25

526 48 23
                                    

Nagpahatid ako sa driver namin papunta kela Felix, nagmadali akong bumaba at pumunta sa tapat ng gate nila...

Magdodoorbell na sana ako ng biglang may lumabas sa gate nila...

"Ji Hyun?".

"A-anong ginagawa mo dito...Hyun Jin?".

"Nandyan kasi buong tropa...maliban sa kuya mo...".

"Ahh...okay".

"Ikaw?anong ginagawa mo dito?".

"Hah?ano...hinahanap ko si kuya, baka kako nandito".

"Ahh...Si Felix nasa loob".

"Uhmmm....".Napayuko na lang ako at pinigil ang aking mga luha.

Kaya naman nagtaka si Hyun Jin at sinilip ang mukha ko.

"Umiiyak ka ba?".Tanong nya.

"Hindi noh?Di ako umiiyak!".

"Alam mo ba?Simula nung di ka pinapansin ni Felix kahit na may ibang babae syang kasama....alam kong malungkot sya".Sabi nya.

*sniff*

*sniff*

*sniff*

"Akala ko ba di ka umiiyak?".

"Di nga!!!".At binuhos ko na ang kanina ko pang pinipigil na luha....

"Ano ba?Wag ka ngang umiyak...hahaha".Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung bigla nya ako niyakap.

*sniff*

*sniff*

*sniff*

"Baka mamaya mapuno na ng sipon yung damit ko".

"Excuse me wala akong sipon!".

"Galit agad?Syempre joke lang".

Kahit na ilang segundo nya lang ako ang niyakap...Nafeel kong kahit kaunti ay nawala ang lungkot ko.

"Salamat...".

Ginulo nya ang buhok ko

"Tara sa loob".

Tiningnan ko sya ng parang nagsasabing *wag na kaya look*

"Ako bahala!".Sabay hila nya sa akin papasok sa loob.

__

SML {Seen Mo Lang}  ❥ Lee Felix [Completed] Where stories live. Discover now