Address

415 15 1
                                    

"Beeeeeeeep!"

"Hoooy miss! Mag papakamatay ka ba?" Sigaw ng isang baklang bakla na si vice ng muntikan na nyang masagasaan ang isang babaeng may dalang bata.

"Tanga ka ba?! Kita mong may dumaan na tao tas mag papaharorot ka!"

"Cheeee!"

"Cheeee karin!" Sigaw pa balik nung babae.

"Oh ian o-okay kalang ba?"

"Okay lang po ako ate."

"Good, lika na. Medjo mahirap kasi tong hanapin yung bahay na bagong titirhan natin eh."

Patingin tingin si jaki sa paligid habang hawak hawak nya yung address ng bagonh lilipatan nila ng biglang..

"Aray.."

"Ay sorry teh.."

"Di, okay lang." Pinulot nalang nung naka banga ni jaki ang dala nyang mga gamit.

"T-teka.. Pamilyar ka miss hehe."

"Ha? Ako?"

"Oo, nag kita naba tayo dati?"

"Ha? Ahh e, di ko alam.."

"Jaki? Jaki gonzaga?"

"B-bakit alam mo pangalan ko?"

"Tama! Ikaw nga!"

"Jakiiiii!" Napayakap naman siya nung makita si jaki.

"Ahh s-sorry di po kita kilala e, sige una na ako."

"Si lacy!"

"Lacy? Sorry pero di talaga e.. Ay tekaaa..."

"Ano? Na alala mo na ba ako?"

"Hindi, y-yung address.."

"Address?"

"Oo, patay kami!"

"Bakit?"

"Dun yung bago naming lilipatan.."

"O-okay lang ba talaga sayo?"

"Oo, ano kaba. Saka ako lang naman mag isa naka tira dito sa bahay."

"Eh, di mo nga ako kilala e. Tas pinatuloy mo pa kami ng kapatid ko."

"Kilala kita, pero sa pangalan at mukha mo nga lang, kasi diba sumasali sali ka dati ng pagent2? Sa mga barangay.."

"Oo, dun mo pala ako nakita hehe. Pero hayaan mo, pag nag ka trabaho na ako lilipat din kami."

"Okay lang sabi e. Saka alam mo ba nung matapos nung gabing yun, hinanap kita."

"Ha? Anong gabi?"

"Wala ka ba talagang na aalala?"

"Ipaalala mo nalang."

"Kasi nag punta kami ng mga kaibigan ko sa bar, tapos nakita kong binabastos ka ng lalaki kaya nilapitan kita, pina upo kita sa table namin.."

"Oh tapos?"

"Ang saya nga natin nung gabing nun kasi, na bet'tan ka ng isa kong kaibigan."

"Ha? Ako? Ano bayang kaibigan mo?"

"Tao malamang! Di, joke lang. Ano siya bakla siya.."

"Hahaha akalain mo nga naman oh, pati ba naman bakla."

"Bakit?"

"Ahh wala, sya nga pala ito pala yung kapatid ko, ian say hi sa tito lacy mo."

"Hello po tito."  Ngiting sabi ni ian.

Short stories (ViceJack)Where stories live. Discover now