Minho 1: Part 1

21 1 0
                                    

Language: Mixed

Dedicated to rottenpotato525 for giving me the inspiration. I'm glad SHINee led me to you. 😊😊😊

======

Sa pakiramdam ni Andrea, konti na lang ay iuumpog na niya ang ulo sa table niya sa sobrang inip. Kanina pa siya nakatitig sa orasan pero tila nananadya ito na mas lalo pang binagalan ang takbo ng oras.

It was Friday, at alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdam na sana ay pumatak na ang alas singko. Most of her work mates were waiting like her, ready to bolt out of the door the moment the clock strikes five o' clock. Handa nang simulang ang long weekend na matagal tagal din niyang – o nilang – pinagplanuhan.

She sighed. Kahit anung titig niya ay hindi naman biglang bibilis ang oras. Muli niyang tiningnan ang pumasok na message five minutes ago.

"I'm here at the lobby."

'Yun lang ang nakalagay sa mensahe pero parang gusto nang takbuhin ni Andy ang 20 floors para lang malaman kung totoo ngang nasa lobby na ang kanyang hinihintay.

"Sure kang hindi ka na sasama sa amin?" untag sa kanya si Kim, isa sa mga workmates niya. "Ngayon na lang tayo makakalabas na kumpleto."

She looked up, and smiled. Hindi lang niya alam kung totoo ba 'yung ngiti niya o hindi kahit nasasaktan ang self-esteem niya dahil lang sa mala-diyosang ganda ng kaharap niya. "Sorry, Kim. I already have plans."

Umikot ang mga mata nito.

'Lintek. Kahit pag-irap, maganda ah?' sa loob loob niya.

"Come on, Andy. If your plan involves your bed and a book to read, then that's not a plan."

Noon naging totoo ang ngiti niya. "Nope. I'll be out of town. Mamaya na ang byahe ko so I really can't go."

Halata sa magandang mukha ni Kim na hindi ito naniniwala sa dahilan niya. "Fine. Basta sa susunod na labas natin, ikaw ang taya." Inabot nito ang braso niya bago lumayo. "Kung ano man 'yang plano mo, I hope it's safe and it's fun. Okay?"

Tumango lang siya. See, that was exactly the reason why she couldn't bear to hate the girl. Maganda na ito, mabait pa. At alam niyang hindi peke ang pagpapakita nito ng kabaitan dahil ilang beses na siya nitong natulungan.

'At least may puso ka rin katulad niya. 'Yun nga lang ang meron ka,' bulong ng isang bahagi ng isip niya.

'Shut up'.

Bago pa mapunta sa kung saan ang isipan niya, mabilis niyang ibinalik ang atensyon sa orasan. Nakahinga siya ng maluwag nang 5:02pm na.

Buti pala, dinadaldal siya saglit ni Kim. Nalibang siya ng kaunti.

She was one of the employees who went out of the office before others could say goodbye to her. Sa pagmamadali niya ay halos mabangga pa siya sa pinto ng office nila. Nang makalabas ay mabilis niyang nilakad na ang elevator na thank God ay wala pang masyadong nakasakay.

She tapped her foot impatiently while watching the numbers that represent each floor go down. Panay ang hiling niya na sana ay hindi na huminto sa ibang floors ang elevator para mas mabilis siyang makababa.
She was almost running the moment the elevator arrived at the ground floor. Halos takbuhin niya ang lobby para lang makumpirma kung naroon na ang sundo niya.

Nahigit ni Andy ang kanyang hininga nang makitang naroon na nga ito. Yeah. There is no mistaking that built. Kahit siguro sa malayo ay makikilala pa rin niya ito.

Minho.

Kung gaano kabilis bumaba si Andy, ganoon naman siya kabagal lumapit rito. Sa pakiramdam niya ay mawawala itong parang bula kapag bigla siyang nagpakita.
He was sitting comfortably on the sofa, wearing a black shirt that hugged his torso perfectly, and jeans that made his legs look more... masculine. His eyes were covered with a pair of sunglasses, with a few locks of his wavy hair falling on his forehead. He was seriously looking at his smartphone, with a hint of frown in his beautiful face. She was still relatively far from where he was sitting, but she could already sniff his perfume in the air. It was fresh and cool and manly.

LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon