CHAPTER FOURTY EIGHT

1.8K 27 3
                                    

September 11,2018

Amethyst

Nagising ako  ng maramdaman kong may nagpapaligo sa akin ng matamis na halik from my little munchkin.

"G-good..mowlning..mommy.ayabyou" bulol na bati ng anak ko. Kung meron man masayang nangyari sa akin sa loob ng tatlong taon yun ay dumating sa buhay ko si zoe pero siguro mas magiging masaya sana kami lalo kung kasama namin ang daddy nya.

" Good morning too sweety.i love you so much" nakangiti kong bati sa kanya sabay kiss sa noo nya.

"Let's go baby.baba na tayo may work pa si mommy eh" saad  ko

"Okay!" Masigla nyang sagot saka ko siya binuhat para bumaba na kami at kumain.

" ayan na pala ang cute naming apo na yan eh.. " wika ni mama at agad kinuha si zoe sa akin at dinala sa mesa para kumain.

" may pasok ka ba ngayon ametyst?" Tanong ni lola

"Opo la,pero uwi po ako mamayang gabi bukas pa po duty ko." Sagot ko kay lola

Matapos kong kumain iniwan ko muna saglit si zoe sa kanila para makapagprepare ako sa trabaho. Pagkatapos kong magprepare ay bumaba na ako para magpaalam.

"Bye honey,see you tonight behave lang kay mamila at wowa.okay?" Bilin ko kay zoe

" yes mommy!" Masaya nyang sagot at binigyan ko siya ng mabilis na kiss sa lips.

"I love you baby" saad ko bago umalis

Nang makarating ako sa hospital nagpunta muna ako sa doctor's lounge para iwan ang gamit bago magrounds. Palabas na ako ng makasalubong ko si paula martinez isa ring pedia.

"Good morning Doc." Nakangiti nyang bati habang naglalakad kami sa hallway

" Good morning too Dr. Martinez" ganti ko

"Doc." Tawag nya kahit magkatabi lang kami

" yes?" Sagot ko

" May referral po kayo." Nahihiya nyang sabi.

" kanino galing ?" Gulat kong tanong

" kay Dr. Williams, nag leave po kasi siya dahil kamamatay lang po ng lola nya." paliwanag

"Diba orthopedic specialist siya?bakit nirefer sa akin?" Nagtataka kong tanong

" yun din po sabi ko.kaso wala pong available ngayon na pwedeng maging doctor ng pasyente sa room 414" sagot nya sa paglalakad namin nakarating kami sa nurse station para magcheck ng chart.

" bakit hindi nalang sayo?hindi ako duty ngayon eh" aniya ko

" toxic po ako ngayon doc.at saka wala pong tumatagal na doctor sa pasyenteng yun.bugnutin po masyado.alam mo po bang mag dadalawang linggo na siya dito pabalik-balik din ang lagnat nya dahil sa infection sa mga sugat nya at may sprain din siya sa left ankle nya." mahabang paliwanag ni Dr. Paula

" room 414? Yung laging naka lock ang pinto?" Tanong ko

" yes doc! nakakainis kailangan pa naming kumatok para lang icheck siya.tapos ang sama pa magsalita." Inis na sabi nya

" okay,susubukan ko pero kapag di ko bet ang ugali irerefer ko siya sa iba ha." Sagot ko

"Thank you Doc.! Your the best!" Masigla nyang sabi

Pagkatapos kong magcheck ng chart nagstart na akong mag rounds sa mga pasyente ko. Huli kong pinuntahan ay si Xyra isa siyang deaf and mute at mayroong  Rheumatic Heart Desease pagkapasok ko palang ng kwarto ay isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin. Hindi man siya nakakapagsalita ramdam ko ang saya nya sa tuwing nagkikita kami.

DAHIL SAYO ( Complete )Where stories live. Discover now