WE MEET AGAIN

3.3K 49 1
                                    

CHAPTER THIRTY THREE


Bakit sa dinami dami ng school bakit dun pa sa pinasukan nila. Hindi pa ako handa para makita sya lalo na sila Dylan at Makayla. O sadyang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana.


Nung nakita ko si dylan sa room na pinapasukan ko kanina nag t-throwback saakin ang nangyari saamin noong highschool pa kami.



Sa katunayan nyan napapansin kong patingin tingin saakin si dylan hindi tuloy ako makapag focus sa sinasabi ni miss trixy pasok dito labas don. Naiilang ako sa ginagawang pag titig ni dylan dahilan para mapalunok nalang ako sa sarili kong laway.




Mabilis natapos ang klase na kinatuwa ko lunch time na noong oras na iyon inayos ko kaagad ang mga gamit ko at mabilis na umalis sa classroom habang paalis ako hindi ko na napansin na may naka bangga na pala ako.



"Ahh !! sorry miss hindi ko sinasadya okay ka ...." hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil si makayla pala ang nabungo ko.



Nagkatinginan pa kami saglit pero iniwas ko din iyon at pinulot ko nalang ang nalaglag kong libro.


"O-okay ka lang ba keira" mahinang sabi nito. Hindi ko na sya pinansin at pinulot nalang ang mga gamit kong nalaglag at tsaka umalis sa harap nya. Narinig ko pang tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin pa.



Lumabas ako ng campus at pumunta sa parking lot para kumain nalang sa jollibee malapit sa school baka kasi pag pumunta ako sa canteen makita ko sila at ayokong mangyari yon. Pero hindi ibig sabihin non ay habang buhay ko na silang iiwasan lalo nat pare pareho pala kami ng pinapasukang school.



Matapos kong kumain napag desisyonan kong hindi na muna pumasok dahil medyo sumama ang pakiramdam ko ng araw na iyon.


Pagkauwi ko sa bahay ay humiga lang ako sa kwarto ko at napabuntong hininga nalang ng malakas habang nakatingin sa kisame.


"Bakit don pa. Bakit don pa tayo kailangang magkita kita. Ang liit talaga ng mundo"sabi ko nalang habang nakangisi ng nakakaloko.



Dahil medyo naboring ako sa bahay i decided na ihatid nalang yung apo ni manang dahil dun din naman ang daan ko para mag pahangin muna.


"Trixia Niel tara na baka malate pa kayo ng pagpasok nyo medyo traffic pa naman" sabi ko sa kanila habang pababa ng hagdan.


"Wow talaga po salamat ate tara na niel sabay na tayo kay ate" sabi nito sa kapatid nya.


"Manang alis na po kami" pagpapaalam ko kay manang "Ingat kayo salamat keira sa paghahatid sa apo ko" sabi nya.


"Wala po yon una na po kami" sabi ko sabay labas para kuhanin yung kotse ko sumakay na yung dalawa na nakangiti kaya parang nawala yung problema ko dahil sa kainosentihan nila.



/Makalipas ang ilang minuto/



"Andito na tayo. Magaral kayong mabuti ah" naisabi ko nalang nung itinigil ko sa tapat ng school yung kotse ko.


"Ahm... Ate pwede po ba kayong pumunta sa room ni niel kasi po pinapatawag po yung magulang namin eh hindi po namin sinabi kay lola dahil baka po magalit yon saamin." nahihiyang sabi nya.



"Ahh ehh ganon ba oh sige intayin nyo ko dito ipapark ko lang to saglit" sabi ko.


Pag kapark na Pag ka park ko pinuntahan ko kaagad yung dalawa na nagiintay. Napangiti naman ako ng makilala ako ng guard dahil nga dun rin ako pumasok noon.


Inihatid muna namin si Trixia sa room nya tsaka kami pumunta sa room ni Neil na parang kinakabahan pa "Kinakabahan ka no" pangaasar ko sa kanya.


"Opo Ate K" nahihiyang sabi nya "tss ikaw kasi kebata bata mo pa nakikipagaway ka kaagad" hindi naman na ito sumagot at dumiretso nalang sa room nya napansin kong nagulat pa yung iba nyang classmate pero hindi na namin iyon pinansin at kinausap ko nalang yung teacher.



"Hi miss long time no see po" sabi ko sa dati kong naging teacher "Oh keira napadaan ka may problema ba" sabi nito napatingin naman ako kay niel na parang alam ang sasabihin ko.


"Ah so ikaw ang pinapunta nya" sabi nito "Ganon na nga po" sagot ko.


"Keira punta nalang kayong guidance office at nandun yung nakaaway nya susunod nalang ako kasama yung pinag aawayan nila" sabi nito na parang alam ko ang ibig sabihin at dumiretso na sa guidance office.



Pagkakatok ko sa pinto nakita ko yung batang lalaki na nakaaway yata ni Niel at nagulat ako ng makita ko si Drake na kinakausap na yung isa pang teacher lumapit ako sa pwesto nila at tsaka ko pinaupo si niel dun sa tabi ng bata.




"Uy anong ginagawa mo dito" bulong ko kay drake na katabi ko na "Keira ikaw pala ito kasing pamangkin ko napaaway daw" sabi nya.




"Ah ganon ba"sabi ko nalang habang nakangiti ng nakakaloko dahil hindi nya ata alam na si Niel ang nakaaway nito.



Pumasok na rin si Miss kasama yung babaeng pinag awayan nung dalawa na nakatungo pa dahil siguro sa hiya.



"Iha sabihin mo saakin ang nangyari bakit nagaway yung dalawa sa harap ng classroom nyo kahapon" sabi ni miss python.


"K-kasi po inaasar po ako ni Jaren ng matabi at pangit sa harap ng classmate namin dahilan para pagtawanan nila ako" nakatungong sabi nito.



"Eh totoo namang mataba ka ah" sabi nung bata napansin kong tinignan ni drake yung pamangkin nya ng masama kaya natahimik ulit ito.



"So ano namang ginawa nyong dalawa at kayo ang napaaway" sabi ni miss peyton na nakatingin kila Niel.



"Sinabihan po ni Niel si Jaren ng bakla kasi inaaway nya daw po babae at hindi lalaki kaya tinulak po ni Jaren si Niel dahilan para mapaupo po ito sa sahig" sabi nung babae.



"Totoo ba yon jaren" medyo inis na sabi ni miss peyton nagulat naman si Jaren kaya napasagot agad ito ng "O-opo".


"So wala talagang kasalanan si niel at tinulungan ka lang nya ganon ba Alexa" sabi nito sa batang babae "Ganun nga po miss" sagot nito.


Medyo mahaba din ang sinabi ni miss pyton sa kanila nagsorry si jaren sa dalawa at hindi nya daw uulitin 30 minutes din ang itinagal naming sa guidance office nung okay na at inihatid lang namin yung mga bata ay sabay kami ni drake na lumabas ng school kung saan nagusap muna kami sa cafe nila makayla. Hindi naman ako makatanggi dahil sya daw ang manglilibre saakin.




/Sorry sa story TT. Boring na nga lalo pang naging boring kasi naman eh. Hahaha Tara iiyak natin to.🤣🤣🤣/


/"Tara iyak" pero ang emoji naka tawa wala share ko lang/

HE'S INTO HERWhere stories live. Discover now