Sense of Humor

2.1K 36 9
                                    

Palabiro. Isa ka din bang taong palabiro? Isa ka ba sa mga nabiyayaan ng sense of humor, o isa ka sa pilit na nagpapatawa kahit wala namang natutuwa? Madami akong kaibigan na nagsasabing isa ako sa mga taong mayroong sense of humor. Pero hindi pa ako sigurado doon. Kaibigan ko kasi sila kaya nila nasasabi ‘yun.

Mahilig akong magkwento. At sa bawat kwento ko, hindi ko maiiwasan ang lagyan o haluan ng konting kwela. Nagsawa na kasi ako sa mga maseryosong usapan. Masarap ang tumawa. ‘Yung tama lang, iba na kapag napasobra. Hindi lang masaya ang tumawa, mas masaya kapag alam mong napapatawa mo ‘yung ibang tao. Pero ang pinakamasaya, kapag natutuwa sila sa paraan ng pagpapatawa mo. Iba ang nakakatawa sa nakakatuwa. Pwede kang matawa kahit hindi ka natutuwa sa ginagawa ng iba pero kapag natuwa ka sa kanya, mas natural ang pagtawa mo.

Maraming biro ang hindi nakakatuwa at nakakatawa. Merong korni, papansin, at kadalasan below-the-belt na. Ang pagpapatawa ay hindi lang basta pagbibitaw ng punch line nang hindi pinag-iisipan. At hindi lahat ng pagpapatawa, walang pinanggagalingan o pinaghuhugutan ng isang seryosong bagay.

Ang komedya ay hango sa totoong buhay o pangyayari. Isang totoo at seryosong pangyayari na nilalagyan mo lang ng kiliti sa dulo. Tulad ko, makatotohanan ang mga kinukwento ko pero kadalasan, hindi na mukhang totoo dahil sa paraan ng pagkakakwento. Nilalagyan ko ng nakakatawang pangungusap pero sa huli, nararamdaman pa rin nila ang pagkaseryoso ko.

Ang common sense at ang sense of humor ay pareho lamang. Pero magkaiba ng bilis bago maunawaano maintindihan.Ang sense of humor ay mismong common sensecommon sense na nilagyan ng malikot na pamamaraan. Pero ang common sense, mas madali mong maunawaan, iyon ay kung may common sense ka talaga. Samantalang pagdating sa pagpapatawa, kinakailangan mo pa minsan ang mag-isip ng ilang segundo para maunawaan mo ng husto kung ano ang ibig iparating nun.

Walang ibang dahilan ang pagpapatawa. Dahil ito mismo, ay ang katotohanan. Isang birong katotohanan. Magulo pero ‘yun ang totoo. Hindi ka makakapag-isip ng isang biro kung hindi ito nanggaling sa isang totoong pangyayari o kaganapan.

Ano ang pinakamababang uri ng humor? Katalinuhan. Walang tao ang may sense of humor, pero ang sense of humor, merong tao. Kung hindi mo maintidihan ang sinasabi ko, tumawa ka na lang. Paano ba tumawa ang taong nakikitawa lang sa isang biro na hindi niya naintindihan? Kapag tumatawa ng nakataas ang eyeballs o kaya nakatigil lang sa isang dako ang mata na halatang may iniisip at medyo mabagal ang pagkakabigkas niya ng “Ha…Ha…Ha…Ha…”

Pero sa lahat ng sinabi ko sa itaas, ito ang pinakatotoo. Ang biro ay napakaseryosong bagay pero ang pagtawa ang pinakamatinding depensa mula sa pinakamaliit na problema.

Sense of HumorWhere stories live. Discover now