Chapter 2

2.1K 110 58
                                    


*********************

Ryz P.O.V.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na lumusot sa dingding naming kawayan. Tatayo na sana ako nang naramdaman ko ang sakit sa aking likod. Tiniis ko nalang ito at dahan-dahang umupo sa katre ko. Tumingin naman ako sa salamin na nakasabit sa dingding dito sa munti kung kwarto. At bumungad sa akin ang nangingitim kung pisngi at dalawang black eye. Napatingin naman ako sa mga balikat ko. Nangingitim din ito parehas sa mukha ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Ilang beses na itong ginawa sa aking tatay. Palagi nalang nya akong binubogbog tuwing uuwi siyang lasing. Minsan nga ay ikinakahiya nya ako sa ibang tao. At kung kasama naman niya ang mga barkada niyang tambay ay pinagtritripan lang nila ako. Sasabihan ng mga masasamang salita, bubuhatan ng kamay at ang masakit sa lahat ay yung ituring ka nang sarili mong ama na isa kalang laruan at katuwaan. Oo alam ko at alam nyo na hindi ako tanggap nang aking ama, pero kahit ipinagtabuyan nya ako ay mahal ko parin sya at kinikilala ko parin siya bilang ama ko. At kahit araw-araw akong ginawang punching bag ni tatay ay masasabi kong mahal nya ako. Kahit masakit, pero andyan naman si nanay na palaging umaawat kay tatay tuwing sinasaktan ako nito. Sa totoo lang hindi naman ganyan si tatay sa akin nong una. Nagbago lang yun nong inamin ko sa kanya ang tunay kung pagkatao.

*FLASHBACK*

Nag-aabang ako kay tatay dito sa gate na gawa sa kahoy dito sa bahay habang inaabangan ang pag-uwi niya galing sa pamamasada ng tricycle. Gusto ko lang naman ibalita sa kanya na top 1 ako sa klase. Habang nakaupo ako sa paanan ng gate ay narinig ko ang yabag ng tricycle na paparating sa kinaruruonan ko, agad naman akong tumayo. Huminto naman ang sasakyan dito sa harapan ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni tatay. Agad naman akong tumakbo sa kanyang kinaroroonan at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap.

"Magandang gabi po tay, mano po" paggalang ko kay tatay

"Pagpalain ka nang Diyos anak" sabi nito habang nakayakap parin sa akin

"Tay tulungan ko na po kayo, alam kong pagod kayo" sabi ko kay tatay habang kinukuha yung mga binili niyang pagkain para sa hapunan namin

"Oh sige, ang bait talaga nang anak ko, teka nasan pala ang nanay mo?" tanong ni tatay

"Nasa kusina po tay, nagluluto po para sa hapunan natin, syaka tay may sasabihin ako sayo mamaya" sabi ko kay tatay

"Sos ko ang anak ko talaga, oh kumusta naman ang pag-aaral mo?" sabi ni tatay sabay yakap sa akin

"Okay lang naman po tay" sagot ko

"Malapit na pala ang graduation niyo anak ahh" sabi ni tatay

"Oo nga tay ehh" sagot ko habang inilapag sa lamesa yung mga bitbit ko

Dumaretso naman si tatay sa bangkong kawayan namin sa sala, at marahang minamasahe ang kanyang likod. Nagtungo naman ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig syaka nagtungo sa kinaroroonan ni tatay.

"Tay tubig po ohh" sabi ko kay tatay habang inaabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig

"Salamat anak ahh"

Nagtungo naman ako sa likod ni tatay

"Tay asan po ang masakit, mamasahein ko na po" sabi ko kay tatay

"Nako wag na anak, okay lang naman ako" sabi ni tatay

"Tay alam ko pong pagod kayo, pagbigyan nyo na po ako alam ko pong masakit ang likod nyo" sabi ko kay tatay, hinarap naman ako nito at niyakap ng mahigpit

"Ang bait bait talaga ng anak ko, oh sige na nga" tugon nito

Dahan dahan ko namang menamasahe ang likod ni tatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ugly Gay Meets The Bullies (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon