Chapter Forty

9.2K 352 29
                                    

Wala silang imikan ni Mason sa biyahe pauwi sa condo. Everytime he would try to talk to her, binabalewala niya ito. Nariyang hindi niya ito sinasagot.

Iritable siya.

Hindi lang dahil sa nangyari sa restaurant kanina kundi dahil talagang iritable siya.

She shifted on her seat. Pakiramdam niya ay biglang uminit.

Tinanggal niya ang pagkaka-butones ng puting long sleeves na suot sa may bandang palapulsuhan niya at saka iyon ini-rolyo hanggang sa kanyang siko. She was sweating. Ramdam na niya ang pawis sa likod niya pati na din sa anit niya na talaga namang ipinagtaka niya dahil hindi naman siya iyong tipo ng tao na pawisin. Nilakasan niya ang aircon ng sasakyan at saka isinandal ang ulo. Tila magkakalagnat pa yata siya.

Pag-pasok nila ng condo, agad niyang ibinigay si Rodjan kay yaya Rosa.

"Paki-paliguan muna siya yaya. May paguusapan lang kami ni Mason sandali." Wika niya sa matanda na agad namang tumalima.

Isinara niyang muli ang pinto ng condo unit niya at saka naglakad patungo sa condo unit ni Mason. Tahimik naman itong nakasunod sa kanya. She stopped in front of his door. She was itching to punch his passcode and go inside since hindi naman ito nag-abalang itago sa kanya ang passcode nito noong minsang pumasok sila dito noon. Pero pinigilan niya ang sarili. Hinintay niyang ito mismo ang magbukas ng pinto.

Once the door opened, agad siyang pumasok doon. Inside, she took the liberty in opening his aircon at saka itinodo iyon.

Ang init init!

She held the neckline of her long sleeves and started flapping it back and forth for some air.

Ang kalabog ng pinto ng ref ang nagpapihit sa kanya paharap. Mason was standing at the entrance of the kitchen with a glass of cold water in his hand. She watched him chug it down his throat. His adams apple bobbed up and down from the action. Droplets of water dribbled down his throat. Sinundan niya ang mga mumunting patak na iyon mula sa leeg nito pababa sa matitipunong dibdib nito.

Napalunok siya ng di oras. The hotness she felt doubled. Tila biglang nanuyo ang lalamunan niya. Muli siyang napalunok. Her throat becoming dry all of a sudden.

"Hey, want some water?" Tanong ni Mason habang kunot noong nakatingin sa kanya.

Mas lalong naginit ang mukha niya. Gosh. Did he see her checking him out?!

"Lora?"

"H-huh?"

"Tinatanong ko kung gusto mo ng tubig?"

"Uh.. s-sige."

Umalis ito sandali. Pagbalik nito, isang baso na ng malamig na malamig na tubig ang nasa kamay nito. She looked at the glass in his hand with longing. Humakbang siya palapit but her legs suddenly wobbled na muntik na niyang ikatumba.

One strong arm was around her waist all of a sudden. At normal times, she would have torn herself away from him so she waited for her instinct to kick in. Pero hindi. Instead, parang gusto pa niyang isiksik ang katawan sa dibdib nito. It was like.. everything he touches tingles!

"Are you okay?"

"Water.. I need water.."

"Here."

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now