CHAPTER 14

299 11 2
                                    


**

As what common love stories had told, in every romance story there is a sudden changes in the plot so be ready for it because changes are really inevitable and unstoppable, no one could predict where it would happen.

**

Almost a month ng maayos ang pakikitungo sakin ni Johann, hindi na siya masungit at malaki na talaga ang pinagbago niya dahil hindi kagaya dati ay napakasweet na niya sakin.

Sabay din kami halos pumasok sa office. May mga humor na nga na may relation daw kami pero ang sabi ni Johann ay wag ko nalang daw pansinin. Marami na ring nag-uusisa kung bakit kami laging sabay pumasok sa office kaya tinanong ko si Johann kung kailan niya ipapaalam na asawa niya ako. Noong una ay nagulat pa ito sa itinanong ko kaya nagtaka ako pero ng bandang huli ay sinabi nitong sasabihin daw niya iyon sa especial na paraan.

"Girl, magkwento ka naman. Ano ba kasi ang meron sa inyo ni CEO. Kayo ba girl?" Pag-uusisa naman ni Lovely. As usual hindi na nagsawa sa kakatanong ang babaeng ito. Gusto ko naman talagang sabihin sa kanya pero paniguradong kakalat yun kaya wag nalang.

Ngumiti nalang ako sa kanya bago sumagot. "Better go back to your table Lovely, baka mahuli ka pa ni Sir. Mapagalitan pa tayong dalawa." Saad ko dito na siya namang ikinakunot niya ng noo.

"Andaya mo naman girl, friend mo naman ako ayaw mo pang magshare." Pagkasabi niya noon ay tumalikod na ito at padabog na lumabas ng opisina. Natawa nalang ako , alam kong hindi iyon galit dahil ganun din naman ang eksena namin kahapon pero okay naman kami kaninang umaga ng makita ko siya kaya paniguradong tampu-tampuhan lang iyong babaeng iyon.

Lumipas ang maghapon na halos hindi kami nakapag-usap ni Johann dahil na rin sa dami ng meetings na kinaharap niya buong maghapon, halos nakakapag-usap lang kami kapag ipapaalala ko sa kanya yung next meeting niya.

Pababa na ako ngayon sa lobby para magsign out na si Johann naman ay may aasikasuhin pa daw kaya ipinauna na niya ako. He even asked me to take his car pero tumanggi na ako dahil kawawa naman siya kung siya ang pagkukumyutin ko.

Nang makababa na ako sa lobby ay lumabas na ako agad pero laking gulat ko kung sino ang naabutan ko sa labas.

"Jonathan..."Pasimple kong bulong na nabatid ko namang narinig ni Lovely na siyang katabi ko ngayon. "Sige Girl, una na ako ha, mukhang may kailangan ka pang ayusin. See you tomorrow." Nagpaalam naman ito sakin.

Ilang beses na rin kasi ako nitong tinatawagan pero hindi ko magawang sagutin lalo na kapag kaharap ko si Johann. Ilang beses na rin sinabi sakin ni Lovely na kinukulit daw siya nito patungkol sakin pero ang sabi ko nalang ako na bahalang kumausap kay Jonathan. Sa kakaiwas ko dito ay mukhang nakahalata na siya kaya naman ng minsang tumawag ito ay napilitan akong sagutin at kinausap ko siya ng mahinahon at sinabi na nagkaayos na kami ni Johann. Sinabi naman niya na wala daw siyang pakialam dun basta hayaan ko lang siyang gawin ang mga bagay-bagay para patunayan ang sarili niya.

Ilang beses akong nagtago sa kanya para hindi na niya ako guluhin pero talagang makulit siya.

"Hi, Raine." Nakangiti niyang bati. Hindi ko naman magawang ngumiti pero nagbigay pa rin ako ng pilit na ngiti sa kanya. Ayaw ko kasi siyang paasahin pa kaya pinipilit kong palayuin na siya habang maaga.

"W-what are you doing here?" Malumanay kong tanong. Ayokong maging bastos sa kanya dahil nung mga panahong wala akong masandalan ay siya lang ang nariyan kaya naisip ko na wala naman sanang problema kung magkaibigan kami pero kaya hindi ko mapanghawakan ang pagkakaibigang yun ay dahil alam kong higit pa sa kaibigan ang gusto niya. "Can we go out for a dinner? I miss hanging out with you."

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now