Chapter 5

46 1 1
                                    

Honny Pov

"Yes!" malakas na sigaw ni ken nag makita ang resulta nang kanyang score na nakuha sa exam na ginawa ko.

"look Au!, na perfect ko yun quize na binigay ni Hon!"

parang bata nito sabi saming lahat na mag kakaibigan. tatawa tawa nalang sila Marga sa reaksyon nito habang ako ay naiiling na inayos ang mga gamit ko na naka kalat.

"manglilibre na yan!" kanyaw ni Auros habang minamasahe si ken.

"Sige ba!"mayabang nito sabi sa kanila.
"pero bukas nalang kasi kukunin ko un price ko kay Hon" sabi nito. napatingin ako dito na ngakangiti at kumindat pa.

"Anung price?" sabay na tanong ni Queen at Auros. kahit kailan ay tsismoso sila.

"pupunta kami sa amusement park!"

napahinto ako sakin ginagawang pag aayos at gulat na napatingin kay Ken. maging ang mga kaibigan ko ay gulat na gulat nag pasalin salin ang kanilang tingin saming dalawa.

"May problema ba?" nag aalala tanong ni Ken samin lahat ngunit lahat sila ay napatingin sakin dahilan para mapabuntong hininga ako.

"sa ibang araw nalang ken, wala kasi mamamahala sa Glimpse!" pilit kong inayos ang boses ko para kahit papano ay di makahalata ito sa lihim namin mag kakaibigan.

"hala!walang ganyanan sabi kahit anung gusto ko eh basta kaya mo punta lang tayo sa amusement park di pa ako nakakapunta doon!" dire diretso nitong sabi sakin habang tinutusok tusok pa ang aking pisngi.

"wala kasi mamahalanga dito" kalmado ko sabi sa kanya. nakunsensya naman ako nag makita siyang bagsak ang balikat na naupo sa sofa.

"hindi pa ako nakakapunta doon!" malungkot nito sabi. napatingin naman sakin ang mga kaibigan ko at para bang sinasabi na pag bigyan ko na.

"Ako na ang bahala dito honny!" pilit na ngiti ni Marga tumango lang ako sa kanila bago sinugbit ang bag ko.

"Yes!! pupunta kami sa Star City!" masayang masaya sabi ni ken nanabakas mo ang excitement sa kanyang boses at kilos.

naging tahimik ang buong biyahe namin kahit na anung salita ni ken ay simple ngiti at tango lang ang binibigay ko sagot.

Ken POV

Kanina ay excitement ang nararamdaman ko pero ngayon ay may konting lungkot. madalas ko makita si Honny na nakatingin lang sa labas ng bintana tapos ay bubuntong hininga siya.

siguro ay ayaw talaga niya pumunta dito.

"Nung maliit palang ako tuwing sunday nandito ako kasama ang mommy at daddy ko sempre pati mga nakakababata kong kapatid" napalingod ako sa sinabi niya ngunit ang kanyang paningin ay nasa labas parin.

"Nakalimutan ko na kung panu maging masaya mula nag pinatay ang mga magulang ko ken!"

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nakita ko ang mga luha na kanyang pinipigilan at ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

Hinawakan ko siya sa kamay na kanyang kinagulat.ngunit hindi ko yun pinansin.

"simula ngayon ipapaalala ko sayo kung panu maging masaya at sisimulan natin yan ngayon!"

hindi ko alam kung bakit?
pero ayoko nakikita malungkot si Honny ayoko nakikita siya nahihirapan.

ngumiti siya sakin at sa tuwing ginagawa niya yun ay may kung anu saking dibdib ang nabubuhay na hindi ko dapat pag tuunan nag pansin.

Nakarating kami sa Star city nag maaga pa sa inahasahan ko. all ride ang kinuha ko ticket dahil gusto ko sakyan lahat nag nandito.

"ayun doon tayo!" hinila ko si Honny sa una kong gusto sakyan.

"seryoso dito ka talaga sasakay sa caruesel?" napa pout ako nag pag tawanan ako nito yun tawa talaga na malakas kaya naagaw namin yun pansin nag iba.

isa sa mga gusto ko kay Honny pag gusto niya,gusto niya wala siyang pakielam sa ibang tao.

"Harap sa Camera baby ken!" pag aasar sakin ni Honny nag makasakay na kami mag katabi lang kasi yun kabayo namin dalawa.

"Ang saya Baby Hon ko!" pag sakay ko sa kanyang biro na naging dahilan para sabay kami mag tawanan.

tulad nag sabi ko gusto ko sakyan lahat kaya talaga sumakay kami sa roller coester hindi ko alam na dapat ko ba pag sisihan na sumakay ako doon kasi si Honny walang ginawa kundi asarin ako nag asarin.

"I can believe this!, si ken ang  White tiger na kinakatakutan ng lahat ay daig pa ang babae kung tumili!"  Pag asar niya sakin pag kababa palanh namin sa ride. nag hihina ako sumandal sa pader pag katapos ko palang na iluwa ang lahat ng kinain ko kanina.

Nag hihina ko itinaas ang kaliwa ko kamay para tumigil na siya sa pag aasar wala akong lakas at pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng iyun.

"kaya pa may ferris wheel pa!"  napalunok ako nag sundan ko ng tingin ang itinuro niya malaking bilog.

"p-pag huli nalang yan!" kinakabahan ko sabi sa kanya na kanyang kinatawa.

"ngayon araw na ito nakailan tawa kana ah!" tukso ko sa kanya. tumayo ako nag tuwid at umakbay sa kanya. ngunit napasighap ako nag sikuhin niya ang sikmura ko.

napaka amazona ng babaeng ito.

"alisin mo yan braso mo sa balikat ko kung ayaw mo maputulan ng braso!"pananakot nito sakin.

"wag naman!" pag kukunwari ko na natatakot sa kanya.
"Nahihilo pa ako,alalayan mo kaya ako!" nakita ko ang pag taas nito nag kilay. sinunod namin ang car boom na talaga nag enjoy ako nag sobra. lagi namin binabangga ang isa't isa at nag hahabulan pakiramdam ko muli ako bumalik sa pag kabata na niminsan ay hindi ko naranasan.

"ang galing mo mag maneho ahh!!"
nakangiti ko sabi sa kanya habang kumakain kami dalawa.

"Nope! mas magaling mag maneho si Auros samin lahat!" nakangiti rin niya sabi sakin. tumango tango ako,nakakainggit na meron siya mga childhood friend. "pero madalas niya ibangga ang kotse!" 

"mukha close talaga kayo sa isa't isa ahh!"

"Yup! si Marga ang parang Nanay samin lahat,ako ang ate,si trisha naman ang lagi nasa gitna habang sila Queen ang mga pasaway!" masaya niyang kwento.

"Si Queen ang magaling mag luto samin habang si Auros naman ay magaling mag ubos nag pag kain."

"Anu nga pala ang ideal man ni Auros para kasi ang hirap niya lapitan?" tanong ko sa kanya nakita ko ang pag salubong nag kanyang kilay.

"Hindi ka niya type! tanging si Aso niya lang ang mahal niya!"

nanlaki ang mata ko sa pagiging pranka nito sakin.

"at sa susunod siya ang tanungin mo at wag ako!" sabi ni Ms. masungit sakin.

grabe nag tanong lang kung anu ideal man eh!!

In Love si Ms.MasungitWhere stories live. Discover now