Κεφάλαιο 1

12 1 1
                                    

Chapter I

1 year ago

‘XYLINE’S POV’
Naglalakad na ako pauwi galing sa maghapong nakakapagod na trabaho. Walang katao-tao sa daan. Ano pa bang ine-expect ko? Duh. 1am na at tanging liwanag lang sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa aking dinadaanan.

Hindi na ako natatakot. Na baka may mga loko-loko akong makasalubong sa daan. Na baka, may mang kidnap, o may mang-trip sa’ken. Halos, apat na taon na akong nagtatrabaho, at apat na taon na rin akong umuuwi sa bahay ng ganitong oras. Sanay na sanay na ako, at kung may magtatangkang saktan ako? Hindi ako papayag na hindi ako makakalaban.

Habang ako ay naglalakad, pakiramdam ko’y may sumusunod sa akin. Binilisan ko na ang lakad ko. Hindi dahil sa takot ako, kundi dahil wala akong time na makipag-suntukan sa kanila.
Oo babae ako, pero nanununtok ako ng lalaki. Pake nyo ba? Hehehe.
Siguro 500 meters na lang ang layo ko sa bahay, kailangan ko pang dumaan sa masikip at madilim na eskenita dahil nandun nakatayo ang maliit naming bahay. Mahirap lang kami, kaya sa murang edad ko, ay nagsimula na akong magtrabaho.

Nasa tapat ako ngayon ng isang poste, at napatigil ako sa paglalakad, nang may aninong nakatigil din sa tabi ko.

Shit. May tao nga sa likod ko.

Naglakad na ulit ako, bibilisan ko sana ang paglalakad ko ng bigla akong nakaramdam na parang namanhid ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa at kamay. Wala akong nararamdaman na kahit ano, at hindi rin ako nakakaramdam ng takot.

Tumingin ako sa baba kung nandun pa rin yung tao sa likod ko. Kitang kita ko ang paglapit sa akin ng lalaki, dahil lumalapit din sa akin ang anino nito. Unti-unti syang lumapit, at doon na tumayo ang mga balahibo ko. Hindi ko magawang ibaling ang ulo ko sa likuran dahil kahit ang leeg ko, ay hindi ko rin maigalaw.

“Wag ka na mag-effort na tumingin dito. Ako na lang ang lalapit” bulong nung lalaki sa likod. At naglakad papunta sa harapan ko. Hindi pa rin ako makagalaw, like wtf, anong kaabnormalan ang nangyayari sa katawan ko! Huhuhu.

Napatingin ako dun sa lalaki, pero hindi ko makita ang mukha nya.
E kasi naman, paano ko ba makikita, e yung costume nya parang kay kamatayan. July palang ngayon ah, bat naka pang Halloween na to?

“Anong kailangan mo sa’ken?” tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko kanina, pero bakit ganun? Hindi pa rin ako makaramdam ng takot.

“May ibibigay lang ako sayo.” Mahinahong sabi nya at iniabot ang kulay itim na sobre. Sa tono ng kanyang pagsasalita ay, hindi mo mararamdaman na wala syang masamang intension sayo.

“Ano to invitation? Para sa early Halloween party nyo?” biro ko sa kanya.

“Gusto mong sapakin kita?” seryosong tanong nya. Hala hindi na mabiro.
“Basahin mo ang nilalaman nyan, and if you’re interested, tawagan mo yung number na nandyan. Or, ikaw na lang yung mismong pumunta sa amin.” Patuloy pa nya.

“Wow, ang aga mo naman yata kuya? Ano ba to business? Dapat hindi dito, dahil wala kang mapapala sa mga tao dito. Dun ka sa bayan, maraming tao dun.” Biro ko ulit sa kanya.
“At tsaka kuya, maram—“

PAAAAAAAAK!

At nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya.

“What the hell?! Bat mo’ko sinampal?!” Galit na sigaw ko. Gusto kong gumanti, pero hindi ko talaga maigalaw tong taksil na mga kamay ko.

‘HUHUHU hands? Feet? Bat ngayon pa? Kailangan ko kayo, kakaratihin ko tong abnormal na to!’

“Magseryoso ka nga!” sigaw din nya. Medyo napahiya naman ako, pero hindi pa rin nun mabubura ang katotohanang sinaktan nya ang magandang fes ko. Huhuhu lintik ka!
“Bading ka ba? Ang ganda ko, tapos sasampalin mo’ko?!” sigaw ko at itinapon ang binigay nyang sobre.
” I don’t need that!” Dagdag ko pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death InstituteWhere stories live. Discover now