Debut (Part 3)

190 2 0
                                    

Debut (Part 3):

UNEDITED! ! !
_____

Trixie's PoV:

Pagkatapos ng video, bumukas ulit ang mga ilaw, at doon ko siya nakita, nasa stage siya at may hawak na mikropono.

"Trix, alam kung nasurpresa kita," natatawang saad niya, pero kita ko sa mga  mgata niya ang pamumuo ng luha.

Natawa narin ang ibang mga bisita sa kanyang sinabi.

"Pasensya na kung natagalan ako..." tumigil siya bigla at humugot ng hangin sabay buntong hininga.

"Nanguna ang pagkaka-torpe ko eh," napakamot siya sa kanyang ulo.

"Hindi pa naman huli ang lahat hindi ba?" He gave me a faint smile.

I shook my head para iparating sakanya na hindi pa huli...

"Trix, gusto ko sanang sabihin saiyo na..." napa-pause siya saglit.

"...ang ganda ganda mo ngayon." Dugtong niya. Kaya namula naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ikaw na yata ang pinaka magandang babae na nakita ko," napayuko ako dahil sa kahihiyan.

Ito lang ba ang sasabihin niya? Ito lang ba ang gagawin niya? Ang pakiligin ako?

"Trix," napaangat ako ng ulo, at nagulat nalang ako dahil nasa harapan ko na siya.

Ni hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.

"Elementary palang tayo, crush na crush na kita..alam mo ba 'yon?"

Speechless. Wala akong masabi.

"Natatakot akong umamin, at saka, bata pa tayo no'n."

"At saka, ayokong masira ang ating pagkakaibigan...tanda mo pa ba noon? Na sobrang close natin dati?"

Napangiti nalang ako. Oo nga, sobrang close namin dati. Akala mo nga magkapatid na kami dahil sobrang close naming dalawa.

"Kasi ako, tandang-tanda ko pa..."

"Noon, inaasar ka nila na may gusto saakin," nakangising sambit niya. Namula nanaman ako.

Nakakahiya! Napatingin ako sa mga kaibigan kong nasa iisang table 'di kalayuan sa amin.

"Ayoko namang umasa, baka 'di naman totoo, pero hindi ko mapigilan eh."

"Dumating ang grade six, tingin ko may nag-iba." napayuko nanaman ulit ako.

"Nag iba ang pakikitungo mo saakin,"

"Ewan ko kung dahil ba tumanda na tayo o dahil sakanya." iniangat niya ang aking baba upang makita niya ang aking mga mata. Mas mataas kasi siya kaysa saakin, bali hanggang baba niya lang ako.

"Ang totoo niyan, binaling ko ang aking atensyon sa iba kasi hindi mo naman ako napapasin higit pa sa kaibigan, at saka mga bata pa naman tayo noon, 'di ba? Akala ko, wala na, akala ko hindi na ikaw ang gusto ko...pero ikaw parin pala. Noong nag High School tayo, mas lumala. Hindi na tayo nag papansinan, parang hindi na tayo magkakilala, araw-araw pa naman tayong nagkikita sa classroom. Alam mo ba kung bakit?

Hindi ako makapag salita. Feeling ko may glue sa bibig ko. Gusto ko sanang mag salita, pero ayaw ng bibig ko. Parang may tumutulak saakin na 'wag mag salita.

"Dahil na to-torpe ako," natatawang sambit niya sabay kamot sa kanyang batok.

"Tiniis ko nalang na mag nakaw ng tingin sayo, tiniis kung 'di ka kausapin at pansinin. Kahit na, pinapakiusapa na ako ng mga kaibigan natin,"

"Sa tuwing nag cha-chat ka saakin, grabe ang kaba na aking nararamdaman. Feeling ko mamamatay na ako," natawa naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Sa tuwing ikaw ang gumagawa nang paraan upang kausapin ako, nag mumukha akong babae sa ating dalawa."

"Pasensya na at natagalan... I am just buying some time. And I think this is the right time?" He gave me a dangerous smile. Iyong nakakamatay.

"Trixie, you became my sunlight. You are the light of my dark world. You are the love of my life. You are the one."

Napa luha naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Trixie Marie, will you be my girlfriend?" Umiyak na talaga ako nang tuloyan. He hugged me tightly.

Wala talaga akong masabi, hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Minutes passed and I let go of his hug then I wiped away my tears.

"Bakit mo ko pinaiyak? Ha? Alam mo bang matagal ko na itong hinintay? Ang torpe-torpe mo talaga!" sinapak ko siya.

Naiiyak nanaman ulit ako.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"At dahil dyan, sige payaga na ako..."
Pinutol naman niya ako sa aking sasabihin.

"YES!"

"...payag akong ligawan ako, not to be your girlfriend." dugtong ko.

Mukha siya nabagsakan ng langit at lupa pero ngumit parin sabay sabing, "I'm fine with that. Pwede pa naman akong mag hintay." He hugged me once again, and whispered to my ear. "I love you, Trixie Marie."

I never thought na mahal niya rin pala ako, akala ko one-sided love lang ito.

Torpe lang pala siya kaya hindi niya masabi-sabi. Sobrang saya ko ngayon. Hindi dahil debut ko, kundi dahil nililigawan ako nang pinaka ma-mahal ko.

Totoo pala, na kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong mag hintay ng napaka tagal para sakanya, kasi kung kayo talaga, kayo talaga, kahit na nasa magkabilangmundo kayo, hahanap at hahanap ng paraan si kupido para kayo'y magkatuloyan.

End of Debut.

. . .

Pakibasa ang next chapter. :)

DebutWhere stories live. Discover now