The Chubby Maid

2.8K 76 58
                                    

Matiwasay akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang kumakain ng burger, nagugutom na naman kasi ako kakahanap ng trabaho, kailangan ko na ng pera para sa anak ko pambili ng gatas at tuition fee ng kapatid kung kakatongtong lang ng college.

"Hoy tabachoy, tabi dyan"sigaw ng isang lalaking nag bababike kaya sa gulat ko ay natapon ko yung burger sa kanal at napa-upo ako sa matigas na matigas na semento.

"Aray yung pwet ko mashakit"daing ko, nilunok ko ang burger na kakagat kulang kanina bago nahulog sa kanal.

"Peste kang kalansay ka mabangga ka sana sa unahan, gago"mura ko doon sa lalaking muntik na akong sagasaan ng bike.

Napatitig ako sa burger na nasa kanal na ngayon, sumimangot ako at napadadyak dahil sa sama ng loob, parang gusto kunang umiyak dahil sayang ang 15 pesos ko, galing pa naman yun sa minute burger na nadaanan ko kanina.

Napatingin ako sa eskina may mga street foods kasi doon kaya mas lala akong nagutom, hinawakan ko ang tyan ko, gutom pa talaga ako, kanina pa kasi ako naglalakad, kakahanap ng bagong trabaho.

Tumitingin ako sa mga pader, nagbabaka-sakaling may nakapost na wanted Saleslady, o kaya wanted yaya, or wanted maid, basta kahit anong trabaho papasukin ko, kahit dancer sa club pa yan, papasukan ko, magaling akong sumayaw, o kahit janitor, pwede ako dyan.

Ganito ako ka desperada makahanap lang ng panebagong trabaho dahil kapag wala akong mahanap ngayon, wala akong maipadala sa baby Jhon Rex ko para sa gatas niya, wala akong maipadala kina nanay Jana at kay Gardo na kapatid ko, ayokong madismaya sila sa akin dahil sa akin lang sila umaasa, at dumadadami na ang utang namin sa tindaahan ng kapatbahay kakautang ng gatas para sa anak ko, bearbrand swak na swak na nga lang muna ang pinapa dede ni nanay kay Jhon Rex ko dahil yun na lang ang ma afford ni nanay dahil ang mahal mahal ng gatas ngayon, kakastress ng bilbil ko ang presyo ng gatas, kawawa ang baby ko, kaya kailangan kung makahanap ng trabaho ngayong araw na.

Kaka end lang kasi ng contact sa dati kung pinagtrabahuan ko, dating security guard ako sa isang mall at dahil  mataba ako, medyo nagkagulo dahil nilalait nila ako at minsan sinasktan emotionally, physically ng ibang mga customers kaya madali akong napa-alis doon at dalawang buwan lang ang tinagal ko, kaka kulang kanina dahil pina-alis ako ng may-ari plus pinaalis din ako sa apartment na di ko na bayaran kaya ayon doble ang problema ko ngayon, sunod-sunod, wala pa akong trabaho, wala pa akong mateterhan.

Ako si Bitty Jane Molina, 21 years old, two years na akong single mom.

Bakit single mom ako?

Mahabang storya.

Huminga ako ng malalim bago tumawid sa pedestrian lane, kakain nalang muna ako ng bbq at hodtog doon sa street food doon sa eksina.

Nasa gitna ako ng pedestrian lane ng may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril kaya nabitawan ko ang isang bag na dala ko, nakita ko ang tatlong dalawang kotse na nagpuputukan laban sa isang puting kotse kaya napatakip ako ng tainga, nanginginig ang boung katawan ko dahil first time kung makarinig ng putok ng baril, nagkagulo ang lahat ng tao sa lugar nato, unti-unti akong napa-upo dahil sa takot na nararardaman ko.

May narinig akong busina ng kotse malapit sa akin kaya napatingin ako sa puting kotse na nasa harapan kuna, nakita ko ang isang lalaking naka-itim  habang pinaputukan ang dalawang kotse.

Napalaki ang mga mata ko ng higitin ako ng lalaki

"Damn you pig! Get in the car, faster"kinalibutan ako sa boses ng lalaking humigit sa akin at ang lamig lamig pa ng boses niya. Habang pinaputukan nito ang dalawang kotse na nasa unahan.

Patuloy akong hinigit ng lalaki at sapilitang pinasakay sa saskyan nito habang nakipagpalitan ng bala.

Habang ako ay tulala sa mga pangyayayri dahil unang beses kung nasaksihan ang ganitong pangyayayri sa buhay ko at para akong nabingi sa ingay ng baril.

The Cold Possessive Mafia Boss & The Chubby Maid (PBTYML-4 'Samuel Alexander')Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt