kable ng kuryente.

"Ako na ang bahala Zack!" sabi ni Vianus na nasa katawang tao at biglang may lumabas na kulay puting enerhiya sa kanyang noo na ipinatama niya sa glass.

Dahan-dahan niyang hinahati ang glass na ito para makuha ang tungkod ni Zack.

"Bilisan mo kaibigan dahil baka kailangan na tayo ni Dalistro ngayon! Baka kailangan niya na ng tulong!" sigaw ni Zack.

CONVERGENCE GENESIS (CSU SERIES #5)Where stories live. Discover now