2-10 (Justin)

1.4K 42 0
                                    

"Chris?????" gulat kong bigkas nang makita ko siyang pumasok dito sa loob. Hindi ko mawari sa aking isip kung papaano niya nalaman ang kinaroroonan ko rito sa resort.

"Sssshhhhhh...." inilagay nito ang hintuturo sa ilong, "Marami sila, napapalibutan nila ang buong resort...kung tatakas tayo, doon sa mga private cottages tayo dadaan..." mahina at maingat niyang saad habang nakatingin sa anino nila Cheska at ng lalaki sa may bintana.

Nagkatinginan sila ni Luigi sa mata.....at dama ko ang tension sa pagitan nila at hindi pagkagusto sa isa't isa nang irapan ni Luigi si Chris.

"Anong ginagawa mo rito??" si Luigi sa kanya.

"Huwag na ka nang magtanong, ang importante ay maitakas ko kayo rito..."

"Ano ba ang nangyayari???" si Ronnie na taranta.

"Huwag ka ng magsalita Ronnie..." sambit ko sa kanya dahil hindi mapigilan ang lakas ng boses nito.

Napatingin pa sa akin si Luigi nang bigla itong tumayo, "Ako na ang bahala sa kanila, lumabas na kayo sa may sliding door..."

"Ano???? Hindi pwede......sama-sama tayong lalabas diyan..." pag-aalala ko sa kanya.

"Hindi ako sasaktan ng mga iyan, alam kong hinihanap lang nila ako....basta magtiwala ka lang sa akin Justin, at sa sinabi ko sa iyo kanina..." aniya..... Na mahal na mahal niya ako.....kung iyon nga....... Napatingin siya sa anino ni Cheska, at saka ibinilang ang tingin sa akin, "Sige na habang may pagkakataon pa kayo...."

"Tama siya Juss, tara na..." pagsang-ayon ni Chris.

"Oo tara na," si Ronnie sa tabi ni Chris.

Napahawak ako sa kamay ni Luigi nang hahakbang na ito patungo sa may main door... "Huwag kang mag-alala sa akin...." sambit niya ng may malumanay na ngiti sa labi...

Napatayo ako't niyakap ko siya ng mahigpit... "Mag-iingat ka..."

"I will be okay... sige na lumabas na kayo sa balkonahe," bigkas niya pagkabitaw nito sa akin.

"Tara na Juss...." si Chris, at nang kunin nito ang kamay ko'y nakita ko ang mabilis na pag-abot ni Luigi sa isa kong kamay, humakbang ito..........at niyakap ako ng mahigpit.....mabilis lang ito, at saka niya ako hinalikan sa aking noo... "Ipangako mo sa akin na magiging ligtas ka, ha?"

Tumango ako ng dalawang beses, "Oo... ipinapangako ko....mag-ingat ka rin...."

At nang muling abutin ni Chris ang kamay ko'y nabitawan na ako ni Luigi, "Tara na, habang may panahon pa tayo.......Juss."

Napalingon lang ako kay Luigi nang magtungo na ito sa main door at kami ay papalabas na ng balkonahe.

Nakaharap lang sa pinto si Luigi at hindi na ito lumingon pa sa amin. Paghawak niya sa door knob ay nakita ko ang anino ng lalaking skin head sa may bintanang may ikinakasang baril..........

Nanlaki ang mga mata ko! Babalikan ko pa sana si Luigi ngunit nahatak na ako papalabas ni Chris.

Planet REDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang