Chapter 1

122 6 5
                                    


[ NIXON ]

Kakauwi ko lang galing school at pagod na ang buong katawan ko, wala kasi akong inaatupag kanina kundi ang magaral. Hindi naman sa pinipilit ako ng iba na magaral, ginusto ko 'yun kaya wala silang magagawa.

I'm the top student in our class since high school, iba kasi yung eskwelahan ko nung elementary pa ako.

I can also call myself famous dahil na rin siguro sa mga contest na sinasalihan ko sa ibang lugar, ako kasi 'yung palagi nilang sinasali kapag may event ang school namin. Minsan nga tumatanggi ako kasi nakakatamad.

Meron namang mga tao na worth it para doon.

Pagpasok ko sa bahay namin naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Lumapit ako sa kanya para magmano, tinanong ko din kung nasaan ba si Mom at ang sagot niya ay nandoon sa kusina.

Pagkatapos nun naglakad na ako patungo sa kusina, Nakatalikod si Mom sa akin habang naglalagay ng kung ano ano sa hapagkainan.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya sa likuran, "Mom!" Nag-chuckle siya dahil sa sinabi ko.

"Aw. Pagod ba ang baby ko?" Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Pft. Sige na umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis na, malapit na tayong kumain." Humiwalay ako sa yakap at nakita ko yung ngiti ni Mom at sa isang kislap nawala yung pagod ko.

"Okay, Mom!" Masayang sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa kwarto agad akong humiga sa malambot kong kama. Hays. Nakakapagod ang araw na 'to, malapit na kasi yung exam kaya karamihan sa amin ay busy.

Actually, wala akong pakialam na top student ako, dahil ang mahalaga sakin wala akong bagsak na grade at maka-graduate.

Pero okay na din kasi proud yung parents ko sa akin, ang sarap kaya sa feeling no'n. Yung parang nasuklian mo yung paghihirap nila sayo para lang makapagtapos ng pag-aaral.

Ilang minuto na akong nakahiga dito sa kama at dinadalaw narin ako ng antok ng biglang sinigaw ni Dad ang pangalan ko.

"Nixon! Kakain na tayo, bumaba ka na diyan!" Kaya mabilis akong napabangon at nag palit na ng damit.

Ayaw kasi ni Dad yung ganyan dahil para sa kanya bawal pinaghihintay ang grasya.

Nang matapos na kami sa pagkain nag-volunteer ako sa paghuhugas ng pinggan. Mabait kasi ako na bata kaya tularan niyo ako.

Limang minuto din akong naghuhugas ng pinggan bago ako natapos. Aakyat na sana ako sa kwarto ng makita ko sila Mom at Dad na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.

Ang sweet nila. Kailan kaya ako magiging ganyan?

Umiling ako at napabuntong hininga dahil sa naisip. Tss. Tuluyan na akong umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Hindi na ako nagaral kasi nakakasawa rin paminsan-minsan, hinintay ko lang na dalawin ako ng antok. Ilang minuto lang ay nakatulog na ako agad.

Nagising ako dahil sa alarm clock. Alas kwatro palang ng umaga pero gising na ang diwa ko. Bumangon na ako sa kama at naglakad patungo sa cr, nagpasya ako na maligo muna bago gumawa ng mga assignments.

Hindi ako 'yung tipo na studyabte na sobrang seryoso sa pagaaral, 'yung parang hindi na kumakain at nagbabad na kakabasa sa mga libro. Hindi ko rin naman pinapababayaan ang pagaaral ko, nilalagay ko lang sa tamang lugar.

Pagkatapos maligo pumunta muna ako sa study table ko at umupo doon, nagsimula na akong gawin ang mga assignments ko. Hindi rin nagtagal natapos na din ako, nahirapan ako ng konti sa Math pero kinaya ko naman.

Iniligpit ko muna yung mga gamit ko at nilagay sa bag, kinuha ko 'yung uniform ko at nagbihis.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako, naabutan ko sila Mom at Dad na naguusap habang umiinom ng kape. Siguro tungkol dun sa company namin, my family owns a famous fruit juice company. Sikat ito dito sa pilipinas lalo na sa ibang bansa.

Pero isang araw may nagsabi na gumagamit kami ng fruit flavor at coloring. Sa pagkakaalam ko, we use fresh fruits para may benefit ang iinom kasi healthy ito.

Siguro ang may gawa nun ay isa sa mga workers nila Dad at Mom. Tss. Bakit kailangan pa nila gawin yun?Sumisweldo naman si Mom at Dad ng tama ah? Mabait naman sila.

Pero bakit may mga tao talaga na kahit mabait ka na sa kanila, gumawa pa rin sila ng paraan para sirain ka.

Hays. 'Yan yung mahirap sa panahon ngayon e, nagtitiwala ka ng sobra kahit hindi pa masyadong magkakilala.

Don't trust people easily.

Nagkunwari akong naubo para makuha yung atensyon nila, tumawa si Mom dahil dun.

"Kanina ka pa ba diyan anak? Teka, magluluto muna ako ng pagkain maaga pa naman kaya maupo ka muna diyan," Nakangiti na sabi ni Mom. Tumango ako sa kanya at nginitian siya pabalik.

Naglakad na patungo sa kusina si Mom habang ako naman ay naupo sa harapan ni Dad.

Tahimik lang kami ni Dad pero nagsalita na ako para mabasag ang katahimikan. "Kamusta na 'yung company, Dad?" Tanong ko sa kanya, uminom muna siya ng kape bago sumagot sa akin.

"Ayun, we're still finding the culprit sa gumawa nun," Tumango-tango ako sa sinabi ni Dad.

"Son." Tawag niya sakin, tumingin ako sakanya at nakita ko yung seryoso niyang mukha. Hindi ako nagsalita kasi hinihintay ko yung kasunod na sasabihin niya.

"Son, promise me you will graduate with high honors or better be the valedictorian," Nagtitigan kami ni Dad at alam kong hindi siya nakikipagbiruan sa akin kaya napalunok ako at tumango sa kanya habang ngumiti ng pilit.

"I promise, Dad." He smiled pagkatapos ko sabihin ang sagot ko.

"Good, ikaw kasi yung magmamana sa company natin mabuti na yung malinaw tayong dalawa." Sasagot pa sana ulit ako ng lumabas si Mom sa kasina habang bitbit ang pagkain namin.

"Kain na tayo!" Masigla niyang sabi kaya kumain na kami. Pagkatapos kumain ay nag-toothbrush muna ako bago nagpaalam sa kanila.

"Bye Mom, bye Dad!" Masigla kong sabi sakanila.

"Bye Son!" Sabi ni Dad habang si Mom naman lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi ko. "Take care, sweetie." Sabi ni mom sa akin habang ngumiti na parang anghel.

"Always, Mom." At hinalikan ko ang noo niya pagkatapos nun ay umalis na ako at sumakay na sa bike ko.

Malapit lang naman kasi yung school dito kaya bike yung pinabili ko, nagsimula na akong magpadyak at tinahak ang daan patungo sa school.

Nang makita ko sya.

Silent GoodbyeWhere stories live. Discover now