[01]

4.1K 71 9
                                    


After days of stalking Deanna,nagkaron na ko ng lakas ng loob kausapin siya. Pero parang mali ata,kasi imbis na mapalapit kami ay nabwiset ko pa siya.

Speaking of bwiset,eto na naman siya.

"Love!" She called out,agad ko namang tinakpan ang mukha ko para di niya ako makita. Tumakbo siya papalapit sakin at binaba ang libro na pinagtakip ko.

"Fhen! Sinabi ko namang sayo na wag mo kong tatawaging love diba? Matagal na tayong tapos." Sabi ko at inirapan siya.

"Eto oh. For you." May kinuha siya at inabutan sakin ang flowers. Sunflowers to be exact. Wala akong choice at naglakad nalang ulet kase malelate na ko sa next class ko. Malawak pa naman tong Ateneo.

Pagpasok ko ng room ay sumalubong sakin ang pamilyar na ngiti ng nagiisang Jhoana Maraguinot.

"Hoy panget! Anong oras na oh," tinuro niya pa ang relo niya para ipakita sakin kung anong oras na.

Nasanay kasi kami pareho na sa aming dalawa,ako ang laging nauuna. Pero mukhang bumaliktad ang mundo.

"Dami kong chicka sayo girl! Lam mo ba si papi bea----" di na niya natuloy yung sasabihin niya ng pumasok na ang prof namin.

Dalawang oras ding nagtatatalak yung prof namin about calculus pero nganga,wala akong maintindihan.

Tumunog ang bell sinyales na natapos na ang mala demonyong subject na to. Nagliligpit ako ng gamit ko ng magsalita si Jho.

"Hoy bakla! May chicka pa ko sayo,sama ka sakin ah? Canteen tayo" sabi niya at wala na kong choice dahil hinila na niya ko.

Umupo na kami sa vacant seat at nagpresenta siya na bumili ng food namin. Since rich kid naman to ay libre niya daw. Haha!

Bumalik siya sa table namin at nilapag ang pagkain namin. Nagulat naman ako sa dami ng pagkain na nilapag niya.

"Bakla,may kasabay ba tayo?" Tanong ko. Tumawa naman siya at tumingin sakin.

"Oo teh,susunduin ko na nga eh. Sige na,babye!" Sabi niya at naglakad palabas ng canteen.

"Baliw." Napatawa nalang din ako sa kaibigan ko. Jusko nagsayang pa ng pera eh aalis din pala.

Kinuha ko na yung fries dahil alam ko namang para sa akin yon. Paano ko nalaman? Secret. Hahaha!

Habang kumakain ay tanaw ko si Jho na pabalik dito sa table. At lalo akong nagulat ng nakita ko kung sino yung sinasabi niyang 'kasabay' namin.

"Deanna?!"

Shit. Shit. Shit.

Nine Thirty | JeDeanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon