Chapter 1: Kahihiyan 101

1.1K 44 6
                                    

Margaret Villanueva

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Margaret Villanueva




****

CHAPTER 1

Margaret's Point of View



"Ms. Villanueva! Are you listening?!"

Mabilis kong inilihis ang tingin ko kay Graysen ng sumigaw si ma'am. Hindi ko alam kung bakit kanina ko pa tinitignan si Graysen ang seatmate ko, ni hindi ko na naisip na Terror ang teacher namin ngayon.

"What was I talking about?!"

Lahat ng mata saakin na nakatingin, hala! Hindi ko alam. Hindi ako makasagot kaya napapikit ako.

"Nakakaadik talaga kasing tignan si Graysen De Asis e!"

"Hindi ko masisisi si Marga kung ako ang Teacher!"

Marami namang babae ang sumang-ayon at kinikilig na tinignan si Graysen lalo na ang mga babae. Well they're right ka'ya nga napagalitan ako ng dahil sa kanya. There's something on him that once I take a look at him I can't take my eyes off him.

Sa lahat ng naging seatmate ko sya na yata ang pinakagwapo at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Pero sya rin ang lalaking may ugaling ayaw na ayaw ko.

Gwapo, mayaman sya pero. Babaero. Womanizer. Mahangin at Illegal drag racer. Lahat na yata ng pangit na katangian nasa kanya. hindi ko alam kung bakit gusto ko sya sa kabila ng pangit na ugali nya.

Paano ko nalaman? well he's my Brother's friend, madalas sya sa bahay namin, pero wala kaming pakealamanan kung magkasalubong man kami. Close kami ng kuya ko kaya kinukwento nya saakin ang tungkol sa kanya, minsan naman tinatanong ko sya tungkol kay Graysen kahit pa hindi ko naman gusto ang lalaking 'yon nuon pa man. Inaasar na nga ako ni Kuya dahil sa pagtatanong ko. Pero wala akong pakealam kasi aminado naman ako, actually kaka-break lang nila ng Bagong Girlfriend nya.

Stop ng two years si Graysen kaya dapat ay second year college na sya kagaya kay Kuya, pero hindi ko alam dahil hindi naman saakin sinasabi na kuya ang dahilan kahit alam nya.

"Shut up class! Shut up!"nagsitahimik ang lahat ng sumigaw si Mrs. Castro. The most terror teacher of this school. Adamson University.

"Uy Marga! Thomas Edison's Quotes, Genius 1%-" Mahinang bulong ni Paisley my Bestfriend, my life saver. Pag nahihirapan ako sa recitation lagi nyang sinasabi saakin pag hindi ko alam ang sagot. Pero sa tingin ko ngayon hindi nya ako matutulungan dahil pinandilatan lang naman syang tinignan ni Mrs. Castro.

"Ms. Villanueva?"As usual nakataas ang kilay ni Mrs. Castro.

"Ge-Genius 1% inspiration and 99% fabrication?"Hindi ako sigurado sa sagot ko, kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Mali ka marga!"See?! Sabi na mali talaga. I'm screwed!

"Wrong! genius 1% inspiration and 99% perspiration. Go to Detention room after class!"







Seatmate Where stories live. Discover now