• Role Player's World is a Fake World •

25 0 0
                                    


° Commercial °

Hala ito 'yung pinaka ayoko
bukod sa mahal ko ang pekeng
mundong ito. Hanggang ngayon
hindi ko maitatanggi na masaya
akong natagpuan ko ito.
Yes po! Ang RPW o Role Players World
para sa mga hindi nakakaalam
'yun po ang mundong gawa-gawa
lamang ng mga tulad kong
nais humanap ng panibagong
mundo na sa tingin namin ay
mas masaya kesa sa Real World.
Hindi kami baliw aa!
Naisulat ko 'to kasi nagalit ako.
Bigla kasing dumami ang
T O X I C
sa Mobile Legends RPWorld!
Sige, basahin nyo nalang po

°Commercial End°

•SPOKEN POETRY•Role Player's World is a fake world L o ve B u t t e r f l y

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


•SPOKEN POETRY•
Role Player's World is a fake world
L o ve B u t t e r f l y

Bago ka manghusga ng tao
Siguraduhin mo munang kilala mo
sya ng husto
Ah teka! Ito lang ang pakatandaan mo
Walang perpektong tao,
ang isinilang sa mundo

Madaling magbitaw ng palagay
mo'y maliit na bagay
Ngunit naisip mo ba na ang taong
iyon ay baka hindi mapalagay?
Dahil ang bawat salita, sa kanya'y
magsisilbing pagbibitay
Na kapag humigpit ay maari nyang
ikamatay

Sa bawat pagbuka ng iyong bibig
Sikapin mong hindi ka makakatabig
Dahil mahirap nang magkamali
Sa lipunan na puno ng
makakating labi

Siguro para sa iyo, ito'y madali
Ngunit para sa taong iyong napili? q
Ito'y ubod ng hapdi
Para bang sugat na hinigpitan ang tali

Umasa ako na ikaw ang unang
taong makakakilala sa tunay na ako
Ang makakaintindi't uunawa,
ng lubos sa aking pagkatao
Ngunit isang pagkakamali pala,
ang isiping ikaw nga
Ang taong maari kong takbuhan
Oras na lahat ng importanteng tao sa
akin ay bigla nalang mawala

Minahal kita't labis na binigyang
halaga
Ngunit ang isinukli mo saki'y sakit
na hanggang ngayo'y aking nadarama
Isa ka sa mahalagang taong
aking nakilala
Sa panibagong buhay at mundong
aking nakita

Nais kong ang mundong ito ang
magsilbi kong takbuhan
At kayo na mga bagong kaibigan ko
ang syang aking maging karamay
Sa oras na ako'y lamunin ng labis na
kalungkutan
Ngunit mukhang ako ata'y nag
iilusyon lamang
Dahil ang inaasahan kong gabay
ay syang nagsilbe kong, kaaway

Tulad ng mundong aking tinatakasan
Ang bagong mundong ito ay pawang
isang malaking kasinungalingan
Ginawa upang mapasaya ka
ng panandalian
At makakaramdam ka rin ng sakit
na pang matagalan.

Sa huli, naisip ko na ang lahat sa
mundong ito ay hindi totoo
Sayang ang oras at ang
pagmamahal ko
Sa pagbibigay ko ng buo sa isang
maling tao
Nawa'y naging masaya ka sa
ginawa mong ito

Ah sya nga pala! Hindi naman ako
galit sa iyo
Mahal pa din kita, kahit ako'y
ginanito mo
Hindi mahalaga kung ano ang
pagkakamali mo
Ngunit para saki'y sana lang
maisip mo
Na hindi biro ang sakit na dinulot mo
Isang salita lang ang nais kong
sabihin mo
At babalik ako sa kung ano ako at
kung anong meron tayo :)

Ah sya nga pala! Hindi naman akogalit sa iyoMahal pa din kita, kahit ako'y ginanito moHindi mahalaga kung ano ang pagkakamali moNgunit para saki'y sana lang maisip moNa hindi biro ang sakit na dinulot moIsang salita lang ang nais kong sabihin moAt...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

P L A G I A R I S M
is a crime
Edited: 022119

A PEN of MS.NOBODYWhere stories live. Discover now