Settled

625 14 0
                                    

Chapter 23:

Artemis POV

Lumipas ang halos tatlong araw na palaging tinitext ni Jastin yung number ni Dave about sa reunion. Napaka-inefficient kasi ifoforward ni Dave sakin yung message tas itetext ko yung reply ko sa kanya tapos ifoforward niha ito kay Jastin. Kaya napagdesisyunan ko nang ibigay ang number ko Jastin. Pero bago ko gawin yon halos lumuha ako ng dugo para lang mapapayag si Dave. Napangiti ako ng wala sa lugar nang maalala yung mga ginawa ko kahapon para lang makumbinsi ko siya.

Flashback
Halos kakauwi lang namin ni Dave sa condo nang sunod sunod na tumunog yung cellphone niya. Kinuha ko iyon at binuksan dahil bisy si Dave sa pagpapalit ng damit sa kwarto eh iniwan niya yung phone niya dito sa sala. Lahat ng messages galing kay Jastin.

"Art, I want a Nostalgic effect on our venue. Sa designs ako na ang bahala doon since I am a freelance interior designer."

"oo nga pala, sabi nila yung venue daw dapat accessible para sa lahat. Kasi mahirap bumyahe, you know Philippines. Super traffic"

"maybe we should meet para pag-usapan yung tungkol dito yung tayong dalawa lang."

"if you're on it. Send me location and time kung saan kita imemeet."

Lahat ng text na yang galing sa kanya. Inilapag ko ang cellphone ni Dave at nanoos ng tv. I have to tell this first to Dave. Maya maya lang ay lumabas ito habang nakangiti at dumeretso sa kusina para magluto ng dinner namin. Iniwan kong nakabukas ang tv at phmunta sa kusina. Naupo ako sa bar stoll at pinanood si Dave na magluto.

"how's your day?" tanong niya habang naghibiwa ng sibuyas

"okay naman. Anyways, sa Sunday sumama ka sa wedding na inorganize namin ha? Come with me." sabi ko sa kanya

"sympre. Anyway may sasabihin ka ba?" tanong niya

Oo Art may sasabihin ka diba..

"meron.. Ahm.. Ikaw? How's your day?" tanong ko

Wait hanap tayo ng tiempo okay?

"okay naman. Medyo busy kasi nga November na malapit nang magdecember." sabi niya

"ahh. Love anong plano mo sa pasko at new year?" tanong ko

"wala. Dito nalang tayo." sabi niya

Eh? Gusto kong mag out of town.

"ahmm.. Love, pwede bang makuha ko na yung Christmas gift mo sakin?" tanong ko

Agad siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. Ito nayon Art!

"ahmm. Pwede bang ibigay ko na kay Jastin yung number ko para direkta na siyang magtetext sa akin at di ka na mahirapan." sabi ko at icrinoss ko pa yung kamay at nagwish.

Pumayag ka pumayag ka pumayag ka. Please!

"no. Ayoko nga kaya ko binigay yung number ko dun sa lalaking yon dahil ramdam kong gusto ka pa niya Art." sabi niya

Pero di ko siya gusto.

"sige na please. Ikaw lang naman yung mahal ko eh. Di ko pa ba napapatunayan yon?" tanong ko sa kanya

Tumingin ito sa akin at ngumisi.

Oh-uhh.

"hindi pa nga Art eh. Would you mind proving it." sabi niya sa akin

"A-anong sinasabi mo! Pano ko gagawin yon? Gusto mo bang ligawan pa kita?" tanong ko sa kanya na lalong nagpangisi sa kanya

"great idea. Ligawan mo ko Ms. Artemis Santillian.." sabi niya.

A Wedding Planner Donde viven las historias. Descúbrelo ahora