Ang Mga Mata Ay Ang Mga Bintana

27 2 0
                                    

*FILIPINO VERSION*

Inabot ng aking kamay ang itim na kurtina at tinulak ko ito sa kanan nang paunti unti, upang matanaw ng aking mga mata ang labas ng aming bahay. Ang pamilyar na bintana ang nakita ko, iilang metro lamang ang layo sa aking paningin. Nakita ko ulit ang aming bagong kapit-bahay, ang isang batang lalaki.

Nakaupo siya sa gilid ng bintana niya habang may hawak na lumang gitara. Pinagmasdan ko siya at ang kanyang instrumento.

Makalaglag panga talaga ang galing niya sa pag-gigitara. Ang tunog na ginagawa niya ay malamig sa tenga. Sobrang kalmado at masarap pakinggan. Naalala ko tuloy ang aking kabataan, noong alam ko pa yung ibig sabihin ng pagiging malaya.

Ang paraan ng pagtugtog nito ay nagbibigay sakin ng pakiramdam ng saya at kalayaan. Parang, sa pagkikinig lamang, nadala ako sa — teka.

Huminto.

Dahan dahan nang pumipikit ang aking mga mata. Pero, agad din akong napamulat nang maramdaman kong nakatitig sa akin ang binata. May suot siyang masiglang ngiti at ang kanyang kayumangging buhok ay kumikinang sa araw.

"Hi," isang salita ang lumabas sa bibig ng binata.

Sa isang iglap, sinarado ko ang bintana at kurtina. Kumakalabog ang dibdib ko sa sobrang gulat. Kakaiba ang pakiramdam na ito. Naninibago ako. Ano 'to?

Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Hindi ko naintindihan kung bakit ko ginawa yun. Kung bakit nagtago ako.

Biglang may magaspang na boses na tumawag sa akin. Hindi naman talaga pangalan ko, pero alam ko, na yung salita na yun ay tumutukoy sakin.

"P-papunta na po!" Nauutal kong sabi at tumakbo ako palabas ng aking kwarto. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa hapag kainan, kung saan nanggagaling ang boses na narinig ko.

~~
Sa kabilang banda, nakaupo parin ang lalaki sa kanyang pwesto habang nakatitig sa nakasarang bintana na nasa tapat niya. Bumalik ang katahimikan nang tinigil niya ang pag-gigitara.

Napabuntong hininga siya. Binalik niya ang mga daliri niya sa halos kinakalawang na kuwerdas ng kanyang gitara. Nagsimula uli siyang tumugtog ng kanyang paboritong kanta habang iniisip niya ang magandang babae na nakita niya.

Muli siyang napangiti.

~~
Napatingin ako sa tatay ko. Pero ngayon, parang wala na akong nakikita. Nagsasalita si tatay, pero hanggang ngayon, yung tunog parin ng gitara ay ang naririnig ko.

Nanggaling man sa malayo ang tunog nito, pakiramdam ko ang lapit lang nito dahil malinaw ang pandinig ko dito.

Isang sigaw ang narinig ko na nagpabalik sakin sa katinuan kaya nawala ang tunog ng gitara sa utak ko. Narinig ko ang tatay ko na paulit ulit na isinisigaw ang iba't ibang pangalan na inimbento niya dahil ayaw niyang banggitin ang pangalan na ibinigay sakin ng nanay ko.

"Hindi ka ba nakikinig?" Galit na tanong ni tatay.

"H-hindi," nautal nanaman ako, ginalaw galaw ko ang kamay ko sa ilalim ng mesa sa sobrang kaba. Napatingin ako sa plato kong may inihaw na karne na may kasamang patani. Hindi pa ito nagagalaw.

Nagagalit na talaga si tatay. Naiirita na siya sakin pero wala akong magawa. Sa sulok ng aking paningin, nakita ko ang aking nanay. Batang-bata pa siya pero dahil sa lungkot at sakit na niraransan niya, nagmukha siyang mas matanda.

Hindi ko alam kung pano ito nangyari. Hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano nasira ang halos perpektong pamilya namin.

Siguro dahil sa pagkalugi ni tatay, na nasundan ng napakaraming away tuwing gabi. O siguro, dahil sa sakit si nanay, at sa mga gastusin na pataas nang pataas bawat segundo.

Nahihirapan akong mabuhay nang ganito. Buti nalang at may oras akong magdasal sa gabi na sana ay hindi na lumala ang problemang ito.

Pero ang masakit doon, alam ko na hindi mababago ng salita ang kapalaran ng realidad.

"Ang sabi ko, bukas ay aalis na tayo sa bahay na ito. Masyadong mahal ang bahay kaya kailangan na nating umalis dito. Titira tayo sa ibang bayan na tinatawag na E-Em--basta ganun, hindi ko alam yung tawag dun. Wala akong pake. May kakilala akong kamag-anak na naninirahan doon, siya na daw bahala. Bibigyan tayo ng maliit na apartment kung saan tayo titira.

Kaya ngayong gabi, ayusin mo na yung mga damit mo. Iwan mo na yung ibang gamit mo. Hindi natin kailangan yung mga walang kwenta mong music sheets na nakadikit sa pader. Itapon mo na yun. Naiintindihan mo ba ako? At wag mo nang subukan pang dalhin yung pyano mong walang silbi. Meron nang bibili niyan at kukunin niya na bukas, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

"Iiwan lahat?" mas mahina pa kaysa sa bulong ang boses ko.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?" Mas lalo siyang nagalit. "Sinasabi ko sayo—"

"N-narinig ko po. P-pero kasi..." Napatigil ako.

Hindi ako nalulungkot dahil kailangan kong umalis sa paaralan kung saan ako nagaaral ngayon. Hindi din dahil iiwanan ko yung mga kaibigan kong pinahirapan kong pakisamahan.

Pero yung papabayaan ko yung pinakamahalagang bagay sa buhay ko, yun ang hindi ko kaya.

Ang pyano ko ay ang tahanan ko. Ang nagiisang bagay kung saan binuhos ko ang buong buhay ko. Ang musika ay ang nagiisang bagay na tumutulong sa akin. Ang natitirang pag-asa kong bumuhay ay sumasabit na lang sa isang tali na, habang lumilipas ang araw, ay nagiging mahina.

Alam kong balang araw ay masisira din ang tali na iyon. Hindi ko lang inakala na ngayon pala agad mapuputol ito.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" Ulit ni tatay, sa galit na tono.

"M-malinaw po," maikling sagot ko.

~~
Nakatingin ako sa mga itim at puting piyesa ng aking pyano. Nilalapitin ng aking kamay ang mga ito, pero narinig ko ang boses ng aking tatay at ito'y huminto.

"Iwanan mo na yan! Hay nako. Ayusin mo nga sarili mo. Ang arte mo! Parang naman buong buhay mo yung pyano na yan! Mga batang babae ngayon. Ganito nalang palagi. Ang dami nilang drama."

Napabuntong hininga ako ng malalim. Nagpasalamat nalang ako ng tahimik na hindi iyon napansin ng aking tatay. Naramdaman ko ang kataliman ng kanyang mga salita sa aking nasasaktan na puso. Ang sakit pero hindi ko kayang ipakita ito. Hindi ko kayang ipakita ang aking galit at lungkot.

Kaya, dahan dahan na lang akong lumayo sa aking pyano.

Ilang minuto lang ang lumipas, at kaming tatlo, ako, si nanay, at tatay, ay nakatayo na sa labas ng aming bahay. Si nanay at tatay ay nagaabala sa paglagay ng gamit sa kotse kaya ginamit ko nalang ang naiiwang oras upang bigyan lahat na iiwanan natin isa pang huling tingin.

Mamayang konti, nararamdaman ko na ang simula ng luha sa aking mga mata. Lumingon ako at pinilit kong tanggalin ang aking paningin sa aming bahay.

Tumingin nalang ako sa bahay ng bagong-bago naming kapit-bahay. Pinagmasdan ko na rin ito.

Ang mga mata ko'y lumaki nang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki. Himalang nagkasalubong ang aming mga mata. Ngumiti siya pero hindi ko ito ibinalik.

"Tara na," sabi ng tatay ko.

Pagkatapos ng isang huling buntong hininga, umikot ako at naglakad patungo sa kotse. Hindi ko na binigyan ang lalaki ng isang tingin. Natatakot ako na hindi ko siya makakalimutam, kasama ng kanyang magandang tugtog ng gitara.

Alam ko na mahal niya ang musika. Naiintindihan ko siya. Ayaw ko lang maalala siya dahil baka hindi ko makakayang itapon ang mahal ko din para sa musika.

Sumakay ako ng kotse at kaagad ito'y tumunog at nabuhay. Ang mga mata ko ay naglibot sa labas ng maliit na bintana ng kotse namin. Sinabi ko ang aking paalam sa lahat na iiwanan ko. Sa lahat maliban sa binatang lalaki.

~~
Nakatingin lang siya sa behikulo habang palayo ito nang palayo, kitang kita ang lungkot sa mga mata niya. Di man lang niya nakilala ang dalaga.

Pero okay lang yun.

"Sa susunod nalang siguro ako magpapakilala sa kanya, kung kaya ko," bulong niya sa sarili niya.

Gagawin niya yun bukas. Sigurado, babalik siya.

A Soul's WindowsWhere stories live. Discover now