CHAPTER 19

5 0 0
                                    

James Pov:

Takbo lang ako ng takbo. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa amin. Pero ang bigat ni megan letche kain ba naman ng kain sarap ilaglag ang babaeng to pasalamat siya ayaw ko siyang masaktan dahil makakatikim ako ng pangbaklang sapak ni keigen.

Sobrang binilisan ko pa ang takbo ko para kasing may sumusunod sakin puta mamamatay ata akong walang napangasawa. Wag naman sana.

Pagkarating namin sa mansyon ay agan akong nagtungo sa dorm na parang condo ng mansyon na ito ewan ko ba kung ano to basta.

Bigla akong pumasok at nagtungo sa sala.

"Tu-tulong!" hinihingal na sabi ko.

"Anong nangyari kay megan!?" nagaalalang tanong ni keigen sakin.

Nilagay ko muna si megan sa sofa bago sinagot ang tanong ni keig.

"Delikado tayo kailangan na nating umalis dito. May nakitang putol na paa na puno ng dugo si megan" kinakabahang sabi ko agad namab akong sinuntok ni keigen kaya napaatras ako agad naman siyang pinigilan ni killua at pumunta naman sina sofia kay megan.

Tinignan ko si keigen at halatang galit na galit siya sakin.

"Diba nangako ka sakin na kapag wala ako ay ikaw ang magbabantay kay megan!? Pero ano na namang nangyari sa kanya! Dalawang beses na to james. Paano pag mas malala ang nangyari kay megan ha!?" naiinis na sabi ni keigen sakin napasuntok na lang ako sa pader ang tanga ko. Kung napigilan ko lang sana ang baliw na babaeng to di sana siya magkakaganyan.

"Where is Justine?" biglang tanong ni killua na nagpadagdag ng kaba ko puta ok ng si keigen wag ng dumagdag si killua dahil baka patayin ako nito.

Killua's Pov:

"Where is justine" tanong ko kay james at halata sa mukha niya na kinakabahan na siya alam ko naman na kanina pa to kinakabahan.

Aaminin ko pati ako ay kinakabahan na din.

"Nandoon siya sa gubat malapit sa fountain!" biglang sabi ni james sakin mabilis namang tumakbo palabas si kyoya.

"James maiwan na kayo dito ni keigen bantayan niyo yang tatlo" sabi ko sa kanulang dalawa tango naman ang sinagot sa akin ng dalawa. Bago ako lumabas ay kinuha ko muna ang aking baril at tinago ko ito sa likuran ko.

I swear pag may nangyaring masama sa kakambal ko malilintikan talaga si james sakin.

Kyoya's Pov:

Pagkarinig ko kung nasaan si justine ay dali dali akong nagtungo dun hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Sana pala sumama na lang ako sa kanilang tatlo kanina.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now