Prologue

136 21 117
                                    

PROLOGUE

I went to a flower shop after my grave yard shift and picked some flowers of different varieties—but all white in colour—to symbolize the purity of my love. Good thing that this flower shop's owner is an early riser.

Pumara ako ng taksi at nagpahatid kung saan kami magtatagpo. Ilan buwan na rin ang nakalipas nang huli akong bumisita sa kanya. Pagkababa sa taksi ay tanaw ko na agad kung nasaan siya. Marahan ang aking mga hakbang na tila ayaw kong mabulabog ang mga ibong humuhuni sa mga puno.

Habang papalapit ako sa kanya ay bumibigat na naman ang aking dibdib. Nagbabadya na naman ang pagpatak ng aking mga luha, at ang kasisikat pa lamang na araw ay naitatago ng madilim na ulap na tila nakikiayon sa aking nararamdaman. Bumuntonghininga ako para pagaanin ang aking kalooban.

Inhale, exhale ka lang, Joe. Ano ba? Nagda-drama ka naman diyan. Sayang ang ganda!

My naughty inner voice mocked me in a sarcastic tone. Gusto ko sana siyang patulan pero mamaya na lang pag hindi na ako emosyonal, kaya hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglapit sa aking pinakamamahal.

Lalo akong nakadama ng kalungkutan sa aking nasilayan. Maraming mga tuyong dahon ang nakatakip sa kulay itim na marmol na halos hindi ko na makita ang nakaukit niyang pangalan. Pati ang huling bulaklak na inaalay ko ay pawang mga tuyot na. Katunayan na ako lamang ang dumadalaw sa kanya.

Sino pa nga ba ang aasahan mo? Don't be silly! Only you and you alone cared about him.

Inilapag ko ang sariwang mga bulaklak sa gilid ng kanyang lapida at agad kong kinuha ang mga tuyong bulaklak para itapon sa basurahan. Kumuha rin ako ng ilang facial tissue sa aking bag para linisin iyon nang masilayan ko ang kanyang ngalan.

Baby Boy Crisostomo
Born: September 17, 2012
Died: September 17, 2012
In loving memory of his parents.

"Ayan, anak, malinis na ulit. Kamusta ka na?" Sinindihan ko ang scented candles na aking dala-dala. Komportable akong umupo sa gilid ng kanyang lapida na hindi alintana kung madumihan man ang aking puting uniporme.

"Pasensiya ka na, Baby Boy, kung ngayon lang ulit nakadalaw si Mama. Nabanggit ko naman sa iyo noon na nagre-review ako para sa board exam. Nakapasa na ako at napabilang sa top 20. Kaya agad akong natanggap sa unang ospital na inaplayan ko bilang isang nars." Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagdaloy ang aking mga luha, kasabay ang paninikip ng aking dibdib na tila tinutusok ng libo-libong mga karayom dahil sa labis na pangungulila.

Limang taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa aking puso. Sugat na hindi magawang hilumin ng panahon. Sugat na hindi lamang dulot ng pagkawala ng aking anak kundi ng kanyang ama. Sugat na lalong lumalalim sa poot na aking nararamdaman, dulot ng mga taong dahilan ng kanyang paglisan sa aking buhay.

"Alam ko, anak, kailangan ko silang patawarin. Pero paano? Inagaw nila sa iyo ang karapatang mabuhay dito sa mundo at sa akin ang pagkakataong maging ina sa iyo. Ni hindi ka man lamang nabuo nang tuluyan sa aking sinapupunan. Ni hindi man lang nila naibigay sa 'yo ang kanilang apelyido." Anuman pagpunas ang gawin ko sa aking mga mata at pisngi, ay patuloy pa rin ang pag-agos nang masaganang luha na tila isang talon na 'di nauubusan ng tubig.

Tatlong buwan na lang sana ay maririnig ko ang unang pag-iyak ng aking anak. Pag-iyak na magiging musika sa aking pandinig dahil alam kong nabigyan ko siya ng buhay. Masisilayan ko na sana ang kanyang munting mukha. Kung sa akin ba niya namana ang kanyang ilong o mga mata? Mayayakap ko na sana siya at mamumutawi sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti.

Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi naganap dahil sa mga taong ni hindi nagpahalaga sa kanyang buhay. Mga taong walang puso. Ni ang masilayan ang walang-buhay niyang katawan ay hindi nangyari. Ipinagkait nila ang lahat ng iyon sa akin. Sa amin.

Muli akong humugot nang malalim na hininga upang pakalmahin ang nagpupuyos kong puso sa galit at pighati. Muli kong dinampian ng nabasa kong panyo ang aking mga mata at pisngi. Pinilit kong angatin ang gilid ng aking mga labi para sa isang mapait na ngiti. "Pasensiya ka na, Baby Boy, nagda-drama na naman ang mama mo. Alam kong para akong sirang plaka na paulit-ulit sa tuwing dadalaw dito. Miss na miss na kasi kita eh. Pramis ni Mama, puro mga masasaya na lang ang ikukuwento ko sa iyo mula ngayon."

Tuluyan nang natuyo ang aking mga luha. Pinunasan kong muli ang aking mga mata at baka naging perlas na sa mga iyon.

Sana nga kung perlas at baka yumaman ka na. Kaso muta lang ang kinakalabasan ng natuyong mga luha mo. Sa sobrang drama mo pawow langang lalim mong managalog, 'di bagay, uy! Ano ba? Uso nang mag-move on ngayon, Joe.

Hay! Oo nga naman. Tama naman ang inner psyche ko. Hindi bagay sa isang Joan Crisostomo ang umiiyak. Lagi akong nakasuot ng pekeng maskara ng isang payaso. Laging nakangiti na tila walang problema at walang mabigat na pinagdaanan. Ihinilamos ko ang kanan kong kamay mula sa aking noo pababa sa aking baba na tila pinalis ang kalungkutang nito at sa tsaka itinapon palayo. Ang kaliwang kamay ko naman ang aking pinadaan mula baba pataas sa noo kasunod ang nakatatakam na ngiti sa aking mga labi.

Ganyan nga, Joe. Dapat masaya ka para hindi malungkot si Baby Boy.

Pinitik ko ang sarili kong noo para patahimikin ang makulit ngunit maganda kong konsensiya. Nagpatuloy ako sa pagkausap sa puntod ng aking pinakamamahal, "Nasa pre-school ka na sana ngayon. Sasabayan mo na sana si Mama sa pagkanta ng mga Nursery Rhymes. Alam mo ba kung ano ang uso ngayon? Ganito..."

Lalong umaliwalas ang aking mukha sa aking naisip. Tumayo ako para makabuwelo at hindi na nagdalawang-isip pa na kumanta, "Baby Shark... doo doo doo doo ... Baby Shark." May kasama pang aksyon ang aking gumigiling na katawan, kamay at ulo na parang isang pating na lumalangoy. "Mommy Shark... doo doo doo doo... Mommy Shark. Da—"

"Joan?"

Naputol ang aking pagko-concert dahil sa pagtawag na iyon sa aking pangalan. Tila may mahika ang tinig na iyon na siyang nagpatigas sa aking buong katawan na tulad ng ice statue ni Elsa. Ngunit rinig ko ang naghuhumiyaw na tibok ng aking puso, at ramdam ko ang nag-aapoy nitong galit sa nagmamay-ari ng tinig. Tinig na noo'y nagpapakilig sa bawat himaymay ng aking katawan.

"Joe, it's really you."

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking pinagdaop na mga kamay na nakapormang lalangoy. Ang simpleng pagdampi ng kanyang mainit na palad ay nagdulot ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan. Nabali na ang magic spell ni Elsa, ngunit hindi sa aking puso.

I threw him a killer glare. I saw how the sweet smile on his reddish lips suddenly vanished when our eyes met. He swallowed an imaginary lump and hesitation flashed on his face.

I picked-up my bag and threw a flying kiss to my son's grave. "Bye for now, Baby Boy. Mama is going to visit you again, pag wala nang asungot ditto," sadya diniinan ko ang pagkasabi ng asungot, at naglakad nang mabilis palayo sa kanya.

"Joe, wait!" Humarang siya sa aking daraanan. "Can we talk?" May pagsusumamo sa kulay tsokolate niyang mga mata na tumagos sa suot niya eyeglasses.

"Ano ba? Talk to the shark!" iritado kong bulyaw, sabay tulak nang may kalakasan. Buwisit talaga!

Befall [PUBLISHED]Where stories live. Discover now