Chapter One: Hello, South Korea!

13 0 0
                                    

Sa wakas nabuo din ang ipon ko! 3 years ko din pinaghirapan ito. Iba't ibang part time jobs ang pinasok ko matupad lang ang pangarap ko. Bantay sa convenience store, gasoline station, fast food crew at pagiging private tutor.

Ako nga pala si Andi. Andi Santos. 23 years old. No boyfriend since birth. 15 years old pa lang ako pangarap ko ng makapunta sa South Korea. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil na rin sa kakapanuod ko ng mga Korean drama. Oo. Sobrang adik ako sa korean dramas. Hindi lang dahil sa gwapo at magaganda ang mga bidang artista kundi dahil na rin magaganda ang story ng mga palabas nila. May thrill, maraming pasabog, kilig at aral na matututunan. At unique din ang plot nila.

Anyway ngayong nasa eroplano na ako papuntang South Korea, Sisiguraduhin kong masusulit ko ang 1 month vacation ko. Unli food trip, sight seeing sa mga gwapong oppa, at sana rin dito ko na mahanap si Mr. Right ko.

"Dear passengers, We will be arriving at Incheon Airport Terminal 1 in 10 minutes...."

This is it. Hello, South Korea! Finally!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Makalipas ang halos dalawang oras, Nandito pa rin ako sa waiting area. 2:00 pm na pero wala pa rin ang sundo ko na koreanong kaibigan ko na nakilala ko sa facebook. Huge fan ko siya at lagi siyang nag co comment sa mga covers ko sa youtube at facebook. May ari ang family niya ng isang inn na sikat daw. Nag deposit pa nga ako ng 20,000 para hindi ako maubusan ng room dahil nga marami daw nag papa reserve sa kanila. Mura kasi. Pero maganda. At gwapo daw ang kuya niya na may ari nito.

Sobrang nag aalala na ako at naiiyak na ako. Feeling ko na scam na ako. Kaya naisigaw ko ang pangalan niya ng hindi ko namamalayan.

" Kim Jae Wook! "

" Hey! " Ika ng lalaki na nasa harapan ko na pala. Ibang iba ang itchura niya sa personal. Sobra. Sobrang iba na parang hindi siya ang inaasahan ko. Sa sobrang lakas ng dating at aura niya, halos hindi ako makasalita at makagalaw sa kinatatayuan ko. Gwapo siya oo. Pero sobrang nakaka intimidate siya.

" Jae Wook? You look different from the picture that you sent me and during our video call too. " Nagtataka kong tanong sa kanya.

" I was drafted. Jae Wook needs to take care of something urgent. " sagot niya sabay kuha sa bagahe ko.

" Let me carry it. I can manage " Sabi ko pero tuloy tuloy lang siya maglakad. Hmmp! Gwapo nga pero napaka suplado naman.

10 minutes lang ang byahe galing sa Incheon Airport papunta sa Inn. Pero pakiramdam ko 2 hours na akong byahe sa sobrang tahimik at boring. Ang huli kong narinig galing sa substitute ni Seo Jin eh " I'm not used to having someone sit beside me. It bothers me. So just sit at the back " Kaya heto ako, nasa back seat. Pero hindi ako papatalo sa kasungitan niya! Kailangan ko mag salita kung hindi mapapanis tong laway ko at babaho pa ang hininga ko!

" My name is Andi. What's yours? " nakangiti ko siyang tinanong. Pero guess what, tumingin lang siya sa side mirror. Wala. Walang sagot. Epic fail. Kaya laking tuwa ko ng dumating na kami sa inn. The silent torture finally ended! Pero teka, Inn nga ba itong lugar na ito? Iba kasi ang itchura sa mga sinend na picture sa akin ni Jae Wook. Mukhang bahay lang ito.

" Is this the right place? Aren't we lost? " Nagtatakang tanong ko sa substitute ni Jae Wook.

" Unfortunately, This is the right place. " sagot niya ng di man lang tumitingin sa akin.

" Unfortunately? " sagot ko naman.

" Yes. Press the doorbell, somebody will assist you inside. I'll go first " ika niya habang hahakbang na sana paalis, pero bigla ko na lang hinawakan yung braso niya na tila ayaw ko siya paalisin. Siguro dahil sa kaba na rin.

" W-Wait. I don't know your name yet. And are you really going to leave me here? Are you going home? " Nauutal kong sabi.

" Don't worry. I will be back. I'm not going home because this is my home " Sagot niya habang finally tiningnan na niya ako. Eye to eye contact as in. It caught me off guard kaya hindi ko namalayan na may malaking bato pala sa likod ko. Ineexpect ko na matutumba na ako. Teka natumba na ba ako? Pero bakit parang nakalutang ako? Wait. Lutang?

Dinilat ako ang aking mga mata at laking gulat ko na buhat buhat na niya ako. At in a romantic style pa. Yung buhat ng lalaki sa babae kapag bagong kasal sila. Ganun. Jusko. Hindi ko alam kung ng dahil sa hiya ba to pero ramdam na ramdam ko na parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ramdam ko na namumula na ako at panigurado ang init na din ng pisngi ko. Daig ko pa ang may lagnat.

" Are you okay? " Nag aalala pero natatawa niyang sabi.

" I - I am. B-But wait, what do you mean that this is your home? " Nauutal kong tanong. Nauutal na ako sa sobrang lito, hiya, at ewan ko ba kung ano pa itong nararamdaman ko.

Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pintuan at sumalubong sa amin ang isang middle-aged na babae. Mukhang nasa 50s na siya pero ang ganda at ang kinis pa rin niya.

" Jae Wook - ah, wasseo " [ Jae Wook, you're home ] sabi ng babae habang nakatitig sa aming dalawa na para bang natutuwa. Teka, Jae Wook? Tinawag niyang Jae Wook ang lalaking kasama ko.

" Nae omma " Sagot niya.

" Andi. I am Jae Wook. Welcome to my house. Are you ready to live with me? " sabi niya habang buhat buhat pa rin niya ako.

Live with him? His house? Jae Wook? Siya? Pero bakit ibang tao ang naka usap ko online? Teka. Ano?! Ano ba itong nangyayari?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saranghaeyo, Mahal kita!Where stories live. Discover now