SAMPALAN

1.1K 36 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

(Soundtrack: Ok's lang ako by Jroa)

ILANG araw na akong di pumapasok sa school. Iyak lang ako ng iyak. Minsan iniisip ko kung mamatay na lang kaya ako baka sakali na di ko na maramdaman itong sakit pero di sagot ang pagpapakamatay sa mga ptoblema ko. Kailangan ko harapin ito. Just to let go and be happy. Yan lang ang tanging nasa puso ko pero shet ang hirap mag let go lalo na na araw-araw pa akong umiiyak. Ang sakit kasi eh. Buti na lang di ko sinubsub sarili ko dito sa bahay at dinalaw rin ako ni bessy sabi nya wag daw ako umiyak ng umiyak kasi baka magka depresion ako at worst is baka di ko mapigilan sarili ko at baka magpakamatay ako.

Ngayong araw na ito ay may pasok kami. Casual uniform ang suot ko with nerdy glass and no make ups. Nagsuot ako ng nerdy glass di para mag-mukhang baduy kundi para itago ang nararamdaman ko.

Pagkatapos ko mag-bihis ay nagpahatid ako kay papa since wala naman syang pasok ngayon. Pagkarating namin sa school ay agad akong pinag-tinginan ng mga tao. Gulat silang lahat kasi ang Queen tinuturing nila ay naka suot ng nerdy glass. Ugly duckling yan ang naririnig ko sa mga alipores ni kyline dito sa school.

Di ko sila pinag aksayahan ng panahon agad akong umakyat sa room ko. Pagkapasok ko ay nagsisimula na sila. 30 munites late na ako ngayon pero di man lang ako pinagalitan. Kagaya kanina pagpasok ko gulat ang nasa kanilang mata. Tinignan ko silang lahat kasama na si allysa na ang sama ng tingin sakin. Bigla akong tumingin sa katabi nya at nakita ko sa mata nya ang pag-sisisi at kalungkutan. Ayokong makitang ganyan sya at ayoko ring makita nya na nasasaktan ako kahit sa totoo lang masakit na talaga! Ginusto nyang pakasalan si allysa pwes panindigan nya. Bigla akong umiwas ng tingin ng mapansin kong may luhang tumulo sa mata ko. Dumeretsyo na lang ako sa upuan ko.

Ayokong makita nya akong ganto. Ayokong makita nya akong umiiyak dahil sakanya. Ayoko ring makita nya na nasasaktan na ako. Kailangan kong labanan ang lungkot na nadarama ko. Ayokong makita nya na malungkot ako. Kahit kailan di ko pa sinasabi sakanya na kada niloloko nya ako ay umiiyak ako. Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko yung panahong masaya kami kasi parang feeling ko hanggang dun na lang yun. Ang sakit kasi pinaramdam nya saking mahal nya ako kahit ikakasal na sya. Pero lahat yun nawala ng maisip ko lahat ng sakripisyo, surprises nya sakin. Di man bongga yun pero shit lang para sakin yun yung mga bagay na ayokong mawala sakin.

Nakayuko lang ako at napansin ko na tumutulo na pala ang mga luha ko. Wala akong marinig sa paligid ko kundi ang katahimikan. Tanging naririnig ko lang ay ang pag hikbi ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Di ko alam kung kelan matatapos iyon. Feeling ko habang buhay ko tong dala.

Ano ba ginawa ko sakanya? Minahal ko naman sya katulad ng pagmamahal nya! Lahat binigay ko pero bakit ganun? Bakit parang ako pa ngayon yung nasasaktan sa mga ginawa ko.

Nakaramdam ako ng may taong tumabi sakin at ako naman ay napatingin dun. Dapat pala di na ako tumingin. Kasi shet lang kahit gusto ko ng ilayo ang paningin ko parang may kung anong pumipigil sakin.

"My'loves....." sabi nya. Napansin ko na wala ng tao dito. Oo nga pala last subject na tong pinasukan ko. Pero sakin may susunod pa akong klase dahil nga tourism ang gusto kong kuhanin ay may isa pa akong klase.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Aalis na sana ako ng hawakan nya ang wrist ko.

"Bitawan mo ko" pagmamatigas ko sa boses ko kahit sa totoo lang nanlalambot na ako.

Tinignan ko sya dahil di naman sya sumagot. Nagkatitigan kaming dalawa ulit at dahil sa titigan na yun naalala ko yung mga oras na kasama ko sya. Mali! Dapat di ako ganto. Agad ko syang binigyan ng Cold at halos walang makitang pagmamahal na tingin sakanya.

"M-my'loves" sabi nya na umuutal.

Nakatitig ako sakanya ng walang emosyong tingin pero sya para akong kinakausap sa tingin nya. Nakita ko ang pagmamahal at pagsisisi sa mga ginawa nya. Agad akong umiwas ng tingin at binawi ang kamay ko.

"May klase pa ako." Sabi ko sabay alis. Kahit alam ko na alam nya ang sched ko ay di parin ako nag-patinag.

*****

Pagkatapos ng klase ko ay halos wala akong natutunan. Lumilipad ang utak ko. Nilinis ko na lang ang gamit ko at umalis pero bago ako makalabas nakaramdam ako na may tao sa pinto. Di nga ako nagkamali at meron. Nakita ko syang naka-sandal sa tabi ng pintuan namin. Tss ano nanaman bang problema neto?

Bumalik ako sa upuan ko at nagsulat na lang ng Story ko. Feel ko kasi dito ko lang mailalabas ang lungkot na nadarama ko.

*****

Ng matapos ako sa pagsulat ay agad ko niligpit ang gamit na ginamit ko. Habang nag aayos bigla akong pinaharap ng isang babae at biglang sinampal ng malakas. Masakit yun pero mas masakit yung nararamdaman ko. Tinignan ko ang sumampal sakin at nakita ko si allysa na halos umusok na ang ilong sa galit.

"Ikaw na bakla ka! Slut ka talaga! Pati si Darius aagawin mo pa!" Sabi nya.

Aba gago pala tong babaeng to eh! Ako pa ang sisisihin sa ginawa nya! Sya kamo ang slut at isa syang mangaagaw!

Sa gigil ko sakanya ay di ko napigilan ang sarili kong sampalin sya.

"First of all para yan sa pag-sampal mo sakin!" Sabi ko sabay sampal ulit sakanya sa kabila. "Yan naman para sa pagsabi mo ng slut at mang-aagaw sakin kahit di naman talaga totoo." Sabi ko at sabay sampal ko ulit sa kanya sa kabila. "Yan naman para sa lahat ng ginawa mo sakin! Kulang pa yang sampal na yan para sa lahat ng ginawa mo sakin!" Sabi ko at sinampal ko ulit sya pero this time malaks na talaga na halos matumba sya. "Don't describe your self you bitch! Wag mo kong igaya sayo!" Sabi ko sabay alis pero bagoa ko makaalis ay bigla nya akong sinabunutan. Wala akong wig ngayon kaya real hair ang nahahawakan nya ngayon.

"Tang*na kang bakla ka! Hayop ka! Papatayin kita!" Sabi nya sabay balibag sakin. Napunta naman ako sa mga upuan at natamaan ako sa likod nun. Di pa sya natapos at sinabunutan nya ako ng mas malakas at binalibag nya rin ako ng MAS MALAKAS pa! Kaya ako napunta sa mga umuan pero yung isang upuan ay may kahoy kung saan kinuha nya yun at pinalo nya sa ulo ko. Nung una nahilo ako pero nagawa ko parin labanan pero wala natamaan nya ako ng kahoy sa ulo at this time dumating si Darius para ilayo sya. Hinawakan ko ang ulo ko at pagtanggal ko nakita ko ang mga dugong nasa kamay ko. Napatayo ako nun pero pagtayo ko. Everything went black

.....
To be continued

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Where stories live. Discover now