Prologue

828 11 2
                                    

Prologue

Agad akong lumabas ng kusina noong marinig ko ang sasakyan ni Clyde. Nakapaskil ang isang ngiti sa aking labi noong salubungin ko siya sa pinto.

"Clyde, maaga ka ngayon ah. Kain na tayo? Naghanda ako ng dinner."

Tiningnan niya lang ako at naglakad na papalapit sa hagdan. Mukhang pagod na pagod siya. Maluwag na ang pagkakasuot ng kaniyang necktie at nakasampay na lang sa kaniyang braso ang suot niyang coat kanina. Tanging white long sleeves na lang ang suot niya sa pang-itaas.

Sinundan ko siya noong umakyat siya ng hagdan, pati sa pagpasok niya sa silid namin. Pinapanood ko lang siya habang tinatanggal ang suot niyang necktie, at ang pagkalas niya sa butones ng kaniyang white long sleeves.

Nilagay niya lang sa ibabaw ng kama ang coat na hawak niya kanina. Kumuha siya ng damit sa closet at hindi pa rin tumingin sa akin noong pumasok siya sa banyo.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napaupo sa kama. Inayos ko ang coat na naroon. Napatingin ako sa gawi ng banyo noong bumukas ito, ilang minuto ang lumipas. Bumungad sa akin ang bagong ligo na si Clyde.

Napakunot ang noo ko noong makitang nakajeans siya at white t-shirt, taliwas sa maong shorts at sandong sinusuot niyang pambahay. May pupuntahan siya?

Kumuha siya ng sapatos at nagsimula nang isuot iyon.

"Naghanda ako ng dinner. May pupuntahan ka?"

Tumayo siya pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang sapatos. Saka lang siya tumingin sa akin at sinagot ang tanong ko.

"Eat by yourself. I have to go somewhere," malamig niyang sabi.

Naglakad na siya papalabas ng silid at narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto. Nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko kanina dahil sa pagkakatulala. Napabuntong-hininga na lamang ako at nanghihinang napaupo sa kama.

Ano pa bang bago? Ganiyan naman na siya simula pa lamang. Mas lumala nga lang simula noong nangyari ang gabing iyon.

Hindi ko namalayang sunod-sunod na pala ang pagpatak ng mga luha sa aking pisngi. Sino nga ba naman ako sa buhay niya? Asawa niya nga ako, pero sa papel lang 'yon.

Naging asawa niya lang naman ako dahil sa kapusukan namin. Dahil lang sa kagustuhan ng mga magulang niya, at hindi dahil mahal niya ako. Ako lang naman ang nagmamahal 'di ba?

Hindi na bumalik pa si Clyde. Halos hindi na ako natulog kakahintay sa kaniya. Umiling na lamang ako at mapait na napangiti. Sabado ngayon, makikita ko na naman si Claire. 'Yun na lamang ang inisip ko, na siyang nagpaganda ng pakiramdam ko.

Kanina pa ako tawag nang tawag kay Clyde pero hindi ko siya macontact. 'Di bale na nga, ako na lang mag-isa ang pupunta kay Claire. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa bahay nila Mama.

"Ma'am, nandito na po pala kayo. Pasok po," bati ng isang singkwenta anyos na matanda.

Siya si Mang Lindo, ang guard sa bahay ng mga magulang ni Clyde.

"Ah opo, Manong. Bibisitahin ko po sana si Claire. Nandiyan po ba sila Mama?"

"Wala po, ma'am. May pinuntahan po sila ni Sir. Pero si Sir Clyde po nandiyan, kasama si Claire at may kasamang..."

"Andiyan po si Clyde?"

Hindi ko pa napapatapos ang sinabi ni manong, bigla na akong nagtanong noong banggitin niya ang pangalan ng lalaking kagabi ko pa hinihintay. Tingnan mo ang asawa kong 'yun, nauna na, 'di pa sinabi sa akin.

"Opo, ma'am. Nandiyan po siya kagabi pa."

"Ah sige po, Manong. Papasok na po ako. Miss na miss ko na po si Claire. Alam niyo naman pong tuwing weekends ko lang siya nakikita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His WifeWhere stories live. Discover now