Kabanata 33

378 15 6
                                    

"Saan tayo pupunta?"

Isinuot sakin ni Mary Loise ang sling bag ko pagkatapos ay hinila ako para tumayo. Kumuha s'ya ng suklay at mangilang beses na sinuklayan ang aking buhok saka nilagyan ako ng konting lip balm.

"Ayan mas kaakit akit ka na. Smile ha. Be confident." aniya sabay kindat.

"Saan nga tayo pupunta?"

"Sa Sports Complex. Hahuntingin natin si Sir Raymond."

"Ayoko nga. Baka isipin n'ya nagpapacharming ako sa kanya. Atsaka ano namang gagawin ko 'dun? Uupo sa bleachers tapos magchi-cheer? Ayoko."

"Kunwari magbabadminton tayo."

"Wala tayong raketa." saad ko.

Tumingala s'ya at nag isip ng iba pang dahilan.

"Alam ko na. Kunwari nagreready ka para sa training n'yo ng varsity."

"Ganito ang suot?" sabi ko sabay turo sa ripped jeans ko at kulay purple na tank top.

Bumuntong hininga s'ya saka hinawakan ang aking palapulsuhan para akayin ako palabas ng pinto.

"Okay, eh di dun tayo sa coffee shop malapit doon. Chill chill lang. Pakape kape. Tapos ako na ang bahala."

Lumupagi ako sa hagdanan at tamad na tiningnan s'ya. Gaano naman s'ya nakakasigurado na okay 'yung plano n'ya?

"Sige na. Kailangan n'yong mag usap para naman gumaan na 'yang pakiramdam mo at hindi ka na naguguluhan. S'yempre hindi mo naman s'ya maiiwasan dahil nasa iisa lang kayong school. Mas okay nga na pag usapan na agad dahil fresh pa."

Pumamewang ako at pinag isipan ang sinabi n'ya.

"Ano namang sasabihin ko? 'Uy, Raymond, usap tayo!' ganon!?"

"Syempre hindi. Kapag nakita ka n'ya, ngitian mo lang s'ya. Tapos kung gusto ka n'yang makausap kusa s'yang lalapit sa'yo."

Tumayo ako at sumunod sa gusto n'ya. Bahala na.

Naghintay kami ng jeep papuntang Sports Complex saka bumaba sa isang coffee shop na nakapwesto malapit lang sa building. Hawak hawak ni Mary Loise ang kamay ko para masiguradong hindi ako mag wa-walk out sa plano n'ya. Ten minutes na kaming nakatayo sa labas ng coffee shop pero hindi parin lumalabas ng basketball court si Sir Raymond.

"Umuwi na lang tayo. Baka nakauwi na s'ya. Nagsasayang lang tayo ng oras." angil ko.

Hahakbang na sana ako palayo pero malakas ang hila n'ya sa akin. Pursigido talagang maging successful ang mga plano n'ya.

"Trust me okay. Mamaya lalabas rin 'yun."

Tumalikod ako saka binasa ang Menu ng coffee shop na nakadisplay sa tapat ng pinto. Parang natakam ako bigla sa brazo de mercedes. Favorite ko kasi 'yun eh.

"Si Sir Raymond..." bulyaw n'ya.

"Nasaan!?"

Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Naningkit ang mga mata n'ya pagkatapos ay pinagtawanan ako dahil napaniwala n'ya akong lumabas na si Sir ng Court.

"Baliw." wika ko. "Gusto ko ng cake. Bili tayo. Libre mo."

"Mamaya. Makakapaghintay 'yang cake."

"Tss."

Bumuntong hininga ako saka sumilip sa loob ng coffee shop. Maraming bakanteng upuan at gustong gusto ko nang pumasok pero ayaw naman akong payagan ng kasama ko.

Seven LightyearsWhere stories live. Discover now