Her Biggest Mistake

21 7 0
                                    

"Jia, nag aaya si Vera mamaya. Dinner date daw with barkada. Sasama ka ba?"

"Saan?"

"Sa may Morato daw. So tara? 6 pm sharp."

"Sorry busy ako. Marami akong kailangan tapusin." I lied. Pero ang totoo tapos na ako sa project na pinapagawa ng company samin. Isa pa, tinatamad akong lumabas.

"Killjoy ka talaga kahit kailan. Ngayon na nga lang nagkayayaan eh. Ayaw mo lang kaming makita. Dyan ka na."

"Uy di naman. Sorry talaga bes. Promise bawi ako next time."

"Ganyan ka naman eh. Since college days! Sure na yan ha, kung hindi ako pupunta dyan sa inyo kakaladkarin kita palabas." Natawa ako ng mahina. Kahit kailan talaga sadista tong si Kara. Narinig kong bumuntong hininga si Kara bago magsalita "Anyway, kinukumusta ka sakin ni Drake."

Natigilan ako sa sinabi nya.

"Kailan mo ba sya balak sagutin?"

"Kara, sinabihan ko na sya dati. Wala talaga. Sorry."

"Ay nako Jia, Martir ka talaga ng taon! Kailan ka ba magpapakatanga sa lalaking yon, andyan na si Drake, mabait na, gwapo pa. San ka pa? 2017 na bes. Di na uso martir ngayon. Move on move on din pag may time. Di naman naging kayo." Medyo nilayo ko yung phone kong nakaloudspeaker pala sa lakas ng boses ng babaeng 'to.

Di naman naging kayo.

Oo nga naman. Naiinis ako kasi tama sya. Move on pero wala nga namang kami. Inirapan ko na lang sya kahit di nya ako nakikita.

Si Drake. Nagkakilala kami nung college pa ako. Actually he is Kara's cousin. He's been courting me for years kahit sinabihan ko na sya nung una palang.

"Jia. I'm telling you, he's not worth it."

"Nga pala. Kumusta na yung inaanak ko? Pakisabi miss na sya ni Ninang. Babawi ako sa kanya pag nagkita kami." Pag iiba ko ng usapan.

"Eto may tantrums. Nasa Daddy nya. Miss ka na nga din ni Kendra. Lagi ka nyang hinahanap. Actually we're going out now before going to barkada reunion mamaya. You know, its our fourth wedding anniversary.Hihihi."

Kinikilig ang baliw kong kaibigan. Talagang pinagdiinan pa nya yung huling sinabi nya. Kala naman nya naiinggit ako. Well, konti lang. Sino ba namang hindi pag nakikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't isa at kung gaano sila kasaya as a family? Pero at the same time happy ako sa kaibigan ko for having her own peaceful and happy family. At isa pa, I'm still too young for that.

"O ano di ka makapagsalita? Ikaw kasi ang choosy mo. Baka tumandang dalaga ka nyan.Sige ka. "

"May ginagawa lang kasi ako. Saka bata bata ko pa para sa mga ganyan. Anyway Happy anniversary sa inyo ni Reigan."

"Thank you!" Naririnig ko sa background na papalayo na ang iyak ng bata hanggang sa mawala na ito. "O sige na gora na ako. Nasa sasakyan na mag-ama ko. Naka ready na sila. Magkikilay pa ko."

Natawa na lang ako. Hanggang ngayon kahit na may anak at asawa na siya ayaw pa rin nya na lumalabas na di nakamake up or nagkikilay. Narinig ko na lang na binaba na nya ang tawag kaya binaba ko na rin.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Bumangon ako sa kama ko at ininom ko ang tea na nasa table ko. Syempre nakalagay yun sa tasa ano ba. It's raining hard. Sabi kahapon sa balita na may bagyo kinabukasan which is ngayon . Wrong timing for a sweet couple and a perfect timing for me kasi wala akong pasok. Hahaha. I'm not bitter.

Since wala na talaga akong ibang gagawin, I think this is the right time to compose a blog. Para naman kahit papano ma ease ko ang nararamdaman ko this past few days at para di na rin ako maboring. I opened the laptop and browse for my blog. I click the 'create' button and boom, here it is...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Biggest Mistake (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon