INGKUBO (Patrick John Garcia!)

106 2 0
                                    

A/N: Sa maniwala kayo o hindi, maniwala nalang kayo! Ha-ha! This started when I was in Grade 3 until Second Year High School at tumigil lang noong 2017. Hanep! Ang tagal niya rin akong nilubayan. Naniniwala yata siya sa forevah!

Above all, hindi maging effected ang Prayer mo kung hanggang baba lang. Sincerity in praying is the key. At maniwala ka 100% na paniniwala ang kailangan mo sa Panginoon upang maging effective ang pagtawag mo sa Kanya.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________



INGKUBO (Patrick John Garcia!)

Author: Gya Trese

Sabi ng Pastor namin, totoo raw ang mga lamang-lupa, ang mga masasamang espiritu, ang mga aswang at ang mga engkanto. Nasa paligid lang daw sila at sa sampong tao sa bawat araw na iyong nakakasalubong, isa raw roon ay hindi katulad natin. Nagmula raw sila noong unang panahon nang magrebelde sila sa Panginoon. Kaya ang ginawa sa kanila ng Panginoon bilang parusa ay nilaglag sila rito sa lupa. Bilang ganti naman nila ay tayong mga tao na espesyal na nilalang na ginawa ng Panginoon ang siyang ginagambala nila at binubuntunan ng kanilang galit at paghihiganti.

Nagmula ako sa probinsya, sa isang bayan na may kanya-kanyang kwento nang naririnig. Mga aswang, multo, kapre, duwende, manananggal, tikbalang, tiktik, whitelady at iba pa. Lahat na yata ng klase ng mga nakakatakot na nilalang ay nasa utak ko na at oo, naranasan ko na ring marinig ang mga tunog nila at makita ang halos lahat sa kanila. Ngunit may isa pa pala akong hindi nakikilala. Ang ingkubo o incubus (demonyong lalaki) at succubus (demonyong babae). Isa silang sex spirit na nanghahalay ng mga tao upang mas tumaas pa ang kanilang pamamalagi sa mundo. Bago ko pa sinabi sa aking kasamang lalaki sa trabaho ang nangyari sa akin, nang una raw niya akong nakilala bilang isang masiyahing tao, may kakaiba daw siyang nararamdaman sa tuwing lumalapit siya sa akin. Parang isang maitim na puwersa ang nasa likod ko na hindi niya maintindihan. Hindi niya mawari kung anong uri ng elemento ang nagtatago sa aking likuran. Isang araw, kinwento ko sa kanya ang paulit-ulit na nangyayari sa akin noon sa tuwing natutulog ako, umaga man o gabi.

Nagsimula ang lahat nang takutin ako ng pinsan ko sa lamay ng pinsan ng aking lolo.

"Oy, Aya, bakit hindi ka lumapit at tumingin sa bangkay ni lolo?" ang kalabit sa akin ni Ken, isang babae na pinsan kong buo. Sampong taon na siya samantalang ako ay nasa walong taon pa. Bilang isang paslit, takot ang mukha na umiling ako bago sagot sa kanya.

"Ayoko." tanggi ko sa kanya. Takot akong tumingin sa mukha niya kahit paman sabi ng pamilya ko na sa kanya ko raw namana ang matangos kong ilong.

Mayamaya pa ay lumapit siya sa akin at bumulong.

"Kapag hindi mo raw tiningnan ang mukha ng isang patay, susundan ka raw ng espiritu niya."

Mas lalo akong kinilabutan sa sinabi ni Ken. Ayaw kong mangyari iyon lalong-lalo na at uuwi pa kami sa bahay namin at masyadong madilim ang daan dahil nasa bukid pa kami noon.

Dahil sa kapaslitan na pag-iisip ko, wala akong nagawa kundi ang dahan-dahang lumapit sa bangkay na nakapaloob sa kabaong at tiningnan ang mukha ni lolo Raga. Iyon ang pinakaunang pagkakataong tumingin ako sa isang bangkay. Sinamahan ako ni Ken at tinapik-tapik pa ang aking likod.

Kahit papaano'y naibsan ang nararamdaman kong takot.

Nang papauwi na kami, kakaibang lamig ng hangin ang aking nararamdaman. Nakahawak ako sa kamay ng aking ina habang kalong-kalong niya ang aking lalaking kapatid.

"Bilisan mo ang paglalakad." utos niya na sa palagay ko ay halos kaladkarin na ako.

Nang makarating kami sa maliit naming kubo ay pinatay na kaagad ni mama ang lampara saka inutusan na kaming matulog. Nasa gitna ang aking ina habang nasa magkabila kami ng aking kapatid. Si papa naman ay nagpaiwan sa lamay upang tumulong sa pagbabantay.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN!(Compose of One Shots Horror Stories)Where stories live. Discover now