PROLOGUE

1.6K 43 3
                                    

DONALD'S POV
"Hoy, Donald. Hindi ko talaga ma-gets bakit hindi mo patulan yang si Ava?" Napatingin ako sa direksyon ni Ava na noo'y tuwang tuwa sa mga pictures naming dalawa.

"Fifi? Can't you see? Lukring yang si Ava mas mahaba pa nga eye lashes ko dyan e.."

"Oo, malaki yung tama niya kasi ikaw yung trip. Like,you're not that special. Bakit ba gustong gusto niya sa'yo?" Flinip ko ang aking imaginary hair. "Kasi maganda ako. Let's face it Fifi, mas maganda ako sa'yo. Kahit babae napapalingon sa akin."

"Napapatingin sila sayo kasi isa kang ambisyosa!" Napaka inggitera talaga ng Twaylayt na 'to.

Tinignan ko si Twaylem from head to toe sabay irap. "Gusto mo bang hipan ko yang mga mata mo? Isa pang irap pa talaga!"

Nag banta na itong sasapakin ako.

Maganda naman si Ava. Pero, alam ng planetang Jupiter na bakla ako at lalake ang hanap ko. My heart beats for dudes, not for girls. Eww.

"Eh paano kung mag kagusto yan sa iba? Kakayanin mo?" Nag make face ako bago sumagot. "Yuck, talagang ipinipilit niyo si Ava sa akin?"

"Sagutin mo muna kasi!"

"Edi, bahala siya sa buhay niya. Paki ko. I don't like her. Kadiri kayo talaga." Ngumisi si Twaylem na parang alam niya yung nararamdaman ko.

"What's life without her, Donald?"

Bigla akong napaisip.. tapos pinag masdan ko si Ava. Napangiti na lang ako..

"Ang bakla mo talaga!" Sabay bato sa akin ng chips ni Twaylem.

Basta all I know is special friend siya. Pero di kami talo excuse me.

Pero,

What's life without you, Ava?

What's life without her?

L.A NUMBER 4, DONALD AND AVA'S SIDE STORY

L.A SIDE STORY: WHAT'S LIFE WITHOUT YOU(DONALD and AVA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon