Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 1

370K 3.8K 264
                                    

"BASTA! I'm not gonna leave here hangga't hindi mo ako isinasakay!" Nakadipa si Kels sa harapan ng kabayo ni Jacko. Ang makulit na babaeng ito ay ayaw siyang tantanan. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa kanya. Siguro bored sa buhay kaya naghahanap ng excitement at siya ang napiling pag-trip-an.

"C'mon, Jacko, babe. I wanna ride you— I mean your horse," Kels chuckled. Ang pagkakahawak niya sa renda ng kabayo ay humigpit dahil sa sinabi nito. Pilyang babae.

"Bakit ba? Bored ka ba sa buhay mo kaya ako ang ginugulo mo?"

Nagkibit ito habang may matamis na ngiti sa labi.

"Parang ganoon na nga. Wala akong kilala sa lugar na 'to, ikaw lang."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jacko.

"Hindi kita kilala, Miss—"

"Kels nga!" Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay.

"Pero hindi tayo personal na magkakilala. Hindi ka ba natatakot sa 'kin?"

"Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Hindi ka naman siguro monster."

Kilala niya ang babaeng ito, but not personally. She's Raquel Zapanta, she was born into a wealthy family of real-estate mogul and interior designers. She has earned a reputation of someone who was nothing more than a spender of her family's money and a fixture in the party nightclub. Ilang beses na rin niya itong nakitang lumabas sa telebisyon, sa ilang commercial at ilan sa mga kaibigan nito ay sikat na artista.

"Jacko?" kuha nito sa atensiyon ng binata na matamang nakatitig sa dalaga.

"Ms. Zapanta, pwede bang—"

"Pleaseeee!" Mariing pinagtagis ni Jacko ang mga ngipin nang pakitaan siya ng cute face expression ni Kels. Para itong bata at ang hirap tanggihan. Isang sumusukong buntong-hininga ang pinakawalan ni Jacko. Mukhang hindi talaga siya titigilan nito.

"Sige na. Sige na."

"Yay!" Napalundag ang dalaga sa tuwa sa pagpayag niya. Mabilis itong tumakbo sa kanyang tagiliran habang may matamis na ngiti na lalong ikinatingkad ng ganda nito. Inalis ni Jacko ang paa sa stirrup para makasampa si Kels pero sa halip na sumampa ay tumaas lang ang kilay nito at humalukipkip muli.

"Give me a space to sit."

"Sa likod ka."

"What?! Sa likod mo ako pau-upuin?"

"Saan ba dapat?"

Ibinuka nito ang mga braso. "I'm a princess and a princess should sit in a queenly manner." Itinuro nito ang unahan niya.

"Diyan ko gustong umupo." Napamaang si Jacko at napatitig sa kanyang unahan. Muli niyang ibinalik ang tingin sa babae.

"Pero—"

"Ayaw ko sa likod. Natatakot ako, baka mahulog ako." Namamangha man sa gustong mangyari ng babae ay sumunod na lang si Jacko. Bumaba siya mula sa kabayo at tinitigan ang baywang ng dalaga. Hindi niya alam kung aalalayan ito. Baka kapag hinawakan niya ay masampal lang siya. Walang babaeng gustong magpahawak sa kanya o lumapit man lang. Nandidiri ang mga ito sa kanya na para bang siya ay may nakakahawang sakit.

Bahagyang itinaas ni Kels ang dalawang braso.

"Isakay mo na ako." Bahagyang nanlaki ang mata ni Jacko na napatitig sa magandang mukha ng babae. Bahagya lang nitong itinango ang ulo para bigyan siya ng 'go signal'It took him a moment before he finally plucked up his courage to touch her. He struggled to allow himself to help her to get on the horse. He carefully placed his strong hands on her waist. It was small and soft. Para itong babasaging crystal sa paningin niya.

Wonted HeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon