Chapter 17

7.4K 132 7
                                    

--Drake--

Masyado nang maraming nangyari.

"Sir Drake ok na po yung meeting nyo with madam Dianne." ani ng sekretarya ko.

"In what time?" sagot ko nang hindi ito tinatapunan ng tingin.

"this 2pm po. In Velasco's Mansion" sagot nito.

"ok." sagot ko.

Lumabas na ito ng opisina.
.
.
.
Nang matapos ko na lahat ng gawain ko, kinuha ko ang coat ko at lumabas.

Dumaretso ako sa ferrero ko.

Pinaandar ko ito ng mabilis upang mas maging maaga ako dun.

--Ansherina--

Andito ako sa kusina at balak kong gumawa ng bagong recipe para sa isang korean dish ko.

"Chef Crysha, eto na po yung abalony na pinapabili nyo." bungad sakin nung kitchen staff ko na si Ivy.

"salamat Ivy. Makiki lagay nalang sa ref,mamaya ko nalang kukunin." sagot ko.

"oo nga po pala. Chef Crysha may nag hahanap po sa inyo na magandang babae. Muka pong kababata nyo. Ang sabi raw po ay galing ibang bansa."

Napaisip naman ako sa sinabi nya.

Galing ibang bansa?Babae?

Kaagad akong napatakbo palabas ng kusina.

Miss na miss ko na itong babaeng ito.

Highschool pa kami nila Zy nung umalis sya papuntang ibang bansa. Not exactly kung saan kase hindi nya naman sinabi.

That time si Kuya Tim,at si Duke ay 4th year highschool. Kaming tatlo nila Zy, ay 3rd Year,nung umalis sya.

May gusto sya kay Zy nun. Pano kaya pag nalaman nyang kami na ni Zy?

--Drake--

Andito na ako sa bahay ng mga Velasco.

Nag doorbell ako sa gate at hindi nagtagal ay bumukas rin ito.

Nakamamangha ang ganda ng bahay na ito. Ngayon lang rin ulit ako nakapunta dito. Mula nung nalaman ko ang lahat ng kasinungalingang ginawa ni Donna sa aming lahat hindi na ako pumunta dito.

Lima kaming magkakaybigan noon.

Si Kuya Tim,si Duke,Ako,si Ina, at si Donna.Hindi alam ni Ina na si Donna ang step sister nya. Hindi alam ni Ina na anak si Donna ng madrasta nya. At nung nalaman ko iyon, kinamuhian ko si Donna at umalis ito ng bansa. Nalaman ko rin noon na kaya kami kinaybigan ni Donna ay upang mapalapit sya sakin.

Donna was so obssesed to me.

And I know she'll do everything just to get me. Nung nakagraduate kami ng college ay umuwi ito ng pilipinas. Hindi alam ni Ina at  Duke na nasa pilipinas na si Donna. Tanging kami lang ni Kuya Tim ang nakaka alam non dahil nasa maynila kami.

Hindi namin sinabi dahil ayaw naming masira ang plano. Dahil nung mga panahong iyon ay kinaylangan naming tulungan si Ina.

Kasinungalingan na pumunta kami dito just for our grandparents. After namin maka graduate nung college ay may misyon samin si Dad. Samin ni kuya Tim. Yun ay ang ibalik kay Ina ang lahat ng mga ari-arian ng ama niya which is malapit na kaybigan ni Dad. At dahil may gusto na ako kay Ina non ay hindi ko tinanggihan iyon.

"Sir Drake andon po si Madam Dianne sa Table." sabi nung mayordoma ng bahay na ito.

Tumango ako at tinungo ang dining area. Andon nga ito.

***********Where stories live. Discover now