8-16-18

18 1 5
                                    

Thursday. Walang pasok. May practice. Nakita si crush.

Suppose 8 sana kami magpapractice for Muslim dance, eh sa tinatamad ako, ending 9:10 am na ako nakarating sa school, halos magkasabay lang kaming dalawa nakarating sa school, kaso wala pa rin pansinan. Sabi na sainyo eh. Di niya po ako pinapansin kasi iba po gusto niya, at feeling ko ayaw niya sakin.

Minutes later nung nagstart na ho kami sa practice (Which didnt really happen, because ang naka-practice lang ang boys, kasali na siya dun) Si Friend na boy yung una kong hinampas ng karton nung kahapon, hinampas ko din kanina, eh nahampas niya din ako, ending naghabulan kami, tapos si Krass nakakita kaya nag-Ayiiieee siya, walang halong sakit or anything sa mata niya, para ngang nasisiyahan pa siya eh, kaya lalo akong nawalan ng pag-asa tesh. Its not really na gusto kong maging kami ha (The thought of it is disgusting itself)este its not really disgusting, Im just not ready for it, I dont want to repeat the same mistake I did before, I dont even want to mention that mistake.

Pagkatapos naming maghabulan ni Friend na boy, pabalik na ako sa kung nasaan ako dapat kanina, tapos ang init init pa kaya binilisan ako, kaso natalisod po ako, at si Krass lang ang nakakita, its so embarrassing honestly, pero somehow, parang thankful pa ako kasi kinausap niya ako dahil sa pagka-talisod ko. Kaso di nga lang kausap na kausap, he was teasing me😒 "Ahh! Natalisod!" And things like that. After that, wala ng pansinan ang nangyari, naka-titig lang ako sakanya the whole morning. Sounds creepy tho. Di ako stalker ha?😂 I was just looking at him from afar.

Later, malapit ng mag-afternoon , tapos na ang practice, pinapauwi na kami, pero pinapabalik kami para daw mag practice. Kaso di ako makapunta sa Afternoon at bukas na practice, kasi di po ako pinayagan ng Paderdear ko, eh sa dapat daw ako tutulong sa mga gawaing bahay, kasi walang pasok, at dapat ko daw siyang tulungan. Wala po kasi yung Mother ko, nasa malayong lugar po siya, pero di pa siya sumakabilang buhay ha?😂 Sumakabilang bansa lang😢

Back to the topic.

So mga quarter to 11, kasama ko bf ko (BESTFRIEND) at bf ni Bf (BESTFRIEND NI BESTFRIEND) na friend ko rin, not really best friends tho. We were planing to go to my close friends house, kasi maaga pa naman, at ayoko pang umuwi sa bahay. Pagdating namin dun, Cf (Close friend), was wearing still her pajamas on, kasi di siya pumunta sa practice, kasi may problema siya sa projects na kailangan niyang ipapass nung nag absent siya for ilang weeks, kasi po, sumakabilang buhay po ang Father niya nung panahon na yun, siyempre sating mga anak ang sakit sakit sakit sakit niyan, parang nawalan ka ng buhay niyan, tho I didnt experience that, but surely I will experience that soon, lahat ng tao namamatay diba? It's hard to accept but it's the truth.

Tinulungan namin si CF sa weaving niya for Mapeh, or rather, kaming dalawa lang ng bestfriend ni bestfriend na friend ko ang tumulong, kasi si bf, nag wifi lang😂👏🏻

Nagsalita ako tungkol kay Krass kay Bf, kasi alam niya kasi crush ko, and alam din pala ni Cf na crush ko si Crush ko😂 she was like "I knew it!" Kasi daw obvious daw po ako😢 Ewan ko nalang😭 At nalaman na din ni Bf ng bf ko na friend ko din na siya ang crush ko, pina guess kasi siya ni Cf kung sino guess niya na crush ko, at ang first guess niya ay pangalan ni crush. Kaya boom, andami ng naka-alam omygeee.

Ang sabi ni Cf na kaklase niya daw si Crush since noon pa, sabi niya he was a heartthrob daw before, pati ngayon, andame daw nagkacrush saknya, including herself and bf daw noon! I was so shocked na heartthrob siya sa school nila noon, no offense😂 she said na may classmate daw sila na nagkacrush din sakanya and she was just like me, nag-aasaran daw sila, hinahampas niya din daw si crush ganon, but si crush di daw nagkacrush sakanya, even if shes pretty daw. She also said na parang di naman daw crush ni crush si pinaghihinalaan 1 (si girl na close friend ko na nasa entry 2 yung kinarga ni crush) para lang daw siguro siyang sister ni Crush, eh si Pinaghihinalaan 2 (di ko pa ata na mention dito, 2 pinaghihinalaan kong crush niya sa room) parang nagkacrush daw si crush sakanya. Lagi kasi nagpapansin si Crush sakanya. Sabi din ni Cf na di daw mahinhin type niya, mga maiingay daw, kasi maingay din daw yun siya eh, pero may times na seryoso siya, at mabait din naman daw siya. Sabi niya pa ayaw daw ng clingy ni Crush, I'm actually clingy lalo na sa girls at sa mga bffs ko, I hug them po and kiss their cheeks😂 Hay nako. Paasa din daw siya😢 Which I totally agree.

And she also said this "Mabuti pa't mag move on kanalang sakanya m/n."

I really want to. The word itself is hard enough. Easy to say but really hard to do. How the hell do I do that?

-Secret

Katangahan ng AuthorWhere stories live. Discover now