EPILOGUE

78.8K 1.6K 93
                                    

EPILOGUE

ATHENA'S POV

"Slow down, Ains!"

Sinubukan kong habulin si Ainsley pero hindi ko na siya magawang maabutan dahil una, mabigat ang sampung buwan na si Riri na ngayon ay karga-karga ko. Pangalawa, hindi ako masyadong makagalaw dahil sa bilog na bilog kong tiyan na tatalunin ang watermelon ni Ate Sky noong panahong pinagbubuntis pa lang niya si Russia

"I got her." natatawang sabi ng asawa ko na nilagpasan ako at nagmamadaling sinundan si Ainsley na malamang sa hindi ay binubulabog na ang mga hayop na nananahimik dito sa zoo.

Hindi na ako magtataka kung matagpuan na lang namin siyang nakasakay sa ibabaw ng giraffe sa sobrang excitement niya. Matagal na kasi niyang hinihiling 'to kay Fiere iyon nga lang medyo naging busy kami nitong mga nakaraan dahil sa pagbubuntis ko at pagtulong kaila Snow.

Nahirapan kasi si Snow sa pahuling buwan ng pregnancy niya lalo na nang mailabas si Daiquiri ay hindi pa maaaring i-release si Snow mula sa ospital. Kaya salit-salitan ang pamilya niya pati na kami ni Fiere sa pagtulong sa pag-aalaga kay Riri. Practice na rin para pag ako naman na ang nagbuntis ulit. Turns out we really needed the practice.

Bahagyang hinihingal na huminto ako sa paglalakad at nagbaba ako ng tingin sa batang hawak ko na bumubingisngis na inaabot ang mukha ko, "Ay nako, Riri, ang bigat-bigat mo na. Mabuti na lang cute ka kundi kinagat ko na ang Mama mo na minamanyak pa ata ang Papa Nix Nix mo."

She giggled and squirmed as if she understood what I just said. Lumingon-lingon ako sa paligid pero mukhang wala pa nga sila Snow. Nauna na kasi kami sa kanila dahil sila ang nag parking ng sasakyan.

"Let me carry her."

Nilingon ko ang nagsalita. I breathe in relief when I saw Aiden approaching me. Pumalakpak siya sa tapat ni Riri na kaagad namang sumama sa kaniya. Hindi kasi masyadong nangingilala si Riri at talagang bungisngis siya sa mga tao sa paligid niya. Sa lahat ng mga baby sa BHO CAMP siya na ata ang pinakamahilig sa tao. Gustong-gusto niya kapag naaaliw sa kaniya ang mga nasa paligid niya. Mana-mana lang 'yan.

Parang penguin na naglakad ako papunta sa bench na malapit sa akin at nahahapong umupo ako ro'n. Hindi naman talaga madaling magbuntis kahit hindi ito ang unang beses ko. Besides with Ainsley before it was more difficult. Kaya nga sinigurado naming alaga ako ng mga doktor para wala ng mangyari pang aberya sa pagbubuntis ko. It's a good thing that Fiere's parents are both doctors. We need all the help we can get for this pregnancy. Hindi naman kasi magiging madali lahat kahit sa dami naming preparasyon.

Me getting pregnant weren't really a surprise kasi gusto talaga namin ni Fiere na magkaanak. Iyon nga lang siyempre iba pa rin ang feeling na talagang meron ng baby na parating. I can't help but smile at the memory of Fiere finding out we're pregnant. Kaawa-awa ang naging biktima niya nang ma-infect siya ng zombie virus also known as, the pregnant virus.

Sa kabila nang pagkahapo ay nakangiting hinimas ko ang tiyan ko nang maramdaman kong may sumipa ro'n, "Masyado tayong gala, siguradong mapapagalitan tayo ng lolas and lolos pag nalaman nilang naglalamyerda tayo." Nilagay ko ang isa kong kamay sa gilid ng bibig ko na para bang bubulong. "Don't tell them I called them that."

"O, Athena? Suko na?"

Nginusuan ko si Snow na ngayon ay patalon-talon pa sa tabi ni Phoenix na siyang may karga na ngayon kay Riri. Dati kasi inaasar ko siya noong naka penguin mode pa siya. "Hindi no. Ako pa ba? Matibay ang lahi ko dahil duh? Mga dyosa."

Pagkasabi ko no'n ay tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon na pinuntahan nila Fiere. In a fabulous penguin-style walk. Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may umalalay sakin at nagpapasalamat na tinapik-tapik ko ang braso ni Aiden na siyang katabi ko na ngayon. "Thanks. Puntahan na natin 'yung dalawa at baka nakakalbo na si Fiere sa sobrang stress sa kahyperan ni Ains."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now