Hybrid

80 6 1
                                    

Act IV

Quest 15
"Hybrid"

Hindi magawang sabayan ng dalawa ang bampira sa bilis nito, kaya nagpasya si Cloud na tanggalin ang kwintas na suot, kung saan ginagawa nitong isang mabigat na bakal ang kanilang katawa.

"Pasensya ka na kung nababagot ka na samin.. nakalimutan lang kasi naming alisin to.."

wika ni Cloud at pinigtas ang kwintas na nakasuot sa kanyang leeg.

"Huh? Ano ba yan? Para namang may magbabago kung huhubarin mo ang kwintas mo.."

tugon naman ni Melissa.

Tinanggal na din ni Flakes ang kwintas na nakasuot sa kanya.

"Haaaaaays!! Ang gaan sa pakiramdam!"

masayang sabi ni Cloud.

"Oo nga.. pakiramdam ko para akong nakalutang.."

sang-ayon ni Flakes.

"Mukhang nasiraan na kayo ng bait.."

wika ni Melissa at nagulat nalang ito ng biglang maglaho sa kanyang paningin si Cloud.

"Sandali! Anong!?"

tanging nasambit nito at biglang sumulpot sa kanyang harapan ang dalaga.

Ibinato nya ang tatlong patalim kay Cloud ngunit agad na naman itong naglaho.

Naramdaman nyang nasa likod ito, kaya ibinato nya sa likod ang tatlo pang patalim ngunit muling naglaho si Cloud.

"Paanong? Naging ganun sya kabilis? Kanina lang.."

naudlot ang sinasabi ni Melissa ng maramdaman nyang nasa itaas nya pala si Cloud.

Sinubukan nyang tumalon paatras upang iwasan ang katana ng dalaga ngunit nahagip pa din sya nito.

Nasugatan ang bampira sa kanyang kanang balikat at napaatras ito sa dalawang dalaga.

"Biglang sya bumilis.. kung ganun.. ang kwintas na yun.. ay ang necklace of pungr.. sinasabing gawa ang kwintas na yun ay gawa sa uru.."

sabi ni Melissa sa isip.

Ngumiti ang bampira at pinakitang wala syang kahinaan,

"Hah! Akala mo ba ay mapapatay mo ko.. isa akong imor.."

naudlot na sabi nito.

Hindi nya namalayan na nasa likuran na pala nya si Flakes at nagawa na syang hampasin ng malaking palakol nito. Tumilapon ang bampira papunta kay Cloud habang makikita ang pagkalat ng dugo nito dahil sa pinsalang natamo sa pag-atake ni Flakes.

Tumakbo si Cloud upang salubungin ang bampira at nagawa nitong itarak ang espada sa tyan ng babae. Napabuga pa ng dugo si Melissa at tuluyan ng ihiwa ni Cloud ang kanyang katana mula sa gitnang tyan ng bampira pakanan.

Malakas na sumirit ang dugo sa katawan ng bampira at tuluyan itong bumagsak sa sahig. Naglakad si Cloud papunta sa kinatatayuan ni Flakes nang iwan nya ang katawan ni Melissa.

"Ang dali lang pala.."

wika ni Flakes.

"Oo nga eh.. sana nung una palang.. ginawa na natin agad.."

tugon ni Cloud.

Magpapatuloy na sana ang dalawa sa paghahanap kay Alice na may hawak ng wolf killer nang bigla sila pinigilan ng babae.

"Sandali.."

wika ni Melissa.

Lumingon ang dalawang dalaga at nakita nilang nakatayo ang bampira.

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon