Chapter 21

716 15 1
                                    

Almost

"Nak, ano pinanood niyo?" Inosenteng tanong ni mama sa akin. Muntik na akong mabilaukan nang naalala ang tugon niya sa aming dalawa na pumunta sa siyudad. 'Di na namin ito naggawa dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Inabutan ako ng isang basong tubig ni Yegor at tinanggap ko ito nang hindi parin siya tinitingnan. Pagkatapos kong uminom sinagot ko na agad ang tanong ng ina.

"Hindi na kami nakapanood ma..." it's almost a whisper. I didn't bother to wait for her reaction at inabala na aking sarili sa pagnguya .

But, I can feel the intense stares, pero binaliwala ko lang ito. Ayaw kong malaman ni mama kung ano-ano ang pinagsasabi ng mga kasamahan niya sa trabaho at lalong-lalo na ayaw kung ipag-alam kung ano pinag-awayan namin ni Yegor. I don't want to add burdens to my mother.

Buti nalang talaga may talento si Chuchi na paibahin ang ihip ng hangin. Panay ang kanyang kwento sa pa-liga ni kapitan kaya nabaling ang atensyon ni mama rito.

Sa gilid ng aking mga mata naaninag ko ang pagpigil ng pagkawala ng ngiti ni Yegor sa mga kwento ng aking kapatid.

Tahimik lamang ako sa hapag at tahimik na ring niligpit ang pinagkainan. At 'di pa rin ako kumikibo habang naghuhugas ng plato.

"Thia, anak, huwag na ipagbukas kung ano man ang pinag-awayan ninyong dalawa. Pag-usapan ninyo 'yan," sabi ni mama habang nilagay niya ang baso sa lababo.

Tanaw na tanaw ko ang mga mata ng ina na punong-puno ng pag-alala. Ginawaran ko siya ng ngiti at tumango.

How can I disappoint a very supportive mother? I really love this woman. I hope I can protect her the way she protected us.

Pagkatapos kong maghugas ng plato nagpaalam na ako kay mama na umakyat na sa kwarto. Hindi ko na naaninag ang kapatid sa sala at ang bulto ni Yegor, kaya dumiretso na ako sa ikalawang palapag ng bahay.

Sinikap kong 'di makadisturbo baka natutulog na siya. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at unti-unting pumasok sa aking kwarto, halos malaglag ang aking panga nang nakitang naka-upo lamang ang kapre sa aking kama. Nakatitig ito sa kawalan.

Biglang nakuha ko ang kanyang atensyon sa pagsarado ko ng pintuan. He move a little to give me space but he never leave his eyes on me. Kahit sa aking pag-upo sa tabi niya, sinusundan parin ako sa nakakatunaw niyang titig na lalong nagpapangatog sa aking binti.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na lapitan siya at hinayaan ko na ang aking katawan na magdesisyon, napaupo ako sa kanyang paanan.

"Yegs... sorry..." and I hug him tightly.

"Shhhh. baby... sorry.." at dahan-dahan niyang pinapatahan ako. Hinahagod niya ang aking likuran at nang hindi na matiis ay nararamdaman ko ang kanyang pagtugon sa aking yakap.

Ang kanina luhang nagbabadya ngayon ay hindi na talaga mapipigilan at lalo ko pang sinubsob ang aking sarili sa kanyang bisig.

Nang napulot ko na aking kahihiyan, dahan-dahan na akong kumiwalas sa kanyang bisig at umiwas sa kanyang mga mata.

Pero bago pa ako tuluyang nakaiwas, hinawakan niya ang aking baba at inangat ito, naaninag ko ang napakangandang kulay na kanyang mga mata na punong-puno ng pag-alala. Pinahiran niya ang aking mga luha sa kanyang daliri. At napapikit ako nang naramdaman ang kanyang labi sa aking noo.

"Sorry for causing too much pain, Ting..." the sincerity on his voice was so evident.

Dahan-dahan niyang nilagay ang hibla ng buhok ko sa aking taenga. Napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya at di ko maligtaan ang pagkagat ng aking labi sa kakaibang sensasyong dulot nito.

He Was My BedmateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum