Chapter 03
Coincidence
Napatingin ako sa kalendaryong nasa harapan ko. Malapit na din pala ang kaarawan ni kuya. Isang linggo na lang, at sa araw ng Lunes ay kaarawan niya na. Kailangan ko nang magplano para sa regalo ko sakaniya. Tumayo ako mula sa pag-kakaupo ko sa tapat ng study table ko at kinuha ang phone ko na nasa kama.
"Sino ba ang tatawagan ko?" Nakatingin lang ako sa contacts ko. Wala akong mapili kung sino ang tatawagan ko. Si Mike ba o si Sage. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pindutin ang dial button sa gilid ng pangalan ni Sage. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa veranda para makasagap ng mas magandang signal.
Wala lang ilang minuto ay agad niya na itong sinagot.
["Bakit ka tumawag?"] Medyo nahirapan akong makasagot dahil sa tanong niya, pero medyo masakit ang pangbungad niya.
"Gusto ko lang sanang magtanong..."
["Tungkol saan? Bilisan mo, may gagawin pa ako"] Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Malapit na kasi ang birthday ni kuya, balak ko sana siyang regaluhan. Ano ba sa tingin mo ang magandang iregalo kay kuya?" Ilang minutong katahimikan ang bumalot saaming dalawa. Noong una, akala ko binababa niya na ang tawag kaya tinignan ko ang phone ko, pero nagalaw pa din ang minuto sa tawag.
["Watch. He loves watch, a silver watch."] Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.
"Sige salamat, sorry sa istorbo----" Hindi pa man ako natatapos magsalita ay agad niyang pinatay ang tawag. Napailing na lang ako dahil sa dismaya. Pero, nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala na akong iisipin pa. Dahil, noong mga nakaraang araw ay nag-tingin ako sa online shop ng mga relo, at nakakita ako ng magandang mga model nito at umorder ako ng dalawang set. Isang pangbabae at panglalaki.
Regalo ko sana ito sa darating na anniversary ni ate Kat at kuya, pero mas maganda kung ireregalo ko na lang sakaniya ito sa darating na kaarawan niya at ibibigay ko na lang kay ate Kat ang relo bilang "thank-you-gift" ko dahil sa kabaitan niya saakin.
Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong alas-tres na ng hapon. Kaya naman naisipan kong lumabas ng bahay at magpunta sa malapit na mall lang dito sa subdivision namin.
Ginala ko ang paningin ko sa paligid, at isang boutique ang pumukaw ng pansin ko. Puno siya ng mga polo shirts na para sa mga lalaki, kaya naman naisipan kong pumasok doon at mamili nang idadagdag kong regalo kay kuya at para na rin kay Mike.
Habang namimili ako, isang pamilyar na amoy nang pabango ako naamoy ko sa tabi ko. Kaya naman hindi ko maiwasan na tumingin sakaniya, at doon nakita ko siyang nakatayo at nakatingin din sa polo shirt na tintignan ko.
"Liam would like that color of polo shirt." He's right, kuya loves pastel colors when it comes to polo shirts.
"Nandito ka pala, akala ko nasa bahay ka lang." Nagkibit-balikat lang siya saakin at kinuha ang polo shirt at inabot saakin. Medyo mataas kasi ang lagayan kaya naman laking pasasalamat ko talaga sakaniya kasi nandito siya.
"Sage, pwede mo bang abutin din 'yong isa pa?" Tumango lang ito saakin at inabot saakin ang isa pang polo. Sinamahan niya ako sa counter para magbayad.
"Miss, pwede pong seperate bags na lang po iyan?" Tumango naman iyong babae at inilagay ang polo sa magkaibang lagayan.
"By the way, saan mo gustong kumain?" Tumingin ako sakaniya, malumanay lang siyang nagsalita pero wala namang ngiti na lumabas sa mga labi niya.
"Kahit saan na lang, hindi naman ako mapili." Tumango naman siya saakin at dinala ako sa Krispy Kreeme. Well, I love doughnuts also.
"Find some seats.." Mabilis naman akong nakahanap mg mauupan. Malapit lang kami sa bintana kaya naman tanaw ko dito ang labas.
"Chocolate pala ang kinuha kong flavor ng doughnuts at caramel." Napatingin ako sakaniya at doon aoo napangiti.
"You still know what I love." Tumingin din siya saakin at bigla itong ngumiti.
"No one knows you the way I know you." Iyon lang ang sinabi niya pero pakiramdam ko napakahaba ng sinabi niya para ngumiti ako ng ganito.
"I'm going yo take you home, kakausapin ko rin kasi si Liam." Tumango na lang ako at naunang pumasok sa kotse niya. This is the second time na nakapasok ako sa kotse niya. Wala paring nagbago, malinis at amoy lalaki talaga ang kotse niya.
Dahil malapit lang naman ang mall ma ito sa village namin ay mabilis kaming nakarating sa bahay. Pagbaba ko ay siya namang paglabas ni kuya dala ang bola niya ag nakasuot ng jersey.
"Sage!" Dali-dali itong lumabas at nag-fist bump sila ni kuya.
"Saan pala kayong galing? Bakit magkasama kayo?"
"Nakita ko siya sa mall kanina, kaya naisipan ko na rin siyang ihatid dito dahil dadaanan naman din talaga kita dito." Tumango naman ito sakaniya.
"Siya nga pala tol, may laro pala kami ngayon. Sasama ka ba? Nandoon na si Mike at si Jacob." Tumingin ako kay Sage at tama lang din naman ang suot niya para makapaglaro siya, kaya lang ang pangbaba niya ay tokong. Paniguradong mahihirapan siyang gumalaw.
"Gusto ko sana, kaso tokong ang suot ko."
"Iyon lang ba? Siya! Hiramin mo muna ang isa kong shorts doon, siguraduhin mo lalabhan mo 'yun bago mo ibalik saakin!" Tumango naman si Sage at sabay silang pumasok.
Bigla akong natulala. Teka? Sino ba ang kapatid niya saaming dalawa?
"Denise! Pumasok ka na dito!" Rinig kong sigaw ni kuya kaya nagmadali naman akong pumasok. Wala akong naabutang dalawang lalaki sa salas. Kaya sigurado akong nasa taas na ang dalawa kaya naman umakyat na din ako at pumasok sa kwarto ko para ilapag na ang pinamili kong polo.
Sandali akong napahinto at napaisip. Kung ibibigay ko kay Sage 'yong isang polo, ito palang ang unang beses na reregaluhan ko siya. Siguro naman mainintindihan ni Mike kung wala akong maibibigay sakaniya.
Tinignan ko ang dalawang polo at pinagisipan ko ano ang ibibigay ko sakaniya hanggang sa napagtanto ko na mas bagay kay Sage ang dark colors dahil medyo bagay sa aura niya. Ipinasok ko ito sa lagayan at nilagyan ko nang sticky note sa loob bago ko lagyan ng tape ang buka nito.
Sumilip ako sa pintuan ko at medyo naririnig ko pa ang boses ni kuya at Sage.
"Pre, sa baba muna ako. Nandito si Kat eh." Nakita kong dumaan si kuya pero hindi niya ako napasin dahil busy ito sa cellphone niya. Kaya naman lumabas ako at dumiretso sa kwarto niya pagbaba nito. Pero nago ako pumasok ay sumilip muna ako.
Nakatayo ito sa harap ng salamin at inaayos ang buhok niya. Sa totoo lang, matangkad talaga si Sage at siya na siguro ang pinaka-gwapong lalaki na miyembro ng varsity sa campus namin.
"I know you're there Denise, come out." Agad naman akong napapikit dahil sa hiya. Kaya naman marahan akong lumabas at nagpakita sakaniya.
"Ah-- hi?" Medyo naiilang kong saad.
"Why are you hiding?" Agad akong umiling sakaniya at lumapit.
"I just want to give you this." Inilahad ko ang kamay ko, nung napansin ko na parang tinignan niya lang ito mabilis akong lumapit sakaniya at kinuha ang kamay nito at pinahawak sakaniya ang paper bag. Walang kaano-ano'y mabilis akong tumakbo at pumasok sa kwarto ko.
"Syete!" Agad akong napahawak sa puso ko na mabilis ang tibok dahil sa kahihiyan.
END OF CHAPTER 03
YOU ARE READING
KATORSE (Numerical Series #1)
RomanceNumerical Series #1 Denise, a happy-go-lucky, was raised in a loving family. And yet, she fell in love to someone who's cold, snobbish, and grumpy. She fell in love with her brothers friend, whom she always dreamt about. But what if the man she is d...