Three : 'Saka na lang...

110 6 0
                                    

Amber's POV

"Hi Keiv!" masigla kong bati sa kanya pagkatapos niyang sagutin ang cellphone niya, huh, hindi rin biro ang four missed calls ahh.

"Oh, napatawag ka?" napangiti ako, ang sweet talaga nito ni Keiv kahit kailan, kaya mahal na mahal ko 'to ehh.

"Keiv, nandito ako sa boutique nila Karen, magpapasukat na sana ako ng wedding gown, kaso naisip ko mas romantic kapag kasama ka eh," natatawa ako, halos magdadalawang-linggo ko na siyang kinukulit sa "kasal" namin.

"Amber!" lalong lumuwang yung pagkakangiti ko, ewan ko ba, mas kinikilig ako kapag naririnig ko na yung tono niyang nananaway.

"Kailan mo ba kasi ako pakakasalan?" Iniba ko yung tono ng boses ko, kunwari nagtatampo.

Narinig ko lang siyang humalaklak sa kabilang linya sabay sabing, "Tsaka na, kapag mahal na kita." Aray!

Sa inis ko, binabaan ko siya ng phone. Asar! Lagi na lang ganoon. Nung nakaraan araw sinabi ko lang sa kanya na i-accept ako sa IG niya, bigla kasing nagprivate ang mokong, hindi ako nag-aabala na i-follow sila kasi naka-public account naman sila, anytime na gusto kong tingnan feed nila makikita ko, pero nacurious talaga ako bakit nag-private siya ng acct. bigla. Tapos sagot niya sa'kin, 'saka na niya i-a-accept follow request ko sa IG kapag mahal na niya ako. Sarap gilitan ng leeg! Pero hindi pwede kasi mahal ko 'yun.

Tapos nung linggo naman nagsend ako sa messenger niya ng link sa lazada, pinabibili ko sa kanya yung human size ni Stitch ng Lilo and Stitch, tapos sinagot niya agad message ko, 'saka na daw ako magpabili ng kung anu-ano sa kanya kapag girlfriend na niya ako. Sinagot ko naman na girlfriend na naman niya ako ahh, pero sinagot ulit ako ng mokong ng, "bakit mahal na ba kita?" Asaaaar!

Tss. Pero hindi ko siya matiis. Tinext ko ulit siya, "Keiv, magbawas ka naman ng kasalanan mo sa'kin, punta ka dito ngayon, samahan mo ko mag-grocery, wala na akong stocks." Sent!

Akala ko hindi niya ako rereplyan pero napatalon ako nung nagreply siya ng okay! Hohoho, makakasama ko si Keiv Antonio Manalo ngayon hapon! Yipieeee!

Kanina pa kami nag-iikot ni Keiv dito sa loob ng grocery store. Ito yung namimiss ko, yung hindi kami nauubusan ng mapagkukwentuhan at mapagtatawanan kapag magkasama kami.

"Amber si tito Aldred 'yun diba?" Huli na bago pa ako makasagot, tinawag na ng malakas ni Keiv si Papa. "Kumusta po?" Si Keiv ang unang nagtanong.

"Daddy, can you buy this chocolates for me?" Sabay kaming napalingon ni Keiv sa isang teenager na biglang sumulpot.

"Sure baby, lagay mo na dito sa cart, pero be sure to brush your teeth after mo kainin 'tong mga ito ahh."

"Yehey! Thanks dad, kaya ikaw ang favorite kong buddy when it comes sa pag-go-grocery ehh." Nakatingin lang kaming dalawa ni Keiv sa mag-ama. Hindi naman agad ako nakakibo. Ano kayang pakiramdam na ako naman ang kasama niya sa pag-go-grocery?

"Keiv, mauna na kami ahh, dadaanan pa namin ang Mommy ni Angel sa salon." tumango lang si Keiv. Wow, what was that? Ama ko ba talaga iyon? 'Ni hindi ako nagawang sulyapan man lang. Tumalikod sila ng hindi man lang ako kinumusta.

"Okay ka lang?" Narinig kong tanong sa'kin ni Keiv, hindi ko namalayan na nakahabol pala ang tingin ko sa papalayong bulto ng "ama" ko.

"Oo naman no! Tara okay na 'yan, bayaran na natin sa cashier 'yan." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Pero sa totoo lang, ang sakit sa pakiramdam na hindi ka man lang magawang tingnan ng sarili mong ama. I taste bitterness on my lips. Tsk. Amber naman, parang hindi ka pa nasanay, twenty-three years na siyang walang pakialam sayo ohh. Dapat sanay ka na!

---

Two days after mangyari yung sa grocery store, ramdam ko pa rin yung sakit. Tinatamad akong bumangon. Chineck ko yung phone ko, wala man lang ni isang nag-message para kumustahin ako. Pumikit na lang ulit ako. Pinipilit ko yung sarili kong matulog na lang ulit para hindi ko na maramdaman yung lungkot. Kailangan kong makatulog kahit masakit na ulo ko sa sobrang paghiga.

Kumalam sikmura ko, pero wala akong ganang kumain. Ayoko na, hindi ko na kaya! Sa isang banda ng isip ko, sinasabing lumaban pa ako. Pero mas malakas ang kabilang isip ko, ayaw na nitong pakilusin buong katawan ko.

Gusto kong umiyak. Gusto kong ubusin lahat ng natitirang luha sa katawan ko. Hindi ko maintindihan, bakit ang lungkot-lungkot? Pero kahit anong gawin ko, wala na. Wala na ako ii-iyak.

Laban pa Amber! Bulong ng isang isip ko. Hindi na, tama na Amber! Sagot naman agad ng kabilang isip ko.

Ayoko na! Nabibingi na ako. Para na akong baliw. Dinampot ko ulit yung cellphone ko, tinawagan ko lang yung unang tao na nasa contact list ko. Si Anne.

Ilang ring ang inabot bago may sumagot sa kabilang linya, "Anne, samahan mo ko sa Zarks, kain tayo! Treat ko." pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

"GurL, office hours, ano ka ba naman. Tss. Wala kang magawa 'no? Sinabi ko naman kasi sayong maghanap ka na rin ng trabaho para nam--" hindi ko na pinatapos kung anuman ang sinsabi ni Anne, pinindot ko na agad yung end call button, hindi ko kailangan ng sermon ngayon. Kailangan ko ng kaibigang makikinig sa'kin, yung tutulungan akong iahon ngayon ang sarili ko sa lungkot na nararamdaman ko, kasi sa ngayon, lunod na lunod na ako.

Pumikit ulit ako. Sinuntok, at sinasabunutan ko na sarili ko. Kailangan kong makaramdam, namamanhid buong pagkatao ko. Gusto kong iiyak. Pero wala na talagang luhang lumalabas. Tumayo ako para lang patayin switch ng ilaw, ayoko ng liwanag. Pagbalik ko sa kama, hinanap ko lang ulit cellphone ko. Last na Amber, laban pa.

Dinial ko ang number ni Liz, pero out of coverage area. Si Simon naman, nagring lang nang ring pero walang sumasagot. Hindi ko matawagan si Dinonato, na-snatch phone niya nung nakaraan.

Dinial ko number ni Keiv, again I fake my voice. "Keiv! I-date mo naman ako sa Enchanted Kingdom ohh."

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya, after that he said, "tsaka na lang kita i-da-date kapag mahal na kita." That's it! Vöila. As if on cue, sumuko na pati kabilang utak ko sa paglaban.

'Saka na lang ako lalaban, kapag kakampi ko na ang tadhana, at kapag may mga tao ng handang umalalay sa likuran ko habang nasa gitna ako ng digmaan.

'Saka na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon