17

719 21 0
                                    

Crap! Ano ba Sabrina mag-isip ka ng isasagot mo kay dark! Tama ba ako ng naririnig baka naman guni-guni ko lang ngayon ang pag co-confess ni dark sakin



Una si ethan ngayon naman si dark pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Alam ko wala akong lovelife at hiniling ko na magkaron ako noon pero di ko naman hiniling na dalawa



Tsaka parehas pang hindi sigurado kung totoo yung mga pinag sa-sabi sakin masyado akong naguguluhan ngayon sa mga pangyayari nakakaloka!



"Sab, alam kong gwapo ako pero kailangan ko ng sagot" mataray na sabi sakin ni dark. Kutusan ko kaya to?



Saan ka nakakita ng nag co-confess na ganyan ugali? Kay dark lang! "Wag ka ng umirap dyan at sumagot ka na lang"



"Ewan ko sayo, sa lahat ng nag confess ikaw lang ang nakita kong ganyan" sabay irap ko kay dark na ngayon ay nakatingin at nakangiti sakin



"Can't blame me sab" pilyong sabi ni dark



Nakakairita na ewan talaga tong lalaking to! Hindi ba dapat romantic kapag ganito? "Di ganito yung pinangarap kong confession dark bahala ka dyan"



"So gusto mo ba yung mala fairy tale?" biglaang tanong ni dark sakin na ngayon ay seryoso na ang muka



Anong trip nanaman nitong lalaking to? "Blah blah bakit feeling mo bagay sayo yung role na prince charming?"



"I will not be the prince if you're not going to be my princess so it doesn't make sense kung ganun" nakangiting saad na netong si dark



Pasagot na sana ako ng tumigil na yung ferris wheel sa pag ikot kaya bumaba na kami ni dark at nag ikot ikot sa park para naman di masayang ang pag punta namin



"Ano to?" tanong ko kay dark ng ipahawak nya sakin yung binili nya


"Cotton candy obvious ba?" nag tataray na sabi ni dark alam mo kung magiging babae tong si dark siguro sya yung pinaka-nakakairitang babae



"And so?" mataray ko ring tanong syempre kabisado ko na timpla netong lalaking to no wag akong papatalo



"Kainin mo malamang" sabay lakad sa kung saan aba aba parang kanina lang ang amo amo nung nag confess



Tapos ngayon ganyan back to normal nanaman sya, di ko talaga alam kunh seryoso ba yung sinabi nya o hindi e



Parehas lang sila ni ethan na nakulangan lang ata sa kain kaya di ko na lang sila iintindihin, hinabol ko naman tong so dark sa pupuntahan nya



"Hoy! Teka lang ang bilis mo naman mag lakad kabayo ka ba?" ang bilis talaga mag lakad lahing kapre talaga to e



"Kasalanan ko bang mabagal ka? Tara na uwi na kita" sabi ni dark sakin ngayon naman nakangiti na sya



Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko hindi katulad ng hawak nya sakin kapag hinahatak nya ko pero holding hands as in



"Why? Problem?" parang walang ginagawang kalokohan na tanong ni dark sa akin akala mo talaga inosente



Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero as always lagi namang sya ang nananalo

*

Good morni- este afternoon na pala late na ako ng gising si dark kasi kinulit pa ako at hanggang sa bahay ay hinamon pa ako ng movie marathon



My MVP Player [ DonKiss ]Where stories live. Discover now