six

234 11 0
                                    

Awu

Three days after his last letter, walang dumating na sulat.

Naghintay ako sa harap ng bahay namin. Baka sakaling may dumating. Maghapon akong nakaupo sa harapan ng bahay namin. Pero sumapit ang gabi pero walang dumating.

Kumirot ang puso ko.

Yun na yon? Wala ng kasunod? I want to feel him more. I want to know him more. And his letters became my routine.

Anong nangyari? Bakit walang dumating ngayon?

"Awu, pasok na. Gabi na." pagtawag sa akin ni Daddy.

Napatingin ako sa kanya at nakatayo siya sa tapat ng pintuan.

Huminga ako ng malalim.

Wala na ngang darating.

I waited for a day again. But nothing came.

Parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Bakit wala na? Anong nangyari? Did he stop writing kasi tapos na? That's it? No. No way.

I was really worried and curious at the same time that I caught myself writing back to him.

Hi.

    I'm not Alex. But I've been receiving your letters. I've read them. Sorry? Sorry. May nakatira na ngayon sa bahay nila. At kami 'yon. Kakalipat lang din namin. I'm sorry if the introduction is taking so long but...I've read your letters. Yeah. All of them. I just want to tell you that. Siguro, kapag nabasa mo 'to hindi ka na magpapadala ulit ng sulat kasi alam mo ng may nagbabasang iba sa mga sulat mo. I'm sorry. Really. I mean it. And before I end this, I just want to tell you that...that...maybe it was meant to happen. That...that sometimes we meet people then they go. Then they leave in our lives. I just want to tell you that don't be too harsh on yourself. Baka napatawad ka na niya ngayon. Maybe. Pero kahit hindi pa, patawarin mo na ang sarili mo. Kasi I feel like you deserve that naman. This is taking too long. I'm sorry. And I'm not Alex.

- awu

Makita Kang MuliWhere stories live. Discover now