Chapter 13.2

58 3 0
                                    

Yumi's P.O.V

Nandito pa rin ako sa park. Medyo naka-layo na ako kina Kurt. Naka-upo lang ako sa swing.

Pinag-mamasdan ko lang yung mga bata maglaro.

Buti pa sila, ang saya saya nila.

Hindi manlang sila namo-moblema.

Wala silang iniintinding love life.

Kasi, ang iniintindi lang nila ay ang paglalaro.

Nagulat ako ng biglang may tumakip sa mga mata ko. Hinawakan ko yung kamay at tinanggal ko. Tapos, lumingon ako sa likod.

"oh, anong ginagawa mo dito?" sabi ko kay Kurt. "tapos na ba kayo mag-usap ni Aria?"

"Yumi, ano bang nangyayari sayo? nagseselos ka ba?" umupo sya sa isang swing kaya magkatabi na kami.

"ako? etong mukhang to?" turo ko sa sarili ko "magseselos? hindi noh! asa ka naman!"

"eh bakit bigla kang umalis?"

"wala." SYEMPRE NAGSESELOS AKO! ANG MANHID MO NAMAN! HINDI PA BA OBVIOUS!?

"Yumi naman eh, nagseselos ka noh?"

"hindi nga!" tapos bigla syang ngumiti. "oh, bat ganyan ka maka-ngiti?"

"kasi, nagse-selos ka."


"hindi kaya. feeler mo!"

"oo kaya. aminin mo na kasi!"

"hindi nga!" tapos... "WAAAAAAAAA!!!! TAMA NA!! HAHAHAHA!!!! PLEASE TAMA NAAAA!!!! HAHAHA!" pano ba naman kasi? kinikiliti nya ako!

"ayoko nga. aminin mo muna na nag-seselos ka."

"HINDI NGA AKO WAHAHHAHAHAHA NAGSESELOS HAHAHAHA!!!!"

"hindi ako naniniwala."

"OO NA OO NA!! HAHAHAHA!!!!! NAGSESELOS NA AKO! HAHAHAHA\!!!" WAAAAAA! nasabi ko yun!?

"sabi na nga ba eh!" tumigil na sya sa pagkiliti sakin.

"psh."

"bakit ka naman nagseselos? may gusto ka na sakin noh? ayieeeeeeee!"

"che! hindi noh!"

"nagde-deny ka pa. gusto mo na ako eh. ayieeeeeeee!!!!!!!"

"HINDI NGA!!!! ANG KULIT MO!"

Bat sya tumahimik? May sinabi ba akong masama? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh, hindi ko naman talaga sya gusto eh. Nagseselos lang naman ako.

"oh, bat ka nanahimik?"

"hindi mo ako gusto?" naging seryoso yung mukha nya.

"hindi nga sabi eh!"

"ah."

"bakit, may problema ba?"

"meron."

"ano naman yun?"

"hindi mo ako gusto eh. pano ba yan? I'm starting to like you Yumi..."

Teka, hindi pa nag sy-sync in yung sinabi nya.

Processing...

Loading...

Loading...

ANO DAW? I'M STARTING TO LIKE YOU DAW?!?

Love ContractWhere stories live. Discover now