OMTAFI2 -- First

72 3 0
                                    

Matapos ang 2 buwang bakasyon, hindi pa rin nahanap ang katawan ni Joe. Ang iniisip nila, ay baka nilapa na ng mababangis na hayop ang katawan niya. Ngunit hindi ako sumasang-ayon dito. Lagi akong bumibisita sa pinangyarihan ng aksidente. Lagi akong umiiyak, nagmumukmok, humahagulgol. Sariwa pa sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari sa lugar na ito. Hindi madaling kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin ni Joe, kahit sa kakapiranggot na panahong pagsasama namin. Ginugunita ko ang monthsary namin tuwing 14 kahit ako lang mag-isa. Iniisip ko na lang na lagi siyang nandiyan, kasa-kasama ko. Hindi ako nawawalan ng lakas na loob kahit wala na siya. Magiging matatag ako hindi lang para sakanya, kundi na rin sa kapakanan ng sarili ko.

"Anak, kalimutan mo na si Joe. Wala na siya. Tanggapin mo ang bagay na 'yon."

Hindi ko sinagot si mama. Patuloy kong niyayakap si Joemari, ang stuff toy na niregalo ko sakanya nung birthday niya.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo Mika. Hindi ka makaka-move on kung lagi kang ganyan."

Hindi ko pa rin siya sinagot. Mas hinigpitan ko ang yakap kay Joemari.

"Patay na si Joe Mika! Patay na siya, kaya kalimutan mo na siya!"

Doon pumasok sa utak ko ang mga sinasabi ni mama. Hindi... Buhay pa si Joe. Buhay pa rin si Joe sa isip at puso ko. Kailanma'y hindi siya mamamatay dito. Lagi siyang buhay.

"Hindi pa siya patay! Buhay na buhay siya! Buhay na buhay siya dito..." Tinuro ko ang puso ko. "Buhay na buhay siya dito..." Nag-umpisa nanamang umagos ang mga luha ko.

Niyakap ako ni mama.

"Anak patawarin mo ako sa sinabi ko kanina. Ayoko lang na makita kang nahihirapan ng ganyan. Kung buhay lang si Joe ngayon, hindi rin niya nanaisin na makita kang nagkakaganyan. Kaya anak, tama na."

Niyakap ko rin siya.

"Mahirap kasi ma... Mahirap burahin sa isipan ko ang lahat. Hindi ko kayang hindi siya isipin ano mang oras. Bakit pa kasi siya nawala ma? Bakit kelangan niya pa akong iwan? Pwede namang hindi di ba? Pwede namang maging masaya kaming dalawa di ba ma?" Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

Humiwalay si mama sa pagkakayakap sakin.

"Umayos ka na anak. May pasok ka na bukas." Sabi niya sabay labas ng kwarto.

Bakit ganon lang kadali sakanila ang mga nangyari? Bakit ganon lang kadali sakanila na mawala si Joe? Kasi kung ako ang tatanungin, hindi madali. Hindi madali para sakin ang pagkawala ni Joe.

Pasukan na pala bukas. Akala ko, magiging masaya ang bakasyon ko. Akala ko makakasama ko si Joe buong bakasyon. Akala ko lang pala 'yon.

Inayos ko ang bag ko. Ipapasok ko na sana ang mga gamit, nang may maisip akong iba. Binuksan ko ang cabinet ko, at hinanap ang bag ni Joe sa ilalim. Ito ang gagamitin kong bag.

Kinabukasan, maaga akong pumasok...

( /_\)

Wala nang dahilan para pumasok pa ako ng maaga.

:'(

Wala na akong aasarin pa sa room. Wala na akong kukulitin sa room. Wala na. Wala na si Joe...

Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang strap ng bag ni Joe. Yung bag niyang parang pang mailboy. Yung lakad niyang parang bangag. Yung katawan niyang sing nipis ng stick. Ang bagsak at wavy niyang buhok. Ang mapupulang labi niya... Ngayon wala na...

Napayuko na lang ako. Tumigil ako sa front door. Ini-angat ko ang ulo ko. Ngumiti ako. Nakita ko si Joe na nagbabasa ng makapal na libro. Tumingin siya sakin tsaka ngumiti. Biglang naglaho ang lahat... Nalungkot ako...

Operation: Make The Atheist Fall Inlove Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon