Chapter 6: Revelation Take 1

1K 21 0
                                    

A/N: Dahil halos 5.3k na ang reads nito....

EDI ITULOY!! HAHAHAHAHA!! Binabawi ko na 'yung sinabi ko sa A/N. Sarreeh na!!

Pero sinasabi ko sa inyo, maikli lang iteey.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aly's POV

Time Check: 01:46 a.m.

Bakit ko pa ba siya hinihintay? Wala naman palang silbi ang paghihintay ko sa kanya.

"Pusa, matulog ka na. Maga-apoy si coach bukas 'pag nalaman niyang puyat ka."-Nagulat ako nung may nag-salita. Si Gretchen pala.

"Gretch, ewan ko. Alam ko naman na walang silbi ang paghi-hintay ko sa kanya. Pero, bakit kahit ganon, pinipilit ko pa rin ang sarili ko na hintayin siya? Sinasabi din ng konsensya ko na 'wag ko na siyang hintayin, pero sinusundan ko pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Mahal ko na nga ba talaga si Denden?"-Sabi ko ngunit, hindi ako naka-harap kay Gretch.

"Alam mo, Aly. Ganyan din ako dati. Pero, kung palagi mong sinusundan ang puso mo sa sinisigaw nito, malamang hindi na paghi-hintay 'yan. Siguro assuming na 'yan na mapapansin ka niya."-Sabi niya tsaka tumabi siya sa'kin.

"Tama siya, Alyssa! Ina-assume mo na mapapansin ka pa niya. Pero, ikaw pa rin ang masasaktan sa bandang huli. Kya, 'wag ka nang umasa na darating pa siya. Matulog ka na!"-Sinermunan na naman ako ng konsensya ko.

Sige, pipilitin ko na sundan ko ang konsensiya ko.

"Greta maldita, matutulog na'ko. Bumalik ka na sa kwarto mo."-Sabi ko.

"Sige. Hehe."-Sabi niya tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Pinilit kong matulog, um-effect naman.

*M O R N I N G*

Nagising na'ko. Nung halos wala akong narinig na ingay sa baba. Aba, tahimik.

Chineck ko 'yung phone ko kung may nag-text. Meron nga, si Denden.

Tinignan ko 'yung message.

From: Denden ^__^

Aly, sorry. Hindi ako makaka-uwi sa dorm. Pero, 'wag kang mag-alala. kasama ko naman bf ko. Bye, see u tom.

Ano? may bf na siya??

NO WAY!!! Paano na'ko?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oh, bukas part 2 niyan. Hehehe. ^__^

LUV U ALL, GUYS!!!

Sana ako na lang (AlyDen Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora