Chapter 25 - Is it over?

6.5K 184 9
                                    

Nagmamagandang note:
Hai guys salamat sa patuloy na pagsupport
sa story ko nakaka overwhelm talaga just
keep on reading my work and dont forget
to cast your votes and leave a comment :)) <3

============================================================


"i-ikaw pala paolo" sa pagkakasabi kong iyon ay bakas ang kaba na aking nararamdaman


"bakit ba hindi kayo sabay umuwing dalawa huh?" usisa ni mommy na ikinadagdag pa ng kaba sa aking dibdib


"ahh kasi po" sabay pa naming bigkas na dalawa at katahimikan ang nanaig matapos iyon


"oh! ano nga bang dahilan?" sabat ni daddy na ngayo'y nasa tabi narin ng aming kinatatayuan


Sa pagkakataong iyon patuloy na bumibilis ang tibok ng aking puso naguguluhan ako kung sasabihin ko ba ang nangyari, pero sa kabilang banda naisip ko na malaki na ako para magsumbong pa at parang bata na umiyak sa harap nila kaya naman


"masama po kasi pakiramdam ni paulo kanina kaya nauna nang umuwi hindi ko naman po ini-expect na pupunta pa pala siya dito" pagsisinungaling ko sa kanila


Matapos ng sinabi kong iyon bakas ang pagkagulat sa mukha  ni paolo hindi niya inasahan na magsisinungaling ako sa harap ng aking mga magulang hindi dahil sa naawa ako sa maaaring magawa sa kanya ni daddy sadyang ayaw ko lang talaga na ma-involve pa sila rito


"pero...." sagot ni paolo at agad kong pinutol ang sasabihin niyang iyon


"umuwi kana at magpahinga para gumaling ka kaagad" matapos iyon ay hinila ko si paolo palabas ng bahay


"bakit mo ginawa iyon?" tanong nito sa akin pero hindi ko ito sinagot


"ano bang iniisip mo bakit hindi mo pa ako sinumbong?" ulit nito


"hindi mo ba kaya? pwes ako ang magsasabi sa kanila!!" sigaw nito at tangkang bubuksan na ang pintuan


"ano ba? hindi mo ba talaga ako tatantanan huh!!? sabing layuan mo muna ako diba bakit ba ang kulit kulit mo" ganti ko ng sigaw sa kanya at agad namang kumalma ang mukha niya


"ace..." mahinang sambit ni paolo


"bakit masaya ka bang nakikitang nasasaktan ako kaya mo ginagawa to? hindi paba sapat yung gawin mo akong tanga at paghigantihan dahil lamang sa pesteng laro na yun huh?" sambit ko sa kanya hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata


"gusto ko lang naman magpaliwanag sayo ace!!" at hinawakan niya ako sa aking pisngi na agad ko rin namang inalis


"not now paolo!! umuwi kana bago pa tuluyang magbago ang isip ko at tuluyan na kitang isumbong sa kanila"


Pumasok ako sa loob ng bahay iniwan siyang tulala matapos ng mga sinabi ko sa kanya alam kong pareho kaming nasasaktan sa mga nangyayari ngayon pero mas double o higit pa ang nararamdaman kong sakit kaysa sa kanya. Nagulat naman ako ng makita ko sila mommy at daddy na parehas nakatayo sa harap ko


"ace anak!!" sabi ni mommy at niyakap niya ako


"loko yang mokong nayan ahh" sabi ni daddy buti at napigilan agad siya ni mommy bago pa niya mabuksan ang pinto at mahabol si paolo


Hindi ko iniexpect na sa ganito pa nila malalaman ang nangyari samin, narinig pala nilang lahat ang pinag-uusapan namin ni paulo kanina


"sorry po! ayoko talagang magsinungaling sa inyo at gusto ko na ako mag handle sa problema kong ito" patuloy na paghingi ko ng paumanhin sa kanila


"naiintindihan ko naman yun ace pero sana hindi ka naglilihim sa amin ng daddy mo huh!! andito lang kami lagi para sayo" sabi ni mommy at niyakap niya ako ulit

Ang kaaway kong sweet lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon