Kabanata II

2 0 0
                                    

Hapon na nang lumabas ako ng silid na iyon. Pumunta ako nang kantina para kumain.

Kanin. Kanin atisang basong tubig. yan ang kain ko. Wala man lasa ay pinilit ko iyon kainin.

Ngunit parang iba ang hanap ng aking tiyan. Hindi kanin o kahit ano man. Hindi ko alam.

Matapos kumain ay dumiretso ako muli sa Art room. Tanging pakay ay ang ginuhit kong larawan.
Nang makuha ko iyon ay dumiretso na ako ng silid ko.

Itinabi ko ang larawan at umupo sa gilid ng kama.

Inaantay ang susunod na pagbagsak ng katawan ko. Ilang saglit pa ay naganap na ang susunod na panaginip ko.

Tahimik at malamig gaya nung nakaraan. Pero hindi ko antala iyon.
Inantay ko kung ano ang susunod na pangyayaring masasaksihan ko.

Di nag laon. Isang babae. Babae na naman.

Ngunit may kakaiba sa kanya. Hindi siya yung babae noong nakaraan.
Matangkad, maputi at itim ang buhok niya.

Humarap siya sa akin, sa kinatatayuan ko.
Pansin ko ang mukha niya, masaya.
Ngunit ang bumagabag sa akin ay ang pulang bagay na nakapahid sa mukha niya.
Dugo.

Tuluyan siyang humarap sa akin.
Pansin kong nakaitim siyang damit.
Pero isang nakakapangilabot na eksena ang nakita ko.

Mga katawang walang ulo nakapalibot sa tila diyosa ng kagandahan na gumagapang paakyat sa kanya. Mga ulo nito ay nakatuhog sa isang mahabang buho. Dugo nito ay patuloy na umaagos .

Unti unti akong humakbang palayo. Ngunit, di gaya noon sa una ay kada hakbang ay siya naman lapit niya sa akin.

Di ako natatakot dahil alam ko panaginip ito. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat siyang lapitan.

Huling hakbang ay ilang metro na lamang ang layo niya sa akin.
Tumindig ang mga balahibo ng aking balat nang iniabot niya sa akin ang ulo ng isa sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.

Nakangiti ito. Matapos tangalin nang babae ang buho sa ulo.
Wala akong magawa, kinuha iyon at tinitigan ng mabuti. Nakangiti pa rin ito.

Hindi ko pansin nang biglang gumapang sa akin ang isa sa mga katawan. Nandidiri ako pero natutuwa sa nakikita kahit na ba alam kong may mali.

Inagaw ng katawan ang ulo at pinilit na ibalik sa sariling katawan.

Hindi iyo gumana kaya naman inagaw iyon muli ng babae.

Isang masamang titig at sibangot ang makikita sa mukha nang babae. Umatras ako palayo sa kanya. Samantalang pinilit niya ulit iabot ang ulo sa akin.

Binilisan ko ang pag atras. At bigla siyang umani...

" bakit ka pa tumatangi..
Pagsisisi nasa huli.."
Bangit niya sabay tumindig ng tuwid. At umani muli.

" Liustrea"

an:

yung line nung babae sa dulo, pakikita or maririnig sa kanta ni "DASU, Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis"

PaselWhere stories live. Discover now