Kabanata 9

552 38 9
                                    

Sa isip ni vice..

'Hays, di ko alam bat ako nag kakaganito. Sorry mahal ha? Siguro kasi mag kamukha kayo ni gyl. Pero di ko lang kasi maiwasang ma inis, kasi feeling ko parang pinag tataksilan mo ako. Ewaaan! Dala lang siguro to ng pag ka miss ko sayo. Saka sorry din kung hinahayaan ko nalang yung bata na tawagin siyang mommy, ikaw kasi e iniwan mo kami kaagad. Pero wag kang mag alala mahal, kahit kamukha mo pa siya ikaw lang ang natatanging babae sa buhay ko.'

Kinabukasan..

"Dad! Dad! Daddy!" Sigaw at katok ng anak ni vice.

Agad namang napamulat si vice.

"Oo, anjan na.." Antok na sabi ni vice habang nag lalakad para buksan ang pinto.

"Dad? Bat di kapa ready? Malelate na ako for school."

"Ha? A-anong-- Shit! Sorry ang haba pala ng tulog ko anak. Wait mo nalang si daddy sa baba mag bibihis lang ako.."

Agad na nag bihis si vice, napag isipn nyang tawagan nalang anh secretary nya na di nalang siya papasok pina cancel nalang nya yung mga meetings nya. Pag ka tapos mag bihis agad na siyang bumaba..

"Iho, kain ka na muna."  Sabi ni nanay ising.

"Mamaya nalang po, di naman ako papasok e."

Agad na lumabas si vice, at nadatnan nya ang anak na nasa labas kasama si gyl.
Walang kibong sumakay si gyl sa sasakyan habang si jackie panay salita.. hangnang narating nila ang school ng bata.

"Oh lika na baby." Pag aya ni gyl sa bata para lumabas.

"Babye daddy.." Kiss nung bata sa ama.

"Be good baby." Ngumiti si vice at tumingin kay gyl, na busangot parin ang mukha.

Nung naka labas na sila gyl at si jackie.. walang magawa si vice kundi umalis nalang din.

"Yang ama mo talaga anak napaka.. nako! Nakakainis! Siya pa tong may atraso, di man lang ako sinuyo!!"  Gigil na sabi ni gyl habang naka tingin sa sasakyang lumalayo.

"Ano mommy?"

"Ahh wala anak, sabi ko pakabait ka sa classroom okay?"

"Oo naman mommy."

"Oh lika na, baka ma late ka talaga."


Nung naka uwi na si vicr sa bahay, sampak kaagad siya sa sofa.

"Oh, iho lika na kumain kana."

"Sige po nay.."

Nag punta na si vice sa kusina, habang hinahanda na ni nanay ising yung pakain.

"Ahh nay?"

"Bakit?"

"Ano, ahmm pwede nyo po akong kwentohan tungkol kay gyl. Sa apo nyo."

"Ahh si gyl."

"Opo."

"Nag tataka ka siguro noh kung bakit sila mag ka mukha?"

"Hmm opo e, ang hirap lang po talaga sakin na mag kamukha sila nung asawa ko."

"Alam mo iho, di ko naman talaga na subaybayan ang pag laki ni gyl kasi bata pa lamang siya nung lumuwas na ako ng maynila para mag trabaho, pero alam mo nung batang yan masakitin yan palaging na o'ospital yan."

"May sakit po siya?"

"Oo, sakit sa puso. Halos kilala na nga siya nung mga doctor at nurse nung araw e kasi pa balik2 sa ospital. Eh kaso mahirap lang kami, di namin kinaya yung mga gamot at saka yung mga gastusin ng ospital.. kaya di siya na operahan. Pero nag papasalamat nga ako kasi lumaki siyang masiyahin. At alam mo ba yang si gyl ang ganda ng boses nyan.. nako pag narinig mo yang kumanta baka ma inlove ka nun.."

ABKH Part 2 (ViceJack)Where stories live. Discover now