Chapter 17

503 17 2
                                    

Inuwi nila ako dito sa bahay. Nandito pala si kuya at ate Lizzy. Nasa living room silang lahat ngayon at nag-uusap sila, ako naman ay nasa silid ko.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Why can't I join in?

Ano ba kasi ang nangyare sa akin? Ba't napunta ako doon? Sleep walking?

Impossible namang naglakad ako doon, ang layo kaya nun! unless someone drove me there o hindi naman kaya ay lumipad ako.

Hahahaha! That's crazy!

Biglang may kumatok sa pintuan ng silid ko at pumasok si kuya.

"Jacky, you can't stay here anymore."

"What are you talking about kuya? Do you mean kailangan ko nang umuwi sa atin?"

"No."

"Sa kanila ate Lizzy muna ba ako titira?"

"Hindi. Listen to me."sabi nya tapos lumapit sya sa akin. Hinila nya ang isang silya at umupo sa harap ko.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at nanginginig sya. His hands felt so cold and mukhang iiyak na sya.

"Kuya? What's wrong? Are you sick?"

"No, no.. I'm fine.. You need to go back home."

"Pero akala ko ba..."

"I mean your real home Jacky. You're not safe here anymore."

"Ha? Kuya naman. Stop joking around!"

"I'm serious Jacky."

Niyakap nya ako ng mahigpit at umiyak sya.

Tears keeps falling from his eyes, it's painful looking at him like this.

Hindi ko mapigilang pumatak yung mga luha ko.

"Thank you for saving my life. I swore to protect you. I'm doing this to protect you. Good bye Jacky."sabi ni kuya. Hinalikan nya ang noo ko at agad syang umalis ng silid ko.

Napatulala ako, doon lang ako natauhan nang marinig ko ang sasakyan mi kuya na papaalis na.

Tumakbo agad ako palabas ng silid ko, pababa ng hagdan and I was about to reach the door para makalabas ako ng bahay nang hinarangan iyon ni Angelo.

Napaatras ako, nakapalibot silang lahat sa akin. Kahit na sin Dr. Ramon at nurse Luna ay nandito din.

Natatakot na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak.

Napaatras ako at dahan-dahang lumapit sa hagdan, but when i turned around, may liyon doon.

Sa sobrang takot ko, na out of balance ako at natumba ako.

Tinignan ko silang lahat, still crying. "Sino ba talaga kayo?! Ano bang kailangan nyo sa akin?!" sigaw ko.

Nabigla ako nung tumalon si Alex papuntang likuran ko and i felt a prick on my neck.

Bigla na lamang akong nahilo.

"I'm sorry, but we had to do this."rinig kong sabi nya bago nagdilim ang  pangin ko.

↭Angelo↭ 

Dinala namin sya sa mansyon, nasa dating silid nya sya nakahiga ngayon.

Nandito kami ngayon sa meeting room. Nasa gitna naka-upo si dad, nasa right side nya si mommy and I'm sitting on his left side.

"Maaalala nya na ang lahat in few days."tita Alex.

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon