CHAPTER 4

51.9K 1.3K 98
                                    

CHAPTER 4

MAGGA-GABI na ng makauwi si Paula sa bahay nila. Kung saan-saan kasi siya dinala ng abnormal na lalaking yun. Panay ang reklamo niya na gusto na niyang umuwi pero panay naman ang pananakot nito na isusumbong siya nito sa Manager ng Asia’s Bank. Kung tutuusin labas na ito sa trabaho niya pero ayaw niyang mawalan ng trabaho. Wala siyang magawa. Sumama siya rito dahil sa trabaho niya pero hindi niya ikakaila na nag-enjoy siya sa ka-abnormalan nito.

Pagpasok niya sa bahay nila, naabutan niya ang ina na nagluluto. Humalik siya sa pisngi nito. “Magandang gabi ho, ‘nay.”

“Magandang gabi rin sayo, anak. Sige na, magbihis ka na. Kakain na tayo.”

Tumango siya at tahimik na tinungo niya ang kuwarto.

Paula was changing her clothes when she heard a phone rang. Tinatamad na nilapitan niya ang bag at kinuha roon ang nag-iingay na cell phone. Itinirik niya ang mga mata ng makita kung kaninong cell phone ang nag-iingay.

“Wala bang pause button ang ka-abnormalan ng lalaking ‘to?” Naiinis na tanong niya sa sarili at sinagot ang tawag. “Hello?” Padaskol niyang bati sa nasa kabilang linya.

“Pao!” It is obvious that he is in a good mood. Nararamdaman yun ni Paula sa boses nito. “Good evening. Nakauwi ka na?” Tanong nito sa kanya na para bang close ilang dalawa.

Paula sighed before she answers. “Yes and I’m about to eat dinner but you called.”

“Oh. Okay. Eat well. Advance goodnight, Pao. I enjoyed our date—”

Pinatayan niya ito nang tawag at kinausap ang cell phone. “Date mong mukha mo. Abnormal! Sinong magusu-suot ng mask in public? Hmp.”

Ibinalik niya ang cell phone sa bag at bumalik sa komedor.

“Kain na tayo.” Wika ng ina niya ng makita siyang papasok sa komedor.

“Okay.”

Umupo siya sa kaharap nitong upuan at walang ingay na kumain. Nasa-isip niya ang abnormal na lalaking yun kaya hindi niya narinig na kinakausap pala siya ng inay niya.

“Paula!”

Napaigtad siya at nag-angat ng tingin. “Ha?”

Umiling-iling ang ina niya. “Please, don’t tell me na kaya ka tulala sa kahanginan dahil iniisip mo ang Keg-Keg na yun?”

She sighed in annoyance. “Inay, Kreg po. Hindi Keg-Keg.”

“Pakialam ko sa pangalan niya. Kumain ka na. Mamaya ka na mangarap ng gising.”

She secretly rolled her eyes then continued eating. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng sumagi na naman sa isip niya ang abnormal na lalaking ‘yon. She can’t forget his eyes! For crying out loud! Iyon ang palagi pumapasok sa isip niya. Those green eyes of his bewitched her and she’s enchanted by it and she can’t stop thinking about it.

Hanggang sa matapos siyang kumain, ang abnormal pa rin na iyon ang nasa isip niya. At habang hinuhugasan niya ang kinainan nila ng inay niya, ito pa rin ang laman ng isip niya. Naiinis na iwinisik niya ang basang kamay at naglakad patungo sa sala at binuksan ang TV. Parang kiniliti ang puso niya ng makita ang commercial ni Kreg.

Hinaplos niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. “Hay, Kreg, kailan ka kaya magiging akin?” Wala sa sariling tanong niya sa hangin habang nanunuod sa commercial ni Kreg.

“Kapag puti na ang uwak.” Sagot ng ina niya mula sa kung saan.

Itinirik niya ang mga mata. Way to ruin my fantasy! “’Nay, alam ko naman na hindi ako mapapasakin si Kreg. Nangangarap lang naman ako.”

Falling for Zygy (Devil's Heart)Where stories live. Discover now